54

811 23 1
                                    

"Kuya, bakit ang tagal ni autumn?" Hindi mapakaling tanong ni yuna.

Halos ilang oras na rin nang makabalik kami dito sa hideout at kanina pa sya hindi mapakali.

"Huwag kang mag-alala kay autumn! Kaya nya yun." Sagot ko.

"Kuya.. sa tingin mo napatay ko si austin?" Bigla nyang tanong.

Napaisip naman ako, naalala ko ang ginawa nya kanina. Nakahandusay si austin at punong-puno ng dugo kanina at hindi lang yun sa mismong dibdib ni austin tumama ang dalawang bala kaya..

Sigurado akong patay na sya.

Tsk. Hindi ko inaasahan 'to na ang mismo ko pang kapatid ang makakapatay kay austin.

"Siguro.. siguro napatay mo sya--"

"Ha?!" Gulat nyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Hindi ba yun naman ang gusto mo? Ang mapatay sya?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"U-Uh.. paano kung may nakakita sa atin? Paano kung makulong ako?" Sasagutin ko pa sana sya nang biglang bumukas ang pinto.

"Good job!" Nakangiting bungad ni autumn kay yuna.

"Anong good job?" Tanong ko.

"Nag-aagaw buhay na si de villa sa hospital hahaha! Unbelievable yuna! Nagawa mo yun sa kanya? Siguradong matutuwa si boss nito!"

Masayang balita ni autumn kaya awtomatiko akong napangiti.

Napabaling ako sa kapatid ko na ngayon ay nakatulala at animo'y malalim ang iniisip.

Natatakot siguro sya.

"Huwag kang maguilty yuna, tama lang ang ginawa mo. Sinaktan ka nya, pinataya nya ang kapatid natin si ysmael." Sabi ko at niyakap sya.

"K-Kuya.. gusto ko munang umuwi.. natatakot ako.." Parang nanghihina nyang sabi.

"Sige ihahatid na kita sa bahay." Sagot ko.











Yuna's Point of View.

"Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka. Huwag mo nang isipin ang mga nangyari. Tama lang ang ginawa mo." Seryosong sabi ni kuya sakin at mabilis akong niyakap.

Tumango lang ako.

"Kailangan ko pang bumalik sa hideout kailangan naming manmanan si de villa sa hospital." Sabi nya pa at lumabas na ng bahay.

Nang masiguro kong wala na talaga si kuya ay agad kong tinawagan ang number ni austin.

[Life?] Sagot nya na halos magpalundag ng puso ko. Thanks God! Buhay sya!

"Totoo bang nasa hospital ka? Sabi mo magsusuot ka ng bulletproof? Bakit may dugo--"

[Haha it's just a fake blood. How are you? Are you hurt?] Tanong nya. Hay salamat.

"Gusto kitang makita, nasaan ka?"

.

"Dyan nalang po sa tabi manong." Pagkasabi ko nun ay I ihinto nya na ang taxi, binigay ko na ang bayad ko at lumabas na ng taxi.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid kung may tao, nang masigurado kong wala ay halos patakbo akong pumasok ng mansion ni austin.

"Austin! Austin!" Tawag ko sa kanya.

6pm na ngayon at medyo madilim na, walang nakabukas na ilaw. Kaya hindi ko alam kung nasaan sya.

"Austin?! Nandito na ko--"

Napatigil ako nang biglang may humapit sa beywang ko at mabilis akong hinalikan.

"I miss you, my life." Sabi nya nang maghiwalay ang mga labi namin.

Flashback...

(A/N: simula po ito dun sa nagkahiwalay sila yuna at paisley)

Nang makapasok ako ng mansion ni austin ay agad ko syang nakita sa sala.

"Austin!"

"Yuna!"

Niyakap ko muna sya at hindi na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko.

"Are you crying? Why?" Nagalala nyang tanong sakin.

"S-Si kuya kase e.. hindi sya naniniwala sakin. Gusto nya tayong paglayuin" sagot ko.

Niyakap nya uli ako. "Sshh.. hindi mangyayari yun." Sabi nya at inakay ako pa-upo.

"Seryoso si kuya sa sinabi nya, ayokong magkalayo tayo austin. Hindi ko kaya" Sabi ko pa habang nakayakap parin.

"I have a plan." Sabi nya. Kumalas muna ako sa pagkakayakap namin.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Kailangan nang matapos ang kasamaan ni trevor. Matagal na 'kong nagtitimpi sa kanya. Kailangan nang matuldukan ang buhay nya.." Umpisa nya.

"Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong.

"I need your help.." Sya.

"Ha? Ano yun? Kahit ano gagawin ko." Seryoso kong sagot. Kahit ako ay gustong-gusto ko na talagang makaganti sa trevor na yan.

"This is my plan.." sya at nagsimula nang sabihin sakin ang plano.

"Oh! Yan ang script mo." Abot ko sa kanya ng papel na may script nya.

"What's this?" Takang tanong nya.

"Script nga! Basahin mo tas kabisaduhin mo, unti lang yan don't worry." Sagot ko at Sinisimulan naring kabisaduhin ang script ko.

Napatingin ako sa kanya nang tumawa sya.

"Anong nakakatawa?"

"My lines. Hahaha! Really? Ito ang sasabihin ko?" Sya.

"Oo nga, huwag mong tawanan pinaghirapan ko yan!" Sabi ko kaya bahagya syang sumeryoso at binasa ulit ang script nya.

Ito kase yung plano namin guys, magpapanggap kaming magka-away then kunware gusto kong gumanti kay austin tapos pipilitin ko si kuya na isali ako sa mafia organization nila para malaman ko daw kung saan ang bago nilang hideout at kapag nakapasok na ko sa hideout ay kukunin ko ang laptop na ginagamit nila sa pakikipag-contact kay trevor. Kapag nakuha ko daw kase yung laptop na 'yon kayang mahacked ni luhan ang laptop at malalaman nanamin kung saang bansa nagtatago si trevor.

"Game?" Tanong ni austin. Hmp.

Wala pa nga akong nakakabisado kahit iaang lines e!

"Game!" Sagot ko.

Lumapit ako sa kanya at nagsimula nang umacting. "Anong ginagawa natin dito--HAHAHAHAHAHA" tawa ko. Potek!

Si austin kase e, ang gwapo! Nakakainis.

"Sorry, take 2." Sabi ko.

"Anong ginagawa natin dito austin?... Sabi mo pupunta tayo sa malayo? Sa lugar kung saan hindi tayo makikita nila kuya--HAHAHAHAHAHHAH­­AHA huwag ka nga munang tumingin sakin!" Yung mukha kase ni austin nakatitig sakin e! Natatawa tuloy ako na kinikilig.














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now