59

816 24 0
                                    


"Hoy ano bang ginagawa mo?!" Tarantang saad niya.

"Kalma Yohan." Saad ko.

Ilang minuto pa ay bumukas na ang gate at niluwa non si Paris at Nicholas.

Agad namang kinuha ni Yohan ang baril niya at kinasa.

"Yohan, kalma. Ibaba mo yang baril mo" Awat ko kay Yohan.

"Ano? Alam mo na ba ang totoo?" Si Nicholas kaya tumango ako.

"Oo, tama kayo. Mag kapatid nga kami ni Austin De Villa" Saad ko.

"Ano?!" Si Yohan.

Napangiti naman sila Nicholas at Paris at pinapasok kami nung una ayaw pang pumasok ni Yohan pero pinilit ko siya.

"Nababaliw ka na ba Autumn? Anong pinagsasabi mong kapatid mo yang De Villa na yan? Parte ba to sa plano?" Saad niya sakin na sa likuran kami nila Nicholas naka sunod.

"Hindi Yohan, totoo ang narinig mo. Mag kapatid kami ni Austin" Saad ko pero hindi parin siya naniniwala.

Tuluyan na kaming nakapasok sa mansion ni Austin at talaga namang napaka yaman niya dahil sobrang ganda at laki ng mansion niya.

Nakita namin si Austin na prenteng nakaupo sa couch at nanlaki ang mata niya ng makita kami at kinuha ang baril sa likod niya...

"Kalma boss" Si Nicholas.

"What the hell are you two doing here?" Iritang tanong nito.

"Austin, alam ko na ang totoo. Ako to, ang kuya mo. Aaron Kirk De Villa" Saad ko na ikinagulat niya.

"WHAT?" Hindi makapaniwalang saad niya.

"Totoo ang sinabi niya boss, siya ang kuya mong matagal ng nawawala" Si Nicholas.

"At ikaw naman Yohan..." Baling ko kay Yohan.

"Hindi si Austin ang pumatay sa kapatid mo na si Ysmael. Si Trevor, si Trevor ang totoong bumaril sa kapatid mo" Saad ko.

"Autumn? Ano bang pinagsasabi---"

"Totoo ang sinasabi ko Yohan, maniwala ka. Si Trevor na ang mismong nag sabi sakin. Ginamit niya lang tayo" Saad ko na ikinatigil niya. Nakita kong ikinuyom niya ang kamao niya.

"Pero hindi ito ang tamang oras para pag usapan ang lahat ng ito, sa ngayon kailangan muna nating mag kampihan laban kay Trevor dahil hawak niya si Yuna" Saad ko.

"WHAT?!" Sabay na saad ni Yohan at Austin.












Someone's Point of View.

"Sir Aaron, sinusubukan ho naming contact-in si ma'am Astrid pero hindi ho namin siya ma-contact" Sabi ng nurse ko pag pasok niya sa kwarto ko.

Darn it.

Na saan ka ba Astrid.

"Contact-in niyo pa hanggang sa sagutin niya!" Inis na sabi ko sa nurse.

"Yon na nga po ang ginagawa namin sir Aaron---"

"LUMAYAS KA NA SA HARAPAN KO! AT HUWAG KANG BABALIK HANGGAT HINDI PA DUMARATING SI ASTRID!" Sigaw ko sakanya kaya dali dali naman siyang lumabas.

Ayoko ng mag tagal pa sa pesteng lugar na to.








Yuna's Point of View.

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa akin.

"Gising!"

Rinig kong sigaw ng lalaki. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong nasa isang napakalaking kwarto ako, walang mga gamit. Sobrang daming lalaki at lahat sila ay may kanya-kanyang hawak na baril.

Nasaan ako? Aish. Ang naalala ko lang ay pasakay ako noon ng taxi nang may humintong van sa harapan ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

"Sino kayo? Nasaan ako?!" Nanghihina kong tanong. Hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko dahil nakatali sa upuan na kinauupuan ko.

"Kami? Kami ang tatapos sa buhay mo" sagot nung lalaking nagbuhos ng tubig sa akin at sinabunutan ako.

Magsasalita pa sana ako nang may pumasok na matandang lalaki, hindi sya masyadong katandaan siguro nasa 40+ ang age nya. Padabog akong binitawan ng lalaki at lumapit dun sa matandang lalaki na pumasok.

"Gising na po sya boss trevor" Sabi nung lalaki. Boss trevor?

Sya..

Sya si trevor?!

Parang uminit lahat ng kalamnan ko nang diretso nya akong tignan.

"Hayop ka. Pinatay mo si kuya ysmael. Dahil sayo kaya namatay si astrid. Heartless!" Nanggigil ako sa kanya ngayon. Gustong-gusto ko syang saktan.

Lumapit sya sakin at ngumiti ng nakakaloko.

"Magsimula ka nang magdasal babae malapit mo nang makita ang langit" Nakangising nyang sabi.

"HAYOP KA! IKAW ANG MAGSIMULA NANG MAGDASAL DAHIL SIGURADO AKONG NAGP-PLANO NA SILA AUSTIN PARA ILIGTAS AKO AT PATAYIN KA!" Sigaw ko sa kanya pero malakas na sampal ang binalik nya sakin.

Pero hindi ko yun ininda, puno nang galit ang puso ko ngayon.

"Kung maabutan ka pa nilang buhay. Hahahahahaha" Tawa nya at tinalikuran ako. "Ilagay nyo na" utos nya sa mga tauhan nya.

Nakita ko namang may kinuha sa isang box ang isang lalaking medyo matangkad..

Ngumisi ito sa akin nang mailabas nya na yung kinuha nya..

Nakaramdam ako ng kaba nang mapagtanto kong bomba ang hawak-hawak nya..

Lumapit na sakin ang lalaki at itinali sa katawan ko ang mismong bomba.

Pagkatapos namang itali sakin nung lalaki ang bomba ay nilagyan nya ko ng packing tape sa bibig.

"Matulog ka uli" Pagkasabi nya nun isang napakalakas na suntok ang naramdamanan ko kasabay nun ang pagdilim ng lahat.






Nicholas's Point of View.

"Boss, si yuna nga yun, na kay trevor nga si yuna"

"BULLSHIT!" Umalingawngaw ang sigaw ni boss sa buong mansion matapos nyang marinig yun mula kay paris.

Shit!

Malalang problema 'to!

Nasaan na ba si luhan at nygel bakit ang tagal nila?

"Sisimulan ko nang hanapin ang kapatid ko!" Si yohan at aakma na sanang aalis nang pigilan sya ni Autumn--Aaron.

"Yohan! Huwag kang magpadalos-dalos. Kailangan nating magplano!" Matigas na sabi ni Aaron.

Tsk. Yan ang hirap sa yohan na 'yan e padalos-dalos hindi nag-iisip. Ano kayang mangyayari sa kanila ni nygel kapag nagkita sila uli.

Palalagpasin ko nalang ang lahat para kay yuna at boss, kakalimutan ko na lahat ng atraso sakin ng yohan na 'yan. Tutal nakikipagkasundo narin naman sila samin.

Hindi na sumagot si yohan kay Aaron at tila nag-iisip na kung anong gagawin.

Napabaling kay sa laptop ko nang tumunog ito. Tinignan ko agad at halos manlaki ang mata ko nang makitang may nagsend sakin ng larawan yuna..

Damn!

"What's that?!" Tanong ni boss kaya agad kong ipinakita sa kanila ang larawan ni yuna na walang malay habang may nakataling bomba sa katawan nya.

"FVCK!" Mura ni boss.














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now