37

899 26 0
                                    


"Paano mo nalaman at paano ka nakaka siguro?" Si Nygel.

"Gaya ng sabi ko kanina inimbistigahan ko ang background ni Autumn Lay gaya ng utos ni boss Austin. At doon ko nalaman na nung limang taong gulang pa lang siya ay wala siyang tirahan at magulang at pa gala gala lang sa kalye at nung mag tungtong siya ng 7 years old ay napunta na siya sa ampunan at doon siya lumaki at nung mag 18 years old siya ay sinumulan niya ng buhayin ang sarili niya sa pamamagitan ng pag sali sa Mafia..." Lintaya ko.

"Ngayon hindi ko alam kung coincidence ito kaya hindi pa ako sigurado pero diba may kuya si boss Austin na mas matanda ng tatlong taon sakanya at nawala ito nung limang taong gulang pa lang siya habang si boss Austin ay dalawang taon kaya hindi niya masyadong maalala ang tungkol sa kuya niya dahil dalawang taon pa lang siya non. At mag mula nung na wala ang kuya niya kahit anong pag hahanap ng magulang nila boss Austin noon ay hindi ito na hanap hanggang sa mamatay na lang ang mga magulang nila boss Austin ay hindi pa rin nahahanap ang kuya niya. Kung tutuusin 50% sure na pero dahil Aaron De Villa ang pangalan ng nawawalang kuya ni boss Austin ay sumablay pa, pero hindi ibig sabihin non ay walang pag asa na mag kapatid sila. Dahil baka hindi totoong pangalan ni Autumn ang Autumn Lay tutal isa siyang mafia kaya yon ang isa ko pang inimbistigahan. Kaya wag niyo munang sasabihin kay boss Austin ang tungkol dito, kokompirmahin ko muna tsaka natin sasabihin" Lintaya ko.

Mukhang na gets naman nila kaya napatango tango sila.

"Tutulong kami sa pag iimbistiga" Si Nygel.










Astrid's Point of View.

"WHAT?!" Umalingaw ngaw ang sigaw ni Austin na napatayo pa at hinampas ang table matapos sabihin ng secretary niya na may nag nakaw ng 1 million sa kompanya.

"Calm down Austin, you have a lot of money" Saad ko dito.

"I know that Astrid, hindi ito tungkol sa pera dahil wala akong pake don. It's just annoying, who would dare to steal from my company?" Kalmadong saad niya pero bakas parin ang inis sakanya.

"Did you know about it? Alam mo na ba kung sino ang gagong nag nakaw sa kompanya ko?" Baling ni Austin sa secretary niya.

"Sorry sir Austin pero hindi pa. Tinanong ko na ang lahat ng employees tinakot ko narin sila kung kinakailangan pero hindi raw nila magagawa yon at hindi naman sila mukhang guilty, at isa pa alam niyo naman po na sobrang loyal ng mga employees sainyo at sa kompanyang ito" Paliwanag ng secretary niya.

I knew it, mukhang alam ko na kung sino ang may kagagawan nito. *smirk

"He's right" Sabat ko kaya napatingin naman sila sakin.

"You seem to know who is behind it" Nakangising sabi ni Austin kaya napangisi rin ako.

"Just leave this to me Austin" Nakangising saad ko.










Yohan's Point of View.

'Ysmael Lance Finlay' basa ko sa lapida ng kapatid ko.

Sya ang namayapa kong kapatid na lalaki, sya ang sumunod sa akin.

9 years ago nang mamatay sya--PINATAY SYA.

Mga bata palang kami noon nang walang awa syang pinagbababaril ng isa sa TDA.

Pinatay sya ni Austin De Villa.. hindi ako maaaring magkamali dahil yun din ang sinasabi sa akin ni Trevor na si austin ang pumatay sa kapatid ko, at hinding-hindi ako titigil hanggat hindi ko rin napapatay si austin. Sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa kanya katulad ng ginawa nya sa kapatid kong si ysmael.

"Hindi ako titigil hanggat hindi kita nabibigyan ng hustisya. Ipaghihiganti kita.. Ysmael." Hinawakan ko pa ang lapida nya at ska tumayo na kailangan ko pang magpunta sa hideout dahil pinapapunta ako ni autumn.








Autumn's Point of View.

"Boss, nandyan na po si sir yohan." Sinindihan ko ang hawak kong sigarilyo at tumango sa nagsalitang si holland.

Umalis naman sya agad sa harapan ko.

"Bakit?" Bungad ni yohan nang makalapit sya.

"Kumpirmado" Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Anong Kumpirmado?" Kunot noo nyang tanong.

Hindi ko sya sinagot at inabot na lamang ang isang larawan, bakas sa mukha nya ang pagtataka pero tinignan nya rin naman kung ano ang litratong 'yon.

"Si austin at ang babae nya?" Si yohan habang nakangising pinagmamasdan ang litrato ni austin habang kahalikan sa parking lot ang bago nyang babae.

Hindi ako nagkamali.. babae nga ni austin ang laging pumupunta sa bahay nya. Nakumpirma ko 'yon nang patuloy namin syang minanmanan nang magpunta sya sa sarili nyang school. At Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano nya halikan ang babaeng 'yon. Pero hindi ko nga lang nakita ang mukha ng babae dahil nasa madilim silang parte ng parking lot at nakaharang pa ang katawan ni austin kaya hindi kita ang mukha ng babae nya, pero hindi rin magtatagal ay makikita ko rin ang mukha ng bagong kinahuhumalingan ni austin de villa.

Ibinuga ko muna ang usok ng sigarilyo ko bago sya sagutin. "Yeah. Malaki ang maitutulong ng babaeng 'yan sa atin. What do you think?" Baling ko sa kanya.

"Ako na ang bahala sa babae, ipaparanas ko sa kanya ang ginawa sakin ni nicholas. Kating-kati na 'kong lumuhod sa harapan ko si austin de villa habang nagmamakaawa para sa babae nya hahaha." Bilib talaga ako dito kay yohan. Makikita mo sa mga mata nya ang galit.

"Ako na ang bahala dun!" Sabay kaming napatingin ni yohan sa babaeng nagsalita.

Dire-diretso syang lumapit sa amin habang dala ang vape nya sa isang kamay at sa kabila naman ay ang baril.

"Nathalia? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Sya ang pinsan ni astrid, pamangkin ni boss trevor.

Sya ang nakatoka sa pagnanakaw sa kumpanya ni austin.

"Hindi nyo ba 'ko namiss?" Parang malungkot na sabi nya at ibinuga ang usok ng vape nya sa mismong harapan namin ni yohan.

Bullshit!

"Anong sinasabi mong ikaw na ang bahala?" Naka poker face na tanong ni yohan kay nathalia.

"Ako na ang bahala sa babae ni austin." Si nathalia.

"Ako na!" Matigas na sabi ni yohan.

"I said, AKO NA. Inutos na 'yon sakin ni tito trevor kaya wala ka ng magagawa." Nakataas kilay na sabi ni nathalia. Oo nga pala inutos na pala 'yon ni boss trevor sa kanya hindi ko nasabi kay yohan.

"Tsk!" Si yohan na halatang nagpipigil ng galit.

"Nagkita kami ni astrid sa mall kahapon." Sabay kaming napatingin ni yohan kay nathalia nang sabihin nya 'yon.

"Anyare?" Si yohan.

"Tss! She haven't changed she's the astrid we know.." Umupo sya sa isang upuan na malapit sa amin at nagpatuloy sa pagsasalita. ".. Kawawang astrid walang kaalam-alam na habang nasa ibang bansa sya ay yung asawa nya may kinakalantaring iba hahaha! Ano kayang mangyayari once na sinabi ko sa kanya? Baka sya pa ang pumatay sa babae ni austin? What a good idea hahahaha! Excited na tuloy akong sabihin kay astrid!" Ngiting-ngiti nyang sabi habang animo'y sigurado na sa gagawin.














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now