32

924 29 0
                                    

"Astrid..." Kinakabahan kong tawag sakanya.

"Oh Yuna? Tapos na ba yung niluluto mo?" Tanong niya na ikinagulat ko. Nagulat ako kasi inaasahan ko na susumbatan niya ako about sa kanina pero hindi, ni hindi nga siya mukhang galit.

"Sorry..." Hinging paumanhin ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Huh? Sorry for what?" Kunot noong tanong niya.

"About don sa..." Ako.

"Sa?" Siya.

"Sa kanina..." Ako. Eh? Nakita niya ba yon o hindi? Eh alam ko nandoon siya sa likod namin eh, diba sabay kaming pumasok.

Bigla naman siyang napatawa ng parang ma gets niya na ang ibig kong sabihin.

"You don't have to say sorry Yuna" Nakangiting saad niya.

"Huh?" Kunot noong saad ko.

"Basta, malalaman mo rin haha. Anyway, tapos ka na ba mag luto?" Hindi ko na gets ang sinabi niya pero baka hindi siya selosa kaya hindi siya na galit.

"Ah oo" Ako.

"Tara, tulungan na kitang mag hain" Siya at akmang tatayo ng pigilan ko siya.

"Nako, hindi na. Kaya ko na" Ako.

Ngumiti lang siya at nag patuloy parin sa pag tayo para tulungan akong mag hain.

"Boys, kain na!" Sigaw ni Astrid ng matapos na kaming mag hain.

Agad namang nag si datingan sila Luhan, Nygel, Paris at Nicholas.

"Uy adobo! Favorite!" Si Luhan.

"Lahat naman favorite mo eh" Pambabara sakanya ni Nicholas.

"NYAHAHAHAHAHA" Tinawanan lang ito ni Luhan.

Umupo na sila, mag kakatabi silang apat. May limang upuan ang mag kabilaang lamesa. Nandito kami sa kabila ni Astrid.

Dumating na si Austin.

Si Astrid ang na sa kaliwa ko at ng mapansin kong sa kanan ko uupo si Austin ay agad akong tumayo.

"Where are you going?" Tanong ni Austin.

"Doon na ako uupo sa tabi nila" Saad ko. Ang tinutukoy ko sa tabi nila Luhan.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at kinuha na ang plato ko at tumabi kay Paris. OMG! SI CRUSH! HAHA.

Nagulat ako ng doon parin umupo si Austin, kaya ang pagitan nila ni Astrid ay yung upuan ko kanina.

Tsk, kaya nga ako umalis don para di ako maka sagabal sakanila tas di naman pala sila mag tatabi? May mag asawa bang ganyan.

Tahimik lang kaming kumakain ngunit di ko maiwasang mailang dahil habang kumakain si Austin ay na sa akin ang tingin niya.

Bakit ba siya nakatingin? Bakit hindi yung asawa niya ang titigan niya kainis siya ha!

Natapos ng kumakain sila Luhan, Nygel, Paris at Nicholas kaya umalis na sila.

Bago pa nga sila umalis ay pinuri pa ako na sobrang sarap raw ng luto ko.

"I'm full! Sobrang sarap ng luto mo Yuna" Puri sakin ni Astrid.

"Salamat" Nakangiting tugon ko.

"Cr lang ako, excuse me" Siya at mabilis na nawala sa dining area.

Kami na lang pala ni Austingot ang nandito.

Tapos na siyang kumain pero bakit ayaw niya pang umalis? Nakasandal lang siya sa sandalan ng upuan at pinag mamasdan ako naiilang tuloy ako.

Tumayo na ako at inayos ang mga platong pinag kainan.

Kahit nakatitig siya sakin ay pinilit ko na wag tumingin sakanya. Ayoko ng gulo, may asawa siya.

Hindi sa assuming ako para lang maka siguro na malalayo ako sa gulo.

"Look at me" Nagulat ako ng bigla siyang mag salita pero hindi ko pinahalata na na gulat ako.

Hindi ko siya pinansin at binuhat na ang pinag patong kong mga plato na pinag kainan namin.

Akmang lalakad na ako para dalhin ang mga ito sa lababo ng biglang niyang hagitin ang bewang ko at pinaupo sa lap niya.

Damn you Austin!

Napapikit ako sa ginawa niya, aaminin ko uminit ako at may kung anong naramdaman dahil sa ginawa niya.

Pero mali ito! Ano bang ginagawa niya, makita kami ng asawa niya. Si Astrid.

"Are you avoiding me?" Malambing niyang tanong.

Damn. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko.

Shit, hawak ko parin pala yung mga plato.

"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo sir Austin? M-makita tayo ni Astrid" Saad ko at akmang tatayo pero hindi niya ako pinayagan. Hinigpitan niya ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko.

"Are you jealous of her?" Hindi ko nakikita ang mukha niya pero alam kong nakangisi siya habang sinasabi yon.

Tsk! Ang kapal! Well oo---I mean---tsk.

"A-ano? Hindi ah! Bakit naman ako mag seselos, baliw ka ba haha" Natatawang tanggi ko.

Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya.

Damn! That laughed of him! Parang musika.

"Don't worry my love, you're the only woman in my heart and life. Trust me, you owned me" Malambing niyang bulong sa tenga ko.

Natigilan ako sa sinabi niya at napapikit pa.

Damn. Pakiramdam ko sobrang pula ng pag mumukha ko ngayon.

Wala akong gusto sakanya pero aaminin ko nag selos ako nung nakita ko silang mag kasama ni Astrid at nasaktan ako ng malamang mag asawa sila, maski ako naguguluhan kung bakit nakakaramdam ako ng ganyan wala naman akong gusto sakanya. Wala nga ba o in denial lang ako?

Pero bakit nga ba niya sinasabi ang mga katagang yon sa akin, may gusto ba siya sa akin?

Damn you Austin bakit parang tinatamaan ako sa mga matatamis mong salita.

"A-anong bang pinag sasabi mo sir Austin?" Tanging na sabi ko.

Hindi ko na siya narinig na nag salita pa at ganon na lang ang gulat ko ng maramdamang hinahalikan na pala niya ako sa leeg.

Tangina anong ginagawa niya? GAGO KA AUSTIN MAY KILITI AKO DIYAN!

Napapikit na lang ako sa ginagawa niya bwisit sinasabi ng utak ko na lumayo sakanya pero bakit parang ayaw naman kumilos ng katawan ko.

Na balik ako sa reyalidad ng maalala si Astrid. Mali ito! May asawa ka na Austin gago ka! Ayokong masaktan si Astrid ang bait bait niya pa man din sakin.

At higit sa lahat ayokong maging kabit gago ka Austin.

"Tama na!" Medyo pa sigaw na saad ko sakanya at tumayo mula sa pag kakaupo sa lap niya.

Damn Yuna anong 'tama na' bat yon ang sinabi mo tanga.

Napatawa naman siya. Tanginang tawa yan lakas maka seduce.

"Sorry, hindi ko na napigilan" Natatawang saad niya. Tsk.

Napaigtad naman ako ng layo kay Austin ng biglang dumating si Astrid.

Shit.

Hawak ko parin ang mga plato.

"Yuna! Ay tutulungan sana kitang mag ligpit ng pinag kainan, tapos mo na palang ligpitin" Nakangiting saad niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag, buti hindi niya nakita.

"Tulungan na lang kita mag hugas ng mga yan" Prisinta ni Astrid.

"Nako, salamat na lang pero kaya ko na ito. Excuse me." Saad ko at nag punta na ng lababo.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now