KABANATA 42

937 16 1
                                    

Kabanata 42

"BAKIT hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"

Dumako naman ang tingin ni Kelly sa kanyang plato at totoo nga ang sinasabi ni Alex. Hindi pa niya nagagalaw iyong pagkain na nakalagay sa kanyang plato.

Tipid lang siyang ngumiti kay Alex. "Pasensya na, medyo busog pa kasi ako." Pagda-dahilan niya na hindi naman umeepekto kay Alex. Sa tagal ba naman ng kanilang pagsasama. Sa iisang bubong pa nakatira, imposible na makalusot pa ang dahilan niya kay Alex. Alam na alam na ni Alex kung nagsasabi ba ng totoo o nagdadahilan lamang si Kelly.

"Nanay, agahan pa lang po natin 'to. Bakit naman po busog ka na agad?"

Nang mabalingan ni Kelly ng tingin ang anak, magkasalubong ang kilay nito. Halatang-halata na nagtataka siya.

"A-Ah, agahan pa lang ba?" Wala sa sariling sambit niya, parang doon niya lang narealize na umaga pa lang. "Siguro masama lang ang gising ko."

Nang sabihin ni Alex iyon, wala naman na siyang narinig pang komento mula sa kanyang anak at kay Alex na nagkibit balikat lang. Hinayaan na lang siya ng dalawa.

Isang linggo na kasi ang nakalipas ng mangyari ang muling pagtatagpo nilang dalawa ni Adam, na masasabi niyang ibang-iba na sa kung sino ang Adam na nakilala, nakasama, at naging kasintahan niya noon.

*Flashback*

"A-ANONG ginagawa mo rito?!" Sigaw ni Kelly, hindi na niya napigilan pa ang sarili at nilapitan pa niya ito. Matalim ang kanyang tingin habang papalapit, pero parang wala lang iyon kay Adam. Wala itong pinapakita na reaksyon. Kahit pagkurap lang ng kanyang mata, wala talaga. Ngunit, may parte kay Kelly na dapat hindi na siya magulat kung wala siyang makuha ni katiting na reaksyon mula rito.

"Anong ginagawa mo rito?! Ang kapal ng mukha mo!" Muling bulyaw ni Kelly, kulang na lang talaga umusok ang kanyang ilong sa galit.

Wala pa rin siyang nakuhang sagot kay Adam, kaya naman mas lalo lang siyang nakaramdam ng inis. Talaga bang sinusubukan ang kanyang pasensya?

"Bingi ka ba?!" Sarkastiko niyang sabi. Mas lalong tumataas ang kanyang boses, halos hindi na niya makontrol pa ang kanyang sarili. Litaw man ang gulat sa kanya, pero nangingibabaw ang galit na matagal na niyang dinadala. "Gusto mo ba ulitin ko ulit sa iyo?!" Halos panlakihan na niya ng mata si Adam.

Ngunit, nginisihan lang siya ni Adam. May naglalaro pa na ngiti sa labi nito.

"You have a very brave employee here, Miss Oliva." Baling ni Adam sa dati nilang boss. "She was late, but she had the guts to say those words to me. I wasn't aware that you allowed employees here... with those kinds of attitudes." May diin na dagdag ni Adam at seryoso lamang siyang binalingan ng tingin.

"I-I'm sorry, sir," Paghingi ni Miss Oliva ng paumanhin kay Adam. "We can talk about it, later." Dagdag pa niya. Tsaka niya binalingan si Kelly at nilakihan ng mata.

"It's fine... I think that's normal. It's not a big deal to me anyway. I'm used to it." Tugon ni Adam, pero nanatili ang tingin kay Kelly.

Tila nakuha ni Kelly ang panlalaki ng mata ng kanyang boss. Doon lamang siya nakaramdam ng hiya para sa kanyang sarili. Pinili na lang niyang umatras at tumabi sa gilid.

"S-Sorry, sir." Paghingi niya ng paumanhin kay Adam at bahagya pa siyang yumuko.

"Don't you dare do it again!"

Napapitlag si Kelly sa pag sigaw ni Adam, pero nagawa pa rin niyang mag-angat ng tingin. Kita rin niya sa kanyang gilid iyong pagkagulat ng mga katrabaho niya.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon