16

1.3K 41 0
                                    

^0^ - ganyan itsura ko guys nung makita ko ang mga pinamiling damit sakin ni austin. 20 minutes lang ata ako sa cr pero nakapamili na sya ng ganyang karaming damit?!

Nandito ako ngayon sa kwarto na binigay sakin ni austin. Narinig ko lang kanina na pumili lang daw ako dito ng kahit ano.

Ang gaganda ng mga damit guys! Halatang mamahalin lahat. Pero pinili ko ang simple lang.

Nagbihis na ako at bumaba na sa sala. Nakatayo si austin ngayon sa harap ng malaki nyang bintana na babasagin. Nakatalikod sya sakin ngayon.. Habang.... May kausap sa phone?

Dahan-dahan akong humakbang para hindi nya ako mapansin.

Hoy! Hindi ako chismosa 'no. Slight lang hihihi

"Yes I'm done.. you too .. take care ... I missed you too."

Rinig kong sabi nya sa kausap nya sa phone. Sinong kausap nya? I missed you too daw? Luh. Bakit parang may kumirot ata sakin.

Nang makita kong ibinaba nya na ang phone nya ay kunwareng lumakad na 'ko palapit sa kanya sakto namang humarap sya.

"Hello. Uuwi na ba 'ko?" Pilit ngiti kong tanong sa kanya. Napakunot noo naman sya.

"Kanina kapa ba nandyan?"

"H-Huh? Ah ... hindi no. Ngayon lang hahaha! Bakit?" Pagsisinungaling ko.

"Ok. Let's go ihahatid kita." Sabi nya. Wait-- ano daw? Ihahatid nya 'ko?

"Ihahatid mo 'ko sa bahay namin?"

"Yes."

Luh. Hindi pwede. Paano kung makita sya nila mama at papa? Ni kuya at yessie? Tapos itanong kung sino sya? Kung bakit kami magkasama? Kung paano kami nagkakilala? Oh my god!! Hindi pwede.

"Uh hindi na, okay na ko. Wag mo na akong hinatid. Alagaan mo nalang yung mga alaga mo hehe. Sige na bye!" Sabi ko sa kanya nakita ko pang napaka kunot noo sya pero mabilis na akong lumabas ng bahay nya.








Yessie's Point of View.

"Hi ate!!"

"ANAK KA NG NANAY MO!"

Sigaw ni ate yuna nang bigla ko syang salubungin pagkapasok nya palang ng pinto.

"Ofcourse! Anak ako ni mama HAHAHAHA ate talaga-- omg? Ate? Ang ganda ng damit mo, san galing yan? San mo binili? Magkano? Binilhan mo rin ba 'ko?" Sunod-sunod na tanong ko kay ate habang sinusundan sya papuntang sala. Ang ganda kase ng damit nya, nakita ko yan online e. Mamahalin yung tatak nyan.

Pag-upo nya sa sofa namin ay umupo rin ako. "Ate?! Binilhan mo rin ba 'ko? Magkano? Ikaw ha. Hindi ka nagsasabi bibili ka pala ng damit--"

"Hindi ko 'to binili." Mataray nyang sagot. Luh bad mood?

"Eh kanino galing yan?-- gosh! Ninakaw mo ba yan ate? Kailan kapa naging magnanakaw? Ate, masama yan hindi tayo pinalaki nila mama at papa para magnakaw lang?! Kasalanan yan sa diyos ate! Paano kung mahuli ka? Makulong ka? Edi mawawalan na 'ko ng ate, sino nang magtatanggol sakin kay kuya? Sino nang hihingan ko ng advice about sa crush ko?! Ate ayokong makulong ka!!" Niyakap ko si ate, naiimagine ko palang naiiyak na 'ko huhu.

"Gaga! Hindi 'ko 'to ninakaw. Ang advance mo nanaman mag-isip." Si ate, at binatukan pa 'ko. Ang sakit huhu. Nagkaroon lang sya ng bagong damit nambabatok na sya. Actually, lagi nya naman akong binabatukan ewan ko ba sa ate ko siguro nagagandahan sya sa ulo ko.

"E, saan galing yan-- omg ate? Inutang mo ba yan? Ay hindi. Hindi mo naman iguling mangutang, hindi kaya .. May boyfriend kang cano? Or arabo? Hala ka ate, bakit hindi mo sinasabi sa amin na may boyfriend ka na pala huh. Paano kung itanan ka nyan? Mabuntis ka ng maaga paano na ang mga pangarap nila mama at- ARAY!! ATE!?"







Yuna's Point of View.

"---ARAY!! ATE!?" Daing nya pagkatapos ko syang batukan uli. Ganyan sya e. Minsan matino, minsan exaggerated kung mag- isip, napaka advance.

"Kay paisley 'to galing." Pagsisinungaling ko, para tuloy akong nakokonsensya minsan lang kase talaga ako magsinungaling, wala kaseng secret samin ni yessie sobrang close kami nito e.

"OH.MY.GOD. Si ate paisley may boyfriend nang arabo?! Paano na yan ate, paano na si kuya? Diba may plano pa nga tayo na kapag kinasal sila tayo ang bridesmaid? Tapos kapag nagka-anak sila tayo din ang ninang, paano na sila magkakaanak ngayon kung may boyfriend nang arabo si ate paisley? Ate, tulungan natin si ate paisley na hiwalayan yung arabo na 'yun nakita ko sa facebook na panget daw maging asawa ang---ARAY!! PANGATLO NA 'YUN HUH!!" Hay nako, hindi nanaman nakainom ng gamot ang kapatid ko.

"Walang boyfriend na arabo si paisley, okay?" Maikli kong sagot at tumayo na. "Magpapahinga muna 'ko" dagdag ko at naglakad na papunta ng kwarto pero napahinto ako at tumingin uli kay paisley na ngayon ay weirdong nag-iisip. Siguro iniisip nya parin kung saan galing 'tong damit ko. Napatingin ako sa kwarto ni kuya na nakabukas ng unti. Pustahan wala sya dyan, laging naka lock ang pinto nyan e. Nasan naman kaya 'yon?

Pumasok nako sa kwarto ko at sumalampak sa kama ko.

'DAMN!! YUNA!! DAMN IT!! I almost died--"

"DAMN!! YUNA!! DAMN IT!! I almost died--"

Naalala ko nanaman ang mga salitang yan mula kay austin kanina. Yung yakap nya .. yung mga mata nya ..

Aish!

Bakit ako ngumingiti? Inimagine ko lang naman yung yakapan namin kanina, hay nako nababaliw na ata ako.





Yohan's Point of View.

Presente akong nakaupo kama ko habang nakaharap sa computer nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Autumn." Bungad ko.

[Magkita tayo.]

*TOOT *TOOT

Pagkasabi nya nun ay agad nya ding ibinaba ang linya, mabilis akong nagbihis at kinuha ang baril ko sa ilalim ng kama.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko ang mga kapatid ko na nasa sala, busy silang mag-usap kaya hindi nila napansin na nakalabas na ako ng bahay.

~

Itinigil ko ang motor ko sa harap ng malaking gusali dito sa tagaytay. Pagkababa ko ng motor ay diretso akong pumasok sa loob.

"Sir yohan" bungad sakin ni holland at nag bow pa. Ang sumunod sa pinakamataas sa akin.

"Nasan si autumn?" Tanong ko.

"Nasa loob ho sya kanina pa" sagot nya. Pumasok nako, bumungad sa akin ang nasa 50 naming tauhan nakapalibot ito kay autumn na ngayon ay relax na naghihintay sa akin. Napangiti sya nang makita nya ko, ganon din ako.

"Yohan. Long time no see." Si autumn. Sakto ang pagdating ko sa pagka ubos ng sigarilyo nya. Lumapit ako sa kanya.

"Kailan kapa naka uwi?" Ako at umupo sa tabi nya at nagsindi ng sarili kong sigarilyo.

"1 week na ata. Kamusta ang organization." Tanong nya na hindi tumitingin sakin.

Ang tinutukoy nyang organization ay ang SK mafia Organization. Ito ang tawag sa grupo namin.

Oo, tama kayo ng iniisip. Isa akong mafia, ganon din si autumn. Pumapatay kami ng tao, gumagawa ng mga illegal na gawain.

Pero tanging kami lang ang nakakaalam. Hindi ito alam ng pamilya ko.

"Ayos naman. Wala namang problema." Sagot ko.












---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt