33

923 25 0
                                    

Yuna's Point of View.

"Nandito na po ako!" Bungad ko sa loob ng bahay. Kakauwi ko lang galing don sa mansion ni Austin.

"Oh ate, nandiyan ka na pala" Si Yessie na nakaupo sa couch habang nag ce-cellphone.

"Na saan sila?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Gagabihin raw sila mama at papa. Si kuya naman may pinuntahan saglit" Sagot niya.

"Kumain ka na?" Tanong ko.

"Hindi pa, hinihintay ko yung ramen eh hshs" Siya. Tch.

Kinuha ko naman ang binili kong ramen at inabot sakanya.

"Wahhh, thank you ate, I love you!" Masayang saad niya at may pa halik pa sa pisngi. Psh.

Masaya siyang nag tungo ng kusina kaya tumayo na ako at dumiretsong banyo para mag half bath at kumain ng hapunan pag tapos.

Tapos na akong mag half bath at kumain kaya nandito na ako sa loob ng kwarto ko.

Nilapag ko na ang suklay ng matapos ko ng suklayin ang buhok ko tsaka sumalampak sa kama.

'Don't worry my love, you're the only woman in my heart and life. Trust me, you owned me'

Bakit ganon? Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Austin kanina.

Gusto kong baliwalain dahil hindi ko naman dapat seryosohin o bigyang pansin ang mga katagang iyan pero bakit hindi maalis sa isip ko.

Bakit niya ba sinasabi sakin ang mga ganyang salita? gusto niya ba ako? pero imposible, kailan lang kami nag kita. Slave niya lang ako, at higit sa lahat. May asawa siya.

Pero bakit ganon? Hindi ko alam kung pag bibigay motibo ang tawag sa mga ginagawa niya pero bakit ganon ang nararamdaman ko?

At naiinis ako sa sarili ko, hindi ko naman siya gusto at hindi ko siya dapat gustuhin pero aminin ko man o hindi tuwing mag kalapit kami may kakaiba akong nararamdaman.

Nasaktan ako nung nalaman kong may asawa na siya na hindi ko naman dapat maramdaman dahil wala akong gusto sakanya at hindi ko siya dapat gustuhin. Pero...hindi kaya...yung sinabi ni Paisley...

'Kahit kami na lang ang matirang tao dito sa mundo hinding hindi ako mag kakagusto sa lalaking yon no!'

'Hindi mo sure sis haha, baka kainin mo yang sinabi mo'

Napailing iling na lang ako ng maalala ang usapan namin ni Paisley kahapon sa cafeteria.

Hindi, hindi pwede. Sige, aaminin ko na. Alam ko naman na meron talagang chance na mahulog ako kay Austin pero ngayon pa lang hindi ko na hahayaang mangyari yon dahil may asawa siya.

Hindi ako pinanganak para maging kabit lang no.

Three days na lang naman at tapos na ako sa pagiging slave ko. Siguro ang gagawin ko na lang habang nandon ako sa mansion ni Austin ay hindi ko siya papansinin, iiwasan ko siya. Maliban na lang kung may uutos siya. Pag may inutos siya papakinggan ko lang ang iuutos niya at aalis na agad para gawin yon.

Oo tama, mas mabuti narin ito.













Austin's Point of View.

Nandito ako ngayon sa sala, sitting on the couch while drinking wine.

Masakit para sa akin na iniiwasan ako ni Yuna, but we're not really that close yet so it's also understandable.

Pero kung dahil kay Astrid ang pag iwas niya sakin, I'm sorry Yuna. I'm really sorry love.

Hindi mo pa pwedeng malaman sa ngayon dahil alam kong maguguluhan ka lang and maybe you'll avoid me when you find out. But I hope not, because I know you will also know because I don't want to hide anything from you.

"Boss Austin? Gising ka pa?" Biglang sulpot ni Nicholas.

"I should be the one to ask that, why are you still awake?" I asked seriously to him habang nag sasalin ng wine.

"Nagising lang ako boss para mag banyo tapos nakita kita dito" He said and sat down on the other couch.

"Since you're already here, sayo ko na ipapagawa to" I said and sipped the wine.

"Ang alin boss?" He asked in curiosity.

"Investigate the background of that Autumn Lay tomorrow" I said seriously.

"Copy boss." Him.










Yuna's Point of View.

"Basta Yessie ah! Wag kang maharot don! 18 ka na! Wag mo muna pairalin yang pag ka childish mo dito" Seryosong saad ko kay Yessie.

Paano ba naman kasi, nag pumilit sumama dito. Wala naman akong nagawa kundi ang payagan siya dahil blinockmail ako! Sasabihin niya raw kila kuya ang tungkol dito pag hindi ko siya sinama. Aish, ang babaeng to talaga.

"Oo na ate, paulit ulit ka naman eh. Sa bahay at habang bumabiyahe tayo mo pa yan sinasabi eh" Irita niyang saad. Aba.

"Dahil ayokong mapahiya!" Saad ko. Na pa pout na lang siya.

Nag doorbell na ako.

Ilang minuto lang ay bumukas na ang gate at iniluwa non si Nygel.

"Oh hi Yuna...?" Siya at napatingin kay Yessie.

"Si Yessie nga pala kapatid ko. Yessie, si Nygel nag tatrabaho rin siya kay Austin" Pakilala ko sakanila.

"Hi Yessie, ikaw pala yung sinasabi ni Luhan" Saad ni Nygel. Huh?

"Huh bakit?" Napatingin naman ako kay Yessie na ngayon ay parang kinikilig ay mali kinikilig talaga.

"Wala yon ate" Pababeng saad niya. Psh. Ang babaeng to talaga.

"Nga pala, sinama ko siya kasi nag ka lagnat siya eh. Eh walang tao sa bahay baka mamaya mag ka seizure siya" Palusot ko.

"Huh? Anong pinagsasabi---" Siniko ko siya kaya natigilan siya.

Ang babaeng to talaga siya na nga tong nag pumilit pumunta dito para lang makita si Luhan tapos hindi sasakyan yung palusot ko.

"Ah ganon ba, sige pasok na kayo" Si Nygel kaya pumasok na kami.

Nandito na kami sa loob ng mansion at nandito pala si Luhan sa labas nakaupo sa tapat ng swimming pool.

Napatingin naman ako kay Yessie na ngayon ay parang hihimatayin na sa kilig habang papalapit kami sa gawi ni Luhan.

Napatingin naman samin si Luhan ng maraming niya na ang presensya namin.

"Oh Yuna! Yessie? Right? NYAHAHAHAHAHA" Si Luhan.

Kinikilig naman na tumango si Yessie. Psh.

"Sinama siya ni Yuna kasi may lagnat raw, baka mag seizure. Wala raw kasing tao sa bahay nila" Paliwanag ni Nygel.

"Ganon? Ayos ka lang ba?" Parang alalang tanong ni Luhan.

Mas lalo tuloy kinilig si Yessie amp.

"Ayos lang ako" Pababeng saad ni Yessie. Psh.

"Nga pala, nasan sila Paris at Nicholas?" Tanong ko.

"Wala sila dito eh, may mga pinuntahan" Sagot ni Nygel kaya napatango naman ako.

"Ah sige, papasok na ako sa loob ah" Ako.

"Dito muna ako ate, malamig lang sa loob eh. Baka lalo akong lagnatin" Si Yessie. Wow kinareer porket nandiyan na si Luhan haha.

Tumango na lang ako at nag lakad na.














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now