07

1.5K 42 0
                                    

"Okay po sir! Ligo well!" Pahabol kong sabi.

Mga alaga? May mga alaga pala sya dito.

Naks, pet lover pala ang papa austingot nyo.

Mabilis ko nang niligpit ang pinagkainan nya. Nakita ko naman agad ang isang lalagyan na halatang pagkain ng isang hayop.

Ano kayang alaga ni austin? Aso? Pusa?

Kinuha ko na 'yon at nilisan na ang kusina baka marinig ko nanaman si austin na sumigaw at mapatay na ko nun kapag nagtagal pa 'ko.

Ang laki-laki talaga ng bahay nya, at ang taas taas pa ng mga hagdanan.

AFTER CHUCHU MINUTES..

"Hays salamat, nasa 3rd floor narin." Saad ko sa kawalan nang maka akyat na ako sa 3rd floor kung nasaan ang alaga ni austin.

Isa ..

Dalawa ..

Tatlo ..

Pangapat na kwarto.

Bilang ko sa mga kwarto dito. Mapapa wow nalang talaga ako. Pati alaga nya may kwarto rin? Siguro sa panaginip lang ako magkaka kwarto ng ganto kaganda. Pintuan palang parang ginto na.

Kumatok muna ako kahit alam ko namang walang sasagot HAHAHA.

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto..

Bumungad agad sa akin ang kabuuan ng kwarto, napaka maaliwalas dito at may mga pekeng puno pa at bato pa.

Oh my gosh! Siguro kapag ako ang naging alaga ni austin may pa-pekeng beach din ako.

"Chuchuchu! Where are you? It's time to eat na.." tawag ko sa alaga ni austin.

Nasan ba 'yon?

Bahagya pa akong lumapit sa pekeng puno, siguro nagtatago---

"Ssssssssssssssss"

Para naman akong naistatwa nang marinig ko ang tunog na 'yon.

"Sssssssssssssss"

Dahan-dahan akong tumingala at----

"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!­­­" Sigaw ko nang makita ko ang isang malaking ahas na nakapulupot sa puno yung haba nya siguro ay mula ulo hanggang paa ko. Sobrang laki----

Hindi na ako nagalinlangan tumakbo ako papunta sa pinto pero----

"Raaaawwwwrrrrrrr.."

"AAAAHHHHHHHHHH! MAMAAAAAA!" Sigaw ko uli nang biglang bumungad sa akin ang isang malaking Leon.

Masama ang tingin nya sakin ngayon.

Nasa likod ko na ang ahas at nasa harapan ko ang isang leon--POTA MAMAMATAY NA AKOOOO!

"RAAAAAWWWWR!"

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHH­­­H! TULONG!" Sigaw ko nang humakbang ang Leon palapit sakin.

"Yuna!" Biglang bukas ng pinto at iniluwal nito si austin.

Napabaling sa kanya ang atensyon ng Leon..

"Go there!" Utos ni austin sa Leon at para naman itong taong sumunod agad at gumilid.

Lumapit naman si Austin sakin.

"Are you okay?" Tanong nya.

"OKAY?! BALIW KABA HUH?! BAKIT HINDI MO SINABING MAY SARILI KA PALANG ZOO DITO SA BAHAY MO!?" Inis na saad ko. Naluluha na 'ko!

"What?" Sya.

"AKALA KO ASO OR PUSA LANG YUNG ALAGA MO, HINDI MO NAMAN SINABING AHAS AT LEON PALA! MUNTIK NA AKONG MAMATAY!" Sigaw ko uli.

"You didn't ask."

Potek?!

"You didn't ask, you didn't ask, kung namatay ako? You didn't ask ang sasabihin mo sa pamilya ko?!" Nakakatakot kaya yung mga alaga nya, siguro kaseng taba ng kapatid kong si yessie yung Leon.

"Tsk. Tumayo kana dyan." Utos nya sakin na parang walang nangyare.

Inis naman akong tumayo at--

"WAAAAAAHHHH!" Napasigaw uli ako sa gulat nang pagtayo ko ay sinunggaban ako ng ahas sa mukha, pero sunggab lang. Sa taranta ko ay napatakbo ako kay austin dahilan para parehas kaming matumba sa sahig.

jusko lord. Ano ba 'to.

Kasalukuyan akong nakadagan ngayon ngayon ay austin sobrang lapit ng mukha namin ngayon. Hindi ko alam pero ang lakas ng pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa gwapo nyang mukha.

Ay no! Dahil sa kanya kaya muntik na akong mamatay sa kaba dahil sa mga alaga nya kaya dapat galit ang maramdaman ko ngayon.

Brown eyes ..

Red lips ..

Pointed nose ..

Perfect!

Ngayon ko lang napagmasdan ang bawat detalye ng mukha nya, lagi kaseng blanko ang mukha nito minsan nakasimangot pa. Ang gwapo nya. Para syang anghel na pinadala ni lord sakin.

Chos! Ano ba 'tong iniisip mo yuna. Para akong tanga.

"Bakit hindi mo nalang ako kuhaan ng picture, para 'yun ang titigan mo. Ang bigat mo kaya." Sabi nya na may kunting ngiti sa mga labi.

Shocks! Mas lalo syang gumwapo.

Mabilis naman ang tumayo at inayos ang sarili ko. Umawra ako ng kunware ay galit pa.

"Gawin mo na 'yung inuutos 'ko. Pakainin mo na ang mga alaga 'ko." Sabi nya sakin pagkatayo nya.

Wow?! Seryoso ba sya?

"Hoy! Ayoko nga. Baka ako pa ang kaininan ng mga 'yan e! Never! Iba nalang ang iutos mo." Tinignan ko pa yung Leon na ngayon ay nakatingin sa akin wari'y kinikilala ako.

"Mababait sila cornelius at slider, hindi sila kumakain ng tao."

Tss. Palibhasa mga alaga nya e! Kaya madaling sabihin.

"Ayoko! Tignan mo nga o! Yung tingin sakin ng Leon mo parang kakainin na 'ko ano mang oras." Tinignan ko naman yung ahas nya na ngayon ay chill lang habang pumupulupot sa pekeng puno.

"Bakit kaba may mga alagang ganyan dito sa bahay mo? Pwede naman aso nalang or pusa."

"Common na 'yan. Haha! Aso? Pusa? Map-protektahan ba 'ko ng mga yan sa oras ng kapahamakan?" Nakapamulsa nyang sabi sakin.

Tss. Anong ibig nyang sabihin? Kaya sya nag-aalaga ng ganyan para lang sa pansariling kaligtasan nya?

"Nevermind. Si volteir nalang ang pakainin mo. Nasa kabilang kwarto sya. Then after nun puntahan mo 'ko sa sala."

Wait, Sino naman yang volteir na 'yan?!

"Woi! Sino nanaman yang volteir na 'yan ha?! Baka buwaya naman 'yan, ayoko na talaga."

"Don't worry. he's safe." Tangi nyang sagot at lumabas na.

Lumabas na rin ako dahil baka kainin na talaga ako ng mga alaga ni austin.

He's safe daw. Sana naman safe nga.

Ano ba 'tong gabi na 'to, feeling ko hindi ako makakatulog ng matiwasay sa bahay na 'to.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto na sinabi ni austin. Kagaya sa kabila ay maganda rin ito. May malaking bintana.

"Hello, " Nasan ba 'yon.. " Volteir?" Kada lakad ko ay tinitignan-tignan ko ang paligid baka may Leon at ahas nanaman na sumulpot.

"Sino ka."

Ay! Anak ka ng kalabaw! Bwiset!

San nanggaling 'yun? Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala namang tao. Omg! Don't tell me, May multo dito sa bahay ni austin..











---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now