KABANATA 51

1.1K 15 0
                                    

Kabanata 51

HINAYAAN muna ni Adam na kumalma si Kelly sa kanyang bisig. Minuto rin ang itinagal noon, bago niya muling nakausap ito.

"Do you want to rest?" Alok pa niya. Kita kasi ni Adam sa mga mata ni Kelly na pagod iyon, masasabi niyang dahil sa pag-iyak nito kanina kaya namumugto at parang inaantok ang dating ng kanyang mga mata.

Umiling naman si Kelly. "Ano pa ang dapat kong malaman? Deserve kong malaman iyon." Hirit pa niya, mukhang ayaw pang paawat. Gustong malaman na lahat sa isang pag-uusap lang.

Napatango na lang si Adam dahil ramdam niyang desidido ito na malaman ang lahat, ayaw ng magpalipas pa ng oras.

*Flashback*

"ANO ang plano niyo, sir?" Tanong ng sekretarya ni Adam.

Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse, pauwi galing sa lugar kung saan nila nalaman kung sino ang may gawa noon kay Kelly. "We'll act like we don't know anything," Malayo ang tingin ni Adam, nag-iisip ng pupwede niyang gawin. "But don't say it to Kelly. I want her out of this one. She doesn't deserve to be involved."

"Noted, sir."

ILANG buwan ang lumipas sa pag-uusap na iyon ni Adam at ng kanyang sekretarya.

"Sir, may gusto pong iparating sa inyo si Miss Kelly."

Napaangat ang tingin ni Adam pero agad din siyang nagbaba ng tingin, kasalukuyan kasi iyon na nagtitipa sa kanyang laptop. "Some other time," Balewalang sabi ni Adam, pokus kasi ang kanyang sarili sa ginagawa. Hangga't maaari hindi iyon pwedeng istorbohin. "There's something wrong happening in the company."

Noong gabi na iyon mismo, nalaman ni Adam na may ginawa si Noreen para magkaroon ng problema sa kanilang kompanya at iyon ang kanyang ginagawan ng paraan dahil hindi niya gugustuhin na umabot iyon sa kanyang Daddy.

Tuluyan pa rin na nagpanggap si Adam na wala siyang nalalaman. Hanggang sa gabing iyon sila lang dalawa ni Noreen ang magkasama dahil pinuntahan siya nito. Kahit pa man sobra iyong galit na nararamdaman niya para kay Noreen, nagawa niyang isantabi muna iyon para sa kanyang mga plano.

"I heard about your company," Panimula ni Noreen, iyong ekspresyon na pinapakita niya ay mukha ng walang ideya sa nangyari. "Do you need some help?" Alok pa niya.

Pinigilan ni Adam na kumuyom ang kanyang kamay dahil baka ano pa ang posible niyang gawin. Kahit pa man babae ang kanyang kaharap.

"I don't need it!" Matigas niyang sabi."I won't be in this position if I don't know how to fix it."

Nagkibit balikat si Noreen. "But, if you need it, don't hesitate to call me." Makahulugan na tumingin si Noreen kay Adam at malanding ngumiti bago tuluyan na lumabas ng kanyang opisina.

KINAUMAGAHAN nagising na lang si Adam na nasa tabi na niya si Noreen at iba ang kanyang paninitig.

"W-What the hell are you doing here?!" Sigaw ni Adam at bigla na lang napabangon.

Sapo sapo niya ang kanyang ulo dahil sa sakit. Sa dami kasi ng kanyang iniisip kagabi hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kanyang opisina at hindi na nakauwi pa ng kanilang mansyon.

"I brought you breakfast," Matamis ang ngiting iginawad ni Noreen kay Adam pero tila wala man lang epekto iyon sa kanya.

Tuluyan ng tumayo si Adam at tinungo ang kanyang lamesa. Napahilot siya ng kanyang sentido nang makita na ganoon na lang karami ang nag text sa kanya.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon