KABANATA 56

1.1K 18 0
                                    

Kabanata 56

"K-KELLY, anak," Tila hirap na sambit ni Mrs. Tolentino. "I-Ikaw na ba 'yan? Nakauwi ka na ba talaga?"

Napatingin si Kelly sa kanyang Ama, nagtatanong ang kanyang tingin na mukha namang nakuha agad ni Mr. Tolentino.

"A-Anak, kasi..." Halatang nahihirapan na sambitin iyon ni Mr. Tolentino.

"Papa, ano po?" Inip niyang sabi, hindi inalis ang kanyang tingin sa Ama.

Napabuntong hininga si Mr. Tolentino. "Kapag kasi hindi niya suot ang kanyang salamin, malabo ang kanyang mata kapag malayuan."

"Bakit, hindi po ba nagpapatingin si Mama?"

"Nagpatingin naman," Depensa ng Ama. "Hindi ko nga lang maintindihan at bakit hindi niya lagi suot."

Nang ibinalik ni Kelly ang tingin sa Ina, hindi man lang niya namalayan na malapit na pala iyon sa kanya. Sinapo ni Mrs. Tolentino ang mukha ng anak, tutok na tutok. Ilang minuto rin na parang sinasaulo nito ang mukha ng kanyang anak.

"A-Anak, ikaw nga. Nagbalik ka na." Maluha luha na sambit ni Mrs. Tolentino.

Mahigpit na niyakap ni Mrs. Tolentino ang anak, ramdam ni Kelly ang panginginig ng kanyang Ina dahil sa ito ay umiiyak. Nakita niya kung paano iyon nilapitan ng kanyang Ama at marahan na hinaplos ang likod nito.

Hinayaan lang ni Kelly na yakapin siya ng Ina, habang yakap yakap din niya iyon pabalik.

"K-Kelly anak, p-patawad ha..." Bulong ni Mrs. Tolentino. "N-Natakot ako, eh. Tulad naman ng sinabi ko sa iyo noon, iyon pa rin naman ang dahilan ko..."

Napatingin si Kelly sa kanyang Ama. Base sa kanyang nakikita alam niyang alam iyon ng kanyang Papa. Dumating sa buhay nilang napagusapan nila ang bagay na iyon.

"M-Mama," Tanging iyon pa lang ang kanyang nasasabi, pero tila hirap na niyang sabihin. "M-Matagal ko na po iyon na tanggap, nagtanim man po ako ng galit sa inyo..." Pag amin niya. "Pero ngayon po, pinapalaya ko na iyon." Inihiwalay niya ang Ina, at nakangiti niyang hinarap kahit pa man nanlalabo ang kanyang mata. "M-Mama, pinapatawad na po kita."

Sa ilang buwan na pamamalagi ni Kelly sa bahay ng Tita ni Adam, doon niya napagtanto ang tungkol sa bagay na iyon. Sa tatlong taon kasi na pagtatago niya, namuo ang galit sa kanyang puso. Tulad na lang kung paano siya nagtanim ng galit kay Adam, na hindi man lang nalaman na may malinaw pa lang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari. Pinairal niya ang kanyang galit, kaya iyon ang nabuo niya. Iyon ang paniniwala na kanyang pinanindigan.

Kaya habang nanatili siya sa bahay ni Tita ni Adam, naisip niyang parang may kulang sa kanyang buhay. Kahit kasi nandoon ang galit niya, hindi pa rin naman nawala ang pagmamahal para sa kanyang magulang. Ganoon naman siguro talaga para sa isang anak, dumating man sa puntong magalit ka man. Natakpan man iyon pandalian, pero may lugar pa rin para manumbalik iyon.

"S-Salamat, anak... malaking bagay iyon sa akin." Tila emosyonal pa rin si Mrs. Tolentino.

Nginitian lang niya ang Ina. Naramdaman na lang ni Kelly ang mahigpit na yakap ng kanyang Ama, at kanyang Ina. Iba pa rin talaga ang yakap ng isang magulang. Walang katulad, walang kupas.

Nahiwalay lamang sila nang makarinig sila ng boses, mabilis na hinanap ng kanilang mata iyon at natigil ang tingin nila sa balkonahe na tapat lang mismo ng kanilang bahay.

"Hello, Nanay ko!" Si Riri na buhat ng kanyang Tatay, habang kumakaway pa iyon. Napangiti na lang si Kelly, at kinawayan din pabalik ang kanyang anak.

"S-Siya na ba iyong apo namin?" Sambit ng kanyang Ina, sa gilid.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now