KABANATA 50

1.1K 12 0
                                    

Kabanata 50

"CAN I talk to you?"

Diretso ang tingin ni Adam kay Kelly na nasa tabi ng kanilang anak. Pinagitnaan nila si Riri. Hindi agad nakuha ni Adam ang atensyon ni Kelly, nakatutok lang iyon sa kanyang plato na parang walang narinig.

Nang magbaba ng tingin si Adam sa kanyang anak, nakatingin din iyon sa kanya. Mukha naman yatang nakuha ni Riri na ang gustong makausap ni Adam ay kanyang Nanay kaya nagawang kalabitin iyon ni Riri.

"Kausap ka po ni Tatay," Sambit ni Riri.

"Ay, ako pala." Nakangiwing tugon ni Kelly. Para kay Kelly naman kasi walang sinabi na pangalan kaya hindi siya tumingin at ayaw niyang mag assume lalo na sa ganoong klase ng bagay. "Sige, tungkol ba saan?"

"I want us to talk," Ulit ni Adam. "I mean, the two of us only."

Napatingin naman si Kelly kay Alex na katabi si Lyn na tahimik lang din. Katatapos lang kasi nilang mag hapunan, inimbita na ni Kelly na dito na mag hapunan si Adam at Lyn dahil iyon ang kahilingan sa kanya ni Riri.

"Sige na, kami na ang bahala kay Riri." Tugon naman ni Alex, nakuha niya agad ang gustong iparating ni Kelly sa paraan lamang ng kanyang tingin.

"Bakit po Tata?" Inosenteng tanong naman ni Riri, narinig kasi niya ang kanyang pangalan.

Binalingan naman iyon ni Alex. "Mag uusap daw si Tatay at Nanay mo, sila lang dalawa... ayos lang ba iyon sa iyo?"

Tumango naman agad si Riri. "Opo," Salitan niyang binalingan ang kanyang magulang. "Pwede na po kayo usap," Itinaas pa nito ang kanyang dalawang maliit na daliri. "Dalawa po kayo."

Hinalikan lang nila sa noo ang kanilang anak. Bago naunang tumayo si Kelly at iginaya si Adam sa maliit na garden sa kanilang harapan.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" Lakas loob na tanong ni Kelly. Magkatabi silang dalawa, pero diretso lamang ang kanyang tingin sa mga halaman na mismong nasa harapan nila.

Narinig niya na tumikhim si Adam. "You did a great job raising our kid." Panimulang puri ni Adam. "I admire you for being a brave woman, and thank you for that."

Saglit na natigilan si Kelly, hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin sa kanya ni Adam. "Iyon naman talaga ang dapat kong gawin, tsaka kinaya ko rin naman kasi siya rin ang nagsilbing lakas ko nang panahon na iyon." Tila emosyonal na tugon ni Kelly, biglang nagbalik na naman sa kanya iyong mga nangyari noon.

"I'm sorry, I wasn't there."

Nagpintig ang tainga ni Kelly at agad siyang napatayo. Umiling iling siya sa harap ni Adam. "Sa tingin mo ganoon lang kadali iyon, ha? Tatlong taon!" Bulyaw niya, matalim ang tingin niya rito. Hindi rin maikakaila ang bilis ng kanyang paghinga. "Tapos sorry lang?!"

Gusto niyang matawa sa ideya na iyon. Anong akala ni Adam? Pagkatapos lahat ng nangyari, humingi lang ng tawad. Tapos ayos na ulit?

Inabot naman ni Adam ang kamay nito pero umatras lang si Kelly. "H-Huwag naman palayo ulit sa akin," Halos mabasag ang boses ni Adam. "I hope you can give me the chance to explain everything to you." Nagsusumamo niyang pakiusap.

Marahas na napabuga sa hangin si Kelly bago tumango kay Adam at muling umupo sa tabi niya. "Pero, huwag kang umasa na mapapatawad na agad kita! Pakikinggan ko lang ang mga sasabihin mo." Pag linaw ni Kelly. Ayaw niyang mali ang maging pag intindi noon sa kanya ni Adam. Ayaw din niyang umasa pa ito na higit pa roon.

"It's fine with me." Sang ayon naman ni Adam. "Anyway, I'm willing to work out for that forgiveness of yours."

Napairap sa kawalan si Kelly. "Simulan mo na, ang dami mo pang sinasabi!"

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYحيث تعيش القصص. اكتشف الآن