10

1.4K 42 1
                                    

"B-Buwaya?" Naiimagine ko palang ay nanginginig na ako sa takot.

"Joke NYAHHAHAHHAHAHAHAHAH­AHAHA." Tangina. Akala ko pa naman matino 'tong luhan isa rin palang bwiset sa lipunan.

Ito namang nygel chill lang habang nakikinig sa airpod nya.

Pumunta na ako sa closet ni austin, may kwarto rin ang mga damit ni austin. Yaman talaga. Kumuha ako ng isang towel at nagtungo na sa pool.

Malaki ang pool. Nasan naman kaya yung Paris na 'yun?

Wait-- naalala ko 'yung sinabi ni luhan na may buwaya rito. Kahit joke lang natatakot tuloy ako.

Ang lawak naman kase ng swimming pool ni austin pwede na ata 'tong maging resort.

Tuloy lang ako sa paglakad. Napahinto ako nang may dahan-dahang umahon mula sa tubig...

Oh.. my .. God..

Sobrang hot nya. Ang puti. Ang kinis. 6 packs. Mygosh! Pinagpapawisan ata ako sa sobra nyang hot.

"Who are you?" Walang emosyon nyang tanong sakin nang tuluyan na syang maka ahon mula sa pool. Parang kay austin ang tataba rin ng muscles nya...

Feeling ko crush ko na sya.

Yung abs nya mas lalo kong nasilayan.

Tas yun.. potek?! Ngayon ko lang narealized na naka brief lang pala sya! Omg! Nakakahiya ka talaga Yuna.

Mabilis akong tumalikod.

"Kung kailan nakita mo na lahat ska ka tatalikod."

Rinig kong sabi nya mula sa likuran ko. Gosh! Gusto ko nang maglaho, now na! Pati boses nya nakaka inlove.

Imbis kabahan ako, kinikilig ako e!

"Hehe sorry. Ito nga pala 'yung towel mo." Abot ko habang nakatalikod parin. Kinuha naman nya ito agad.

"Ikaw ba si Paris?"

"Yes."

Ang gwapo talaga ng boses nya. Kinikilig ako!

"Ako naman si Yuna Finlay, slave ni austin for 3 weeks. Nice to meet you!" Pagpapakilala ko habang nakatalikod parin. Hindi ba ako napaghahalataang maharot?

Pagbigyan nyo na, minsan lang 'to 'no.

"Ilan taon kana? Kaano-ano mo si austin? I'm 20 years old, ikaw? Siguro mas bata kapa kay austin 'no? Ang amo kase ng mukha mo e." Bakit hindi sya sumasagot? Bingi ba 'to?

Charot.

"Ano ka ni austin? Kapatid kaba nya? Or .." wait, bakit parang wala akong kausap.

Dahan-dahan akong humarap. Pota. Nasan na 'yun? Kanina pa ba sya wala dito? Tapos salita ako ng salita? Tsk. Hindi ko na sya crush!







Paris's Point Of View.

"Yes." Sagot ko sa babaeng nag-abot sakin ng towel.

Naglakad na 'ko papasok sa loob ng bahay. Nakaramdam na 'ko ng lamig kaya minessage ko si nicholas na dalhan ako ng towel. Pero akala sya ang maghahatid isang babae lang pala. Siguro isa 'yun sa mga babae ni nicholas. Ang lalaki talagang 'yun napaka babaero pati sa bahay ni boss nagdadala ng babae nya.

Mabilis lang akong nag shower at nagtungo na ng sala, alam kong nandun sila.

Silang tatlo ay napatingin sa akin maliban kay boss na seryosong nakaupo sa coach nya.

"Nasan si yuna?NYAHAHAHAHAHA."

Tanong sakin ni luhan habang ngumangata sya.

"Sinong yuna?" Umupo rin ako sa tabi nila.

"Yung naghatid sayo ng towel. NYAHAHAHAHAHA"

"Uh, Ewan ko. Nandun pa ata sa pool." Sagot ko napatingin naman sakin si boss austin.

"Did you leave her there alone?" Nakaramdam ako ng kaba sa tono ng pagsasalita ni boss.

"Yes. Why?" Sino ba 'yung babaeng 'yun. Hindi ba sya babae ni nicholas?

Magsasalita pa sana uli si boss.

"Oh nandito na pala sya NYAHAHAHHA"




Yuna's Point of View.

"Oh nandito na pala sya NYAHAHAHA" Bungad sakin ni luhan nang makabalik ako sa sala. Nandito na 'yung lalaki kanina sa pool. Naka damit na sya ngayon at ang gwapo nya!! Omg, crush ko na ata sya uli.

"I'm sorry, iniwan kita sa pool. Akala ko susunod ka agad." Sabi nya sakin. Kita ko sa mga mata nya ang sincerity. Gosh!

"Wala na 'yun 'no. Kalimutan mo na yun. Okay lang." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sus! Takot ka lang kay boss eh NYAHAHAHHA"

"Tsh. Sino ba sya?"

"Sya si yuna slave ni boss." Si nicholas.

"Oh.. akala ko babae mo." Duh? Ako babae ng nicholas na 'yan? Yuck!

"Fuck you hahaha!"

"I'm Paris, by the way." Nakangiti nyang pagpapakilala sakin. Omg bebe Paris. Ngumiti ako sa kanya. Feeling ko matutunaw na ako sa mga tingin nya. Ito ba yung tinatawag na first love?

"Nice! Yuna, pwede mo ba kaming ipagtimpla ng tea? Salamat NYAHAHAHAHAHA"

Utos ni luhan, ang epal nya sa moment ko.

"Uh, ako rin isang tasa ng coffee. Thanks." Si bebe Paris.

"Okay, 'yun lang ba bebe Paris? I mean paris? Yun lang?" Umayos ka yuna mahahalata kang maharot.

"Yes--"

"Matulog kana yuna." Biglang sabat ni austin.

"Mamaya na, ipagtitimpla--"

"I said, matulog kana." Seryoso nyang sabi. Ang sama ng tingin nya sakin ngayon. Ano nanaman bang ginawa ko? Bait- bait ko naman ha. Bakit parang galit sya kung makatingin.

Hindi ko sya sinagot at nagtungo sa kusina para ipagtimpla sila bebe paris ng coffee. Wala akong pakialam sa sinabi ni austin bahala sya dyan. 'no. Napaka bossy nya! Porket sya may-ari ng bahay. Sino ba sya huh?! Muntik na kong mamatay sa mga alaga nya kanina tapos pinagalitan nya pa ko kanina kase umalis ako sa sala. Tapos ngayon napaka epal sa moment namin ni bebe paris.

Nilagay ko na sa tray ang dalawang tasa ng coffee, bubuhatin ko na sana 'to nang biglang may kamay na pumigil sakin.

"Hindi ba sinabi ko sayo na matulog kana." Malamig nyang sabi sakin. Seryoso ang awra nya ngayon.

Magsasalita sana ako kaso bigla nya 'kong hinatak palapit sa kanya, yung agwat ng mukha namin kunting-kunti nalang ay mahahalikan ko na sya.

Yung dibdib ko parang sasabog na sa sobrang kaba. Hindi ako makagalaw ang higpit ng pagkakahawak nya sa beywang ko. Yung mga titig nya sakin para akong matutunaw.

"A-Anong g-ginagawa m-mo.." takte! Nauutal na ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lahat ng lakas ko ay nawala, yung galit ko kanina, napalitan ng kaba.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinusuway ako." Malamig nyang sabi sakin at dahan ... dahan .. akong siniil ng halik.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now