50

872 26 0
                                    

Yuna's Point of View.

Pagkapasok ko palang ng bahay ay nakita ko na si yessie na nasa kusina.

"Nasan si kuya?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Oh ate? Nandun sa kwarto nya kararating nya lang din e" Hindi ko na sya sinagot at dire-diretso akong nagtungo sa kwarto ni kuya, pagkabukas ko palang ng pinto ay narinig kong may kausap si kuya..

"Ano?! Bakit si astrid ang namatay? Hindi ba dapat ang babae ni austin?"

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko mula kay kuya.. hindi sya ang pumatay kay astrid pero may kinalaman sya..

"Tsk! Sabi ko kase ako na ang papatay dun sa babae e--"

"Kill me now!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis na binaba ni kuya ang cellphone nya at halatang nagulat nang makita ako.

"Hindi ba sinabi ko sayong huwag kayong papasok sa kwarto ko--"

"I said kill me now!" Sigaw ko kay kuya, hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng 'to. Bakit kailangan pang may mamatay para lang sa akin?

"Hoy! Ano bang sinasabi mo dyan--"

"AKO ANG BABAE NI AUSTIN DE VILLA KUYA. NGAYON, PATAYIN MO NA AKO!" Matigas na utos ko kay kuya na halatang ikinagulat nya.

"ALAM MO BA YANG SINASABI MO HA?!" Parang naguguluhan nyang tanong.

"Oo kuya! Alam ko. Alam ko na lahat! Na isa kang mafia, na kaaway mo si austin, na isa kang kaaway, na ikaw ang isa sa mga kumidnap sa akin!"

"P-paanong.." bahagya syang natigilan at parang sini-sink in sa utak nya ang lahat ng sinabi ko. ".. Hindi 'to maaari! Paanong ikaw ang magiging babae ni austin? PAANO MO NAKILALA ANG HAYOP NA 'YON!?"

"Hindi na mahalaga 'yon kuya! Ang point dito, ako! Diba gusto mo 'kong patayin? Ngayon patayin mo na ko para wala nang madamay na iba!" Naramdaman kong bumagsak nanaman ang mga luha ko nang maalala ko si astrid. "PATAYIN MO NA KO--"

"SA TINGIN MO BA MAGAGAWA KO SAYO 'YUN?! ARGH! BAKIT IKAW?! BAKIT IKAW PA ANG NAGING BABAE NI AUSTIN HA?!" Pagkasabi nun ni kuya ay malakas nyang sinipa ang upuan na malapit sa kanya.

"Kuya mabait si austin--"

"HINDI MO KILALA ANG HAYOP NA 'YON YUNA! MASAMA SYANG TAO. SYA ANG PUMATAY SA KAPATID NATING SI YSMAEL!"

"Hindi sya ang pumatay kay kuya ysmael, kundi yang demonyo mong amo na si trevor! Sinabi na sakin lahat ni austin kuya, niloloko ka lang ng trevor na 'yan--"

"AT NANIWALA KA NAMAN SA P*TANGINANG AUSTIN NA 'YAN?!"

"Oo kuya! Pwede bang makinig ka sakin? Hindi sya masamang tao--"

"AT PAANO KA NAMAN NAKAKASIGURO HA? GAANO MO NA BA SYA KATAGAL NAKILALA? HINDI MO ALAM ANG TOTOONG UGALI NG HAYOP NA 'YON. SIGURADO AKONG PINLANO NYA LAHAT NG 'TO PARA MAPAGLARUAN TAYONG LAHAT!"

"Hindi totoo yan! Kahit bago ko palang syang nakilala, nararamdaman kong nagsasabi sya ng totoo!" Sigurado ako sa sinasabi ko. Yung bawat pagtingin sakin ni austin nakikita kong totoo sya.

"Ako kuya mo. Ako ang paniwalaan mo! Simula ngayon.. HINDING-HINDI KA NA MAKIKIPAGKITA SA LALAKING 'YUN KAHIT NA KAILAN!" Bahagya akong napatigil sa sinabi ni kuya..

"Hindi! Ayoko. Mahal ko si austin hindi ko sya lalayuan!" Sagot ko kay kuya.

"Tsk! Mahal? 'Yang pagmamahal na yan ang magpapahamak sayo. SA AYAW AT SA GUSTO MO HINDING-HINDI NA 'KO PAPAYAG NA MAGKITA PA ULI KAYONG DALAWA!" Pagkasabi nya nun ay mabilis nya akong tinalikuran at lumabas ng kwarto.

"Kuya!" Habol ko sa kanya pero mabilis nyang naisara ang pinto. Sinusubukan kong pihitin ang door knob pero ayaw bumukas. "Kuya! Kuya! Palabasin mo 'ko dito! Kuya!" Sigaw ko nang mapagtanto kong nilock nya ko.











Yessie's Point of View.

Katatapos ko lang magluto sa kusina at uupo na sana ako sa sala nang lumabas si kuya mula sa kwarto nya. Nakita ko pang may kinuha sya sa cabinet at bumalik uli sa pinto ng kwarto nya ska naglakad palapit sa akin.

Medyo narinig ko yung boses ni ate pero mahina..

"Dito ka lang at huwag na huwag kang magpapapasok ng ibang tao. Naiintindihan mo?" Sabi ni kuya na nasa harapan ko na.

"Bakit kuya? May pupunta bang bisita kuya?" Sinamaan ako ni kuya ng mukha.

"Sundin mo nalang ang sinabi ko!" Sabi nya at lumabas na ng bahay. Hmp. Kakain na e tapos aalis pa sya.

"KUYA! KUYA! PALABASIN MO 'KO DITO!" Sigaw ni ate.

Nasan 'yon? Lumapit ako sa kwarto ni ate yuna at binuksan ang pinto nya kwarto nya. Wala naman sya dito? Lumabas ako ng kwarto ni ate.

"KUYA! KUYA!" Sigaw uli ni ate.. parang nanggaling dun sa kwarto ni kuya yohan.

"Ate? Nandyan kaba?" Sabi ko at inilapit ang tenga ko sa pintuan ni kuya.

"YESSIE? YESS BUKSAN MO 'TONG PINTO!" Rinig kong utos sakin ni ate.

"Hmp, ayoko nga! Nasaan muna yung ramen ko?"

"AISH! NASAN NA BA SI KUYA!? BUKSAN MO NALANG MUNA 'TONG PINTO PWEDE?!"

"Wala si kuya ate umalis na ska ate, Biniyayaan tayo ng kamay at paa ni lord para gamitin sa ating pangangailangan." Nakakainis 'to si ate ako pa inuutusan e may kamay naman sya para buksan yung pinto.

"KUNG KAYA KO LANG YESS KANINA KO PA GINAWA!" So? Hindi nya kaya? Oh my god!

"Ate? Nawalan kaba ng kamay? Pinutol ba ni kuya yung mga kamay mo? Oh my god! Kaya ba sya umalis kase tumakas sya sa krimen na ginawa nya? Huhu ate sandali lang ha tatawag ako ng ambulansya!!" Tatakbo na sana ako para tumawag ng tulong nang magsalita uli si ate.

"Gaga! Nilock ako ni kuya kaya hindi ko mabuksan! Hanapin mo yung susi ng kwarto bilis!" Napatingin ako sa door knob nakakandado nga.

"Sige ate wait lang ha!" Sabi ko at nagsimula nang maghanap ng susi.

"Susi nandyan kaba?" Sabi ko habang isa-isang binubuksan ang mga cabinet.

Pero wala..

Hmm.. san kaya pwedeng makita yun?

Alam ko na!

Sa cr.

Binuksan ko ang inidoro at tinignan kung nandito yung susi pero wala din.

Pati sa lagayan ng plato namin hinanap ko na yung susi pero wala parin huhu..

Ahh! Alam ko na baka nakita ni bogart! Oo tama. Tama.

"Bogart, nakita mo ba yung susi ng kwarto ni kuya?"

"Arf! Arf! Arf!"

"Uh.. hindi rin? Hmp. San kaya nakalagay yun?"

"Arf! Arf! Arf!"

"Ah sige sasabihin ko nalang kay ate na hindi mo rin nakita."












Yuna's Point of View.

Ang tagal ni yessie kanina pa 'ko hindi mapakali. Wala pa naman akong cellphone hindi ko matawagan si austin. Nakakainis.

"ATE!" Lumapit uli ako sa pintuan nang marinig ko si yessie.

"Nakita mo na ba yung susi?"

"Hindi pa e huhu tinanong ko na rin si bogart pero hindi nya rin daw nakita."

Tinanong nya yung aso namin? -__-













---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now