Prologue

4.8K 90 2
                                    


I
ACCIDENTALLY KISSED THAT
MAFIA LORD

Note:

This is our 3rd story. If you find this story unworthy, you are very free to not read this. No one's forcing you, anyway.

We will edit this one but as of now, pardon our grammatical and typographical errors. Thank you.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either products of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual person living or dead or actual events is purely coincidental.


***

Third Person's Point of View.

"Tulong!"

Sigaw ng isang dalaga sa kawalan habang tumatakbo nang mabilis upang hindi siya maabutan ng tatlong lalaking humahabol sa kaniya.

Ngunit walang tulong ang dumarating sapagkat wala na ring mga tao gawa ng alas onse na ng gabi. Patuloy na lang sa pagtakbo at pagdasal ang dalaga.

Ngunit bigla siyang napahinto nang wala na siyang matatakbuhan.

"Diyos ko, anong gagawin ko..." Tarantang saad niya sa kawalan.

Bigla naman siyang nabuhayan nang may makita siyang isang guwapong lalaki na nakasandal sa isang mamahaling sasakyan.

Akmang hihingi na siya ng tulong nang may maisip siya 'Wait, pag humingi ako ng tulong baka parehas lang rin kaming mapahamak sa huli' Sa isip niya.

Bigla naman siyang may naisip na paraan.

"Aish! Bahala na, kaysa naman buhay ko ang mawala." Mahinang saad niya sa kawalan at lumapit sa lalaki.

Napatingin naman sa kaniya nang walang emosyon ang lalaki.

"What-" Hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin niya nang siniil na siya nang halik ng dalaga. Gulat naman siyang napatingin dito.

"Nasaan na siya?"

"Wala na! nakatakas na, ang tatanga niyo kasi, eh!"

"Oh, hahaha! May naglalabing-labing pala rito! Baka nakakaistorbo tayo." Saad ng mga lalaking humahabol sa babae kanina pero hindi nila alam na 'yon ang babaeng hinahabol nila gawa nang nakatalikod ang babae habang nakahalik doon sa lalaki.

"Tara na, may araw din satin ang babae na 'yon." Saad ng isang lalaki at umalis na kasama ang iba pang lalaki. Kasabay ng pag-alis nila ay ang pagtigil ng babae sa paghalik doon sa lalaki.

"Sorry, Kuya. Kailangan lang kasi, nakaligtas ka ng buhay. Salamat!" Saad ng babae sa lalaki at nagmamadaling umalis.

Inis pa siyang tinawag ng lalaki pero tuluyan na siyang umalis.

"Tsk! You brat. You need to pay for that." Asik ng binata sa kawalan at pumasok sa mamahalin niyang sasakyan at may tinawagan sa phone.

[Oh, boss! Napatawag ka?] Sagot mula sa kabilang linya.

"May ipapagawa ako sa'yo bukas."

@2021. All Rights Reserved.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now