Epilogue

1.5K 40 6
                                    

"You stay here." Sabi nya at bumaba ng kotse. Kinakabahan ako. Bakit may mga pulis? Huhulihin ba nila si austin? Hindi pwede.

Bumaba narin ako ng kotse at lumapit kay austin na kinakausap ng mga pulis.

"Ikaw ba si Austin Luke De Villa?" Tanong ng pulis kay austin, napahawak naman ako sa kamay nya.

"Yes. I am." Sagot nya.

"Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Mr. Trevor Saavedra at Astrid Saavedra. Ikaw ay may karapatang manahimik hanggang sa maidala ka namin sa prisinto" Sabi ng pulis at inumpisahan nang pusasan si austin.

"Waaah! Sir, hindi naman po patay si astrid, buhay po sya at yung kay trevor dapat lang ho sa kanya na mamamatay! Huwag nyo ho syang ikulong!" Pakiusap ko sa mga pulis.

Marami nang tao ang naonood sa amin ngayon.

"May warrant of arrest po kami maam ito ho pakibasa nalang." Agad ko namang kinuha ang papel na binigay nung pulis at binasa--

'YUNA ELITE FINLAY, WILL YOU MARRY ME?'

Basa ko sa nakasulat sa papel, ano to?

Bumaling ako kay austin na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Hoy! Ano 'to?" Pakiramdam ko iiyak na ko.

"WOAHHHHH!" Sigaw ng mga tao nang lumuhod si austin sa harapan ko.

"YIEEEEEEEEE, ATE KO YANNNNN!" Rinig kong sigaw ni yessie, at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko sila mama at papa, kuya yohan at ysmael na nanonod samin sa di kalayuan.

"Woah! Go boss!"

"Witwiw!"

"Best man here!"

"NYAHAHHAHAHAHAHAHHA­­ yes na agad!"

Pati sila nygel,luhan,nicholas­­ at paris nandito rin sila.

Naalala ko na, yung lugar na 'to.

Dito yung lugar kung saan ko hinalikan si austin. Dito kami unang nagkatagpo. Kaya pala..

"Yuna.." Bumaling uli ang tingin ko kay austin may hawak na sya ngayon na singing. ".. Will you be my girl forever, Will you marry me?" Sabi nya na nagpabagsak na ng mga luha ko.

"Yes! Oo! Papakasalan kita austin!" Sagot kasabay nun ang pagsuot nya sakin ng singsing.

"WOOOOOAAAAAHHHHH!" Hiyawan ng mga tao.

"I love you, my life! I love you so much!" Si austin nang makatayo sya.

"I love you too austin, mahal na mahal kita!" Pagkasabi ko nun ay siniil nya ko ng halik.

Sobrang saya ko.

Hindi ko alam na sa isang aksidenteng halik lang ay makikilala ko ang isang lalaking magpapatibok ng puso ko.

Na mamahalin ako.

Na poproktektahan ako.

Na gagawin lahat huwag lang akong masaktan.

Isang lalaki na hinding-hindi ko pagsisisihang minahal ko at mamahalin ko pa.

Lalaking hinding-hindi ko iiwan.

At iyon ay si Austin.












End Of Season One

Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now