34

889 27 0
                                    

Pag pasok ko sa mansion ni Austin ay natigilan ako ng makita ko sila ni Astrid sa sala.

Sinusubuan siya ni Astrid at ang sweet sweet nila.

Natigilan naman sila ng makita ako. Agad akong nag iwas ng tingin.

"Oh hi Yuna" Masayang saad ni Astrid kaya napatingin naman ako sakanya.

"Hi" Ako at ngumit ng pilit sakanya.

"Lagay ko lang to sa sink" Si Astrid at mabilis na nawala sa salas.

Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon dahil ayokong mag ka tinginan kami ni Austin dahil alam kong nakatingin siya sakin ngayon.

"Ano po ba ang gagawin ko ngayon sir Austin? Nang magawa ko na" Tanong ko na hindi tumitingin sakanya.

"Sit here first" Seryosong saad niya.

"Hindi na po, ok na ako dito" Saad ko na hindi parin tumitingin sakanya.

"Look at me" Seryosong at malamig na saad niya pero hindi ko sinunod ang sinabi niya.

"I said look at me. Diba nag tinatanong mo kung anong gagawin mo ngayon? Look at me, that's the answer. Yan ang gagawin mo" Seryoso niyang saad.

Aish, bat ba kasi kailangan tignan pa siya. Bwisit to.

Wala naman akong na gawa kundi ang tumingin sakanya na ngayon ay titig na titig sakin.

"Maupo ka" Seryosong saad niya.

Hindi na lang ako umangal at umupo sa couch na malayo sakanya. Syempre, iniiwasan ko na nga siya diba. Tsaka tama naman, boss ko siya kaya tama lang na as slave malayo ako sakanya.

"What are you doing?" Kunot noo pero seryoso parin niyang tanong kaya kinunotan ko rin siya ng noo.

"Dito ka umupo" Seryosong saad niya at tinuro ang couch na malapit sakanya gamit ang mata niya.

"Ok na ako dito sir Austin" Tanggi ko.

"Fine. Ako na lang ang lalapit sayo" Seryosong saad niya at na gulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Naka de kwatro pa ang paa at inakbay ang isang braso niya sa sandalan ng couch.

Ñeta umiiwas na nga ako sakanya siya naman tong lapit ng lapit pa epal.

Akmang lalayo ako sakanya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko gamit ang isa niyang kamay.

"Stay here" Seryosong saad niya.

Nanindig ang balahibo ko ng bigla niyang nilapit ang mukha niya malapit sa tenga ko.

"A-ano bang ginagawa mo sir Austin?" Tanong ko.

"Isa pang iwas Yuna, hahalikan na kita" Bulong niya mismo sa tenga ko tsaka siya tumayo.

"Pakainin mo yung mga alaga ko" Saad niya. Akala ko aalis na siya pero yumuko siya para mapantayan ako.

"Remember what I said Yuna. You know what will happen to you when you disobey me again" Seryosong saad niya tsaka umalis.

Wahhh, bwisit ka talaga Austin huhu. Umiiwas na nga ako ikaw naman tong lapit ng lapit. Isumbong ko na lang kaya siya kay Astrid? Sabihin ko nilalandi ako ng asawa niya. Wahhh, mababaliw na ata ako.

Ano yung inutos niya? Pakainin ko yung alaga niyang ahas at leon? Psh. Utusan ko na lang kaya si Yessie tutal pet lover naman siya. Aso lang naman kasi gusto ko. Si bogart yung alaga namin.

Bumalik ako dito kung saan kami nag usap usap nila Luhan, Nygel at Yessie kanina at nandito parin naman sila nag tatawanan.

"Yessie!" Tawag ko kay Yessie kaya napatingin naman sila sakin.

"HAHAHAHAHA bakit ate?" Siya.

"Mukhang magaling na yung kapatid mo Yuna NYAHAHAHAHAHA" Si Luhan.

"Oo ate okay na ako hehe" Siya at kinindatan pa ako.

"Oh tutal magaling ka na. Ikaw nga ang mag pakain ng mga alaga ni sir Austin" Utos ko sakanya.

"Sige ate, saan ba?" Siya.

"Luhan, pwedeng paki samahan siya?" Baling ko kay Luhan.

"Sure NYAHAHAHAHAHA" Siya.

"OMG thank you ate" Bulong sakin ni Yessie at umalis na sila kaya napangiwi naman ako.

Iniisip niya bang ginawa ko yon para mag kasama sila. Duh. Ang babaeng yon talaga.

▪︎▪︎▪︎

Luhan's Point of View.

"Nandito na tayo NYAHAHAHAHAHA" Saad ko kay Yessie ng nandito na kami sa tapat ng pinto ng kwarto ng mga alaga ni boss Austin.

"Asan pala yung ipapakain?" Tanong niya.

"Ah nandon na sa loob" Ako.

"Ah sige" Siya at binuksan na ang pinto ng kwarto.

Pag ka bukas na pag ka bukas niya ay bumungad samin ang alagang leon ni boss Austin.

Para namang na istatwa si Yessie sa kinatatayuan niya.

"WAHHHHHHH" Biglang sigaw niya kaya niyakap ko naman siya dahil mukhang natakot siya.

"Uy Yessie kalma mabait yan, hindi yan nangangain NYAHAHAHAHAHA" Saad ko habang napayakap sakanya.

Na istatwa naman siya at nakatulala lang ni hindi na gumagalaw NYAHAHAHAHAHA. Anyare dito.

"Hoy Yessie NYAHAHAHAHAHA, anong nangyari sayo?" Kumalas ako sa pag kakayakap sakanya at niyugyog siya pero nakatulala lang talaga siya.

Patay. NYAHAHAHAHAHA.














Yuna's Point of View.

"WAHHHHHHH" Kakapasok pa lang namin ni Nygel dito sa loob ng bigla kaming makarinig ng sigaw.

"Ano yon?" Si Nygel.

"Si Yessie yon" Ako at agad na nag tungo sa kwarto ng mga alaga ni Austin, ramdam ko namang sumunod si Nygel.

"Yessie anong nangyari?!" Tarantang tanong ko ng makita ko sila ni Luhan na nakatayo sa pintuan ng kwarto ng mga alaga ni Austin.

"Natakot siya sa leon tapos ito kinakausap ko ayaw ng sumagot ni hindi na gumalaw naka tulala lang" Paliwanag ni Luhan.

"Hoy Yessie! Ano ba! Hindi magandang biro yan!" Yugyog ko sakanya pero nakatulala lang talaga ito.

"Yuna, what happened?!" Biglang sulpot ni Austin at nilapitan ako, kasama niya si Astrid. Na palayo naman ako sakanya dahil ang lapit niya sakin.

Wala akong pake sa sinabi niya kanina basta iiwas na ako.

"Yung kapatid ni Yuna boss natakot sa leon tapos ito hindi na nag sasalita at gumagalaw" Paliwanag ni Luhan.

"Let's take her to the hospital" Si Austin at akmang lalapitan si Yessie pero nakita kong pinigilan ni Astrid ang kamay niya pero binaliwala yon ni Austin at akmang lalapitan ulit si Yessie pero ako na ang pumigil sakanya.

"Hindi mo na kailangan sumama sir Austin, kaya na namin to" Saad ko na hindi tumitingin sakanya.

"No---"

"Tara na. Nygel, Luhan pwede niyo ba akong samahan?" Putol ko sa sasabihin pa sana ni Austin.

"Sure / Syempre naman" Sila. Kaya nag simula na kaming akayin si Yessie at mag lakad.

Bakit pa sasama si Austin eh hindi niya naman na kami responsibilidad wala naman siyang pake samin dahil slave lang ako dito, si Astrid ang intindihin niya.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now