46

881 25 0
                                    

"She already knows everything about us, about the mafias!" Sabi ni astrid na halatang ikinagulat ni austin dahan-dahang nya akong binitawan at parang pinagsakluban ng langit at lupa na umupo sa sofa.

Nagkatinginan pa kami ni astrid at lumabas na sya ng kwarto. Umupo rin ako sa sofa na pinag-upuan ni austin pero medyo dalawang dangkal ang layo ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sakin sinabi.. na isa ka palang mafia" Tanong ko sa kanya na hindi tumitingin.

"I-I'm sorry.. I'm sorry if I hadn't told you.. because I'm afraid you might stay away from me when you find out that I'm a mafia and I don't want it to happen, I don't want you to hate me, I don't want you to stay away from me, I can't!" Naramdaman ko nalang na nakahawak na pala sya sa mga kamay ko..

"I love you Yuna.. I really love you.. you're my life." Hindi ko mapigilang umiyak nanaman nang magkatagpo ang mga mata namin.

"Alam mo austin.. galit na galit ako sa mga taong katulad mo dahil pinatay ng mafia ang kapatid.. nang sabihin sakin ni astrid na isa kang mafia.. gustong-gusto kitang saktan, gustong-gusto kitang layuan, pero nang malaman ko kung anong dinanas mo noon nagbago lahat ng pananaw ko sa mafia. Austin hindi habang buhay kailangan mong maghiganti mas lalo mo lang ikinukulong sa lungkot ang buhay mo, namatayan rin ako pero hindi ko inisip na maghiganti dahil alam kong ang diyos ang gaganti para sakin." Seryoso kong sabi sa kanya na ngayon ay seryoso ring nakatitig sa mga mata ko.

"I'm sorry yuna but I won't stop until I get revenge on trevor, he killed my parents in front of me. I'll accept if you leave me pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo." Diretso nyang sabi sakin.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

Sisguro nga hindi na sya mababago bilang mafia. "You're right austin. I hate you. I really hate you.. Isa kang mafia na kinamumuhian ko.. " Nakita kong may bumagsak na luha mula sa mga mata nya. Totoo lahat ng sinabi ko at buo na ang desisyon ko. "Mahal kita austin.. mahal na mahal kita." Pagkasabi ko nun ay Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya.

"Yuna.. can you please say it to me again?"

"Mahal kita austin. I love you! mahal kita at hinding-hindi magbabago yun kahit gaano kapa kasamang tao. Hindi kita iiwan. I promise." Pagkatapos kong sabihin yun..

Ay naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi namin.

Ilang segundo pang nagtagal yun bago maghiwalay. Magkakahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko safe na safe ako kapag kasama ko si austin, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Let's married." Nagulat naman ako sa sinabi nya habang nakahawak sa mga kamay ko.

"Ha?.." napalunok ako, Seryoso ba sya? ".. Nag-aaral pa 'ko ska hindi alam ng pamilya ko ang tungkol satin" Seryoso kong sagot sa kanya.

Kasal agad huhu hindi ko pa nga alam kung paano ko sasabihin kala mama at papa ang tungkol samin e. Sigurado ako na hindi rin papayag si kuya hindi nga kami nun pinapayagang mag-boyfriend ni yessie eh magtapos muna daw kami ng pag-aaral at magtrabaho.

Nakita kong napaiwas sya ng tingin.

"May kailangan ka pang malaman.." pag-iiba nya ng usapan. Ano nanaman yun? Kinakabahan naman ako.

Grabe hindi pa nga nagsi-sink in ng maayos lahat ng kinwento sakin ni astrid e tapos ito nanaman.

Humarap ako ng maayos sa kanya at tinignan ko sya ng diretso. Tinignan naman nya ko ng nagtatanong.

"Austin.. ikaw ba ang totoong pumatay kay Magellan?" Seryosong tanong ko sa kanya na bahagya nyang ikinatawa.

"Hahaha what?" Tatawa-tawa nyang tanong. Ano ba yan! Bakit sya tumatawa ng ganyan mas lalo syang gumagwapo!

"Ayun ba yung dapat kong malaman?"

"Hahahaha No!" Sagot nya at sumeryoso uli. "Yuna.. your brother.."

Brother? Si kuya? Kilala nya si kuya?

"Anong meron sa kuya ko? Kilala mo sya?" Taka kong tanong sa kanya.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. "Isa rin syang mafia katulad ko." Sagot nya na literal na nagpatigil sa akin.

"U-Uh.. nagkakamali ka ata haha si kuya yohan mafia? Malabo naman atang mangyari yun baka naman--"

"I'm telling the truth yuna, he's mafia too. Sya ang isa sa dahilan kaya nakidnap ka" putol nya sa sinasabi ko.

"S-Si kuya yohan ang isa sa mga n-nagpakidnap sakin?"Hindi makapaniwala kong tanong.

Hindi e..

Hindi magagawa yun ni kuya sakin. Hindi.

Oo minsan masama talaga ugali nun pero alam kong mahal na mahal kami nun ni yessie ayaw nga nun na may nananakit samin e! Kaya malabo talaga.

"Simula nang makilala kita ay inalam ko na lahat tungkol sa pagka-tao mo, at dun ko nga nalaman na kapatid mo si yohan. Si Yohan at Autumn ay mga tauhan ni Trevor, malaki ang galit nila sa akin lalo na ang kuya mo dahil akala nya ay ako ang pumatay sa kapatid nyong si ysmael. Ang hindi nya alam ay si trevor talaga totoong pumatay sa kapatid nyo. Magkaibigan noon si nygel at ysmael, gustong sumali noon ni ysmael sa amin sumama sya sa labanan at napatay sya ni trevor nang hindi alam ni yohan. Binaril ni Trevor si yohan sinabi na ako ang nakapatay kay ysmael kaya galit na galit sya sa akin hanggang ngayon lahat ng inuutos sa kanya ni trevor ay sinusunod nya, matagal nya nang balak na patayin ka para makaganti sa akin, pero sigurado akong hindi nya alam na ikaw ang babae ko, kaya hanggang ngayon ay purisigido parin syang patayin ka." kwento nya.

Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa lahat-lahat ng mga nalaman ko.

Kaya pala..

Nung nakaraang pumasok ako sa kwarto ni kuya ay may nakita akong baril pero hindi ko nalang pinansin dahil ang isip ko ay fake gun lang yun or hindi yun kay kuya.

Grabe, si kuya? Mafia rin sya? Tapos wala manlang akong kaalam-alam? Halos lahat pala ng nasa paligid ko mafia?

At ang mas malala pa ay mortal na magka-away si austin ang kuya ko?!

"Yuna, are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni austin nang mapatakip ako sa mukha ko. Naramdaman kong niyakap nya ko.













---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن