01

2.9K 71 0
                                    

Yuna's Point of View.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, nakahiga sa kama habang nagbabasa ng webtoon. Alas onse na ng gabi at may pasok bukas pero ito ako ngayon, tutok na tutok ang mata sa cellphone. Hindi naman ako pinapagalitan nila mama at papa dahil nagpupuyat din naman sila, rinig na rinig ko nga ngayon ang ingay nila rito sa loob ng kwarto ko mula sa sala.

"Anak ng!" Napabalikwas ako nang bangon nang may bigla-biglang kumatok ng pagkalakas-lakas sa pinto ng kwarto ko na animo'y huling araw niya ng makakakatok sa pinto.

"Yuna! Bumili ka raw ng ice cream do'n!" Sigaw ng kuya ko sa labas habang sunod-sunod kinakatok nang malakas ang pinto ng kwarto ko.

"Teka lang naman!" Sigaw ko habang papalapit sa pinto upang buksan ito.

"Hinay-hinay naman sa pagkatok kuya, halos sirain mo na tong pinto ng kwarto ko kung makakatok ka, eh" Saad ko sa kaniya pagkabukas ko ng pinto pero ang ogag inirapan lang ako. Attitude 'tong kuya ko, eh.

"Bumili ka raw ng ice cream do'n." Utos niya.

"Ano?! Gabi na mag-i-ice cream pa?" Kunot noo kong saad.

"Sila mama nagmo-movie marathon do'n sa sala, bilisan mo na! Bumili ka na, 'wag ka ng maraming cheche bureche" Saad nito at binigay sa'kin ang pera.

"Kapal nito, ikaw inutusan, 'no?" Asik ko rito.

Tinignan lang niya ako nang mapangasar na tingin at pumasok na siya sa kwarto niya.

"Sabi na, eh! Bwisit ka talaga! Lagi mo na lang pinapasa sa'kin mga inuutos sa'yo! Ikaw bumili do'n! Hoy!" Sigaw ko sa labas at harap ng pinto ng kwarto niya habang kinakatok ito nang malakas.

Pero hindi na siya nagre-response.

"Tsk! Bwisit!" Inis na saad ko at sinipa pa ang pinto ng kwarto niya.

"Ouch!" Daing ko.

"Tsk, bwisit na buhay!" Inis na saad ko sa kawalan at bumaba na.

"Ma! Pa! Si kuya, oh, sa'kin inuutos 'yong ice cream!" Sumbong ko sa kanila na parang maiiyak na.

"Oh? Edi bumili ka na do'n, ang lapit-lapit lang, eh" Saad ni mama habang naghahanap ng cd na papanoorin nila.

"Eh, siya 'yong inutusan niyo, eh! Lagi na lang ako! Minsan na nga lang siyang mautusan pinapasa pa sa'kin." Reklamo ko.

"Hayaan mo na anak, sige na, ikaw na ang bumili. Sa'yo na ang sukli niyan" Saad ni papa. Napatingin naman ako sa hawak kong pera na isang libo.

Tsk, pasalamat kayo.

"Ube flavor anak!" Pahabol ni mama.

Nandito na ako ngayon sa kalsada, naglalakad papuntang 7-eleven para bumili nga ng ice cream. Madilim na dahil alas onse na nga ng gabi at tanging ilaw na lang sa poste ang nagsisilbing liwanag, hindi pa gumagana lahat, tsk.

Nandito na ako sa 7-eleven, malapit lang naman kasi. Mga 5 minutes lang ang lalakarin makakarating ka na.

"Thank you po" Saad ko sa cashier at kinuha na ang plastic kung saan nakalagay ang ice cream at ang sukli ng isang libo. Lumabas na ako ng 7-eleven at naglakad na ulit pauwi ng bahay.

Ngunit sa gitna ng paglalakad ko ay may nakasalubong akong tatlong lalaki, inaalalayan ng dalawang lalaki ang isa pang lalaki. Mukhang mga lasing sila.

"Badtrip talaga 'yong asawa ko pre, daming kabet!" Saad ng lalaking inaalalayan nila.

"Hayaan mo na yon pre! Mag hanap ka na lang ng iba" Saad ng umaalalay sa kaniya.

"Oo nga, katulad ng babaeng 'yan pre, oh. Ang ganda at kinis!" Saad naman no'ng isa pang umaalalay sa kaniya. Bigla naman akong kinabahan nang tumingin silang tatlo sa akin.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now