56

856 24 0
                                    

Yuna's Point of View.

"Sana wala pa si kuya." Mahinang bulong ko sa kawalan.

Bumalik na ako dito sa bahay at nandito ako sa labas ng pinto. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ng dahan dahan ang pintuan.

Pinakiramdaman ko ang loob, tahimik. Mukhang wala pa sila mama at papa. Madalas na kasing alas tres ng madaling araw ang uwi nila tapos pag dating ng ala sais ng umaga aalis na uli sila kaya hindi narin namin sila masyadong nakakasama pero naiintindihan naman namin sila dahil para samin rin ang pag pupursigido nila sa trabaho nila.

Tuluyan na akong pumasok ng bahay at dahan dahang sinara ang pinto, ng masara ko na ito ay dahan dahan rin akong nag lakad at umakyat sa second floor.

Nang makarating ako sa second floor ay huminto ako sa tapat ng kwarto ni kuya. Pinakiramdaman ko muna ito, mukhang tahimik naman.

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahang pinihit ang door knob ng pinto ni kuya upang buksan.

"Yes! Thank you Lord" Nakahinga ako ng maluwag ng wala pa dito si kuya.

Sinira ko na ang pinto ng kwarto ni kuya at akmang lalakad na para mag punta naman ng kwarto ko ngunit natigilan ako ng makarinig ako ng hikbi.

"HUHUHU" Sinundan ko ang tunog kung saan nang gagaling ang iyak.

Huminto naman ako sa pintuan ng kwarto ni Yessie dahil mukhang dito nang gagaling ang naririnig kong iyak.

Natigilan naman ako ng mapag tantong si Yessie ang umiiyak.

"Yessie?! Ayos ka lang ba? Umiiyak ka ba? May nangyari ba sayo? Buksan mo tong pinto!" Tarantang saad ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto niya.

"Ate?" Umiiyak na tawag niya sa pangalan ko mula sa loob at ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng kwarto niya at sinalubong niya ako ng yakap kaya niyakap ko naman siya pa balik.

"Ate HUHUHU" Umiiyak na saad niya habang mag ka yakap kami.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sayo? Sabihin mo kay ate, nandito ako" Kumalas na kami sa yakapan at ginayak ko naman siya papunta sa kama niya at umupo kami doon.

"Ate huhu, ano po bang nangyari? Bakit parang nag aaway kayo kanina ni kuya? Huhu. Tapos sinigawan pa ako kanina ni kuya, wala naman akong ginagawa. May na gawa ba ako ate?" Malungkot at umiiyak na saad niya.

"Hindi kami nag aaway ni kuya, okay? Meron lang kaming hindi pag kakaintindihan. Pag pasensyahan mo na si kuya Yohan mo, na bigla lang yon kasi wala siya sa mood" Nakangiting sabi ko sakanya habang hinahagod ang ulo niya.

"Ganon ba ate, sorry kung umiiyak ako na saktan lang talaga ako sa pag sigaw ni kuya Yohan sakin kanina" Naka pout na saad niya at yumakap sakin, na patawa naman ako.

"Haha ano na ka ba, hindi mo kailangan mag sorry no. Normal lang naman umiyak at masaktan" Saad ko.

"Thank you ate, I love you" Masayang saad niya habang nakayakap sakin.

"I love you too. Btw, kumain ka na?" Tanong ko.

"Opo ate pero na gugutom uli ako hehe" Saad niya kaya na patawa naman ako.

"Haha tara, kain tayo" Saad ko.












Autumn's Point of View.

"Sigurado ba kayong mamatay na yung De Villa na yon? Diba sabi mo nag aagaw buhay siya sa hospital? Edi may chance pang mabuhay ang gagong De Villa na yan! Tuluyan na kaya natin sa hospital?" Seryoso at inis na saad ni Yohan, nandito kami ngayon sa hideout.

Sinindihan ko muna ang sigarilyo ko bago nag salita.

"Calm down Yohan, ano pa bang aasahan natin sa De Villa na yon? Eh masamang damo yon, hindi mamatay matay. Tsaka, pabor narin satin yon. Mukhang gusto talaga ng tadhana na sa mismong mga kamay natin mamatay ang De Villa na yan HAHAHA!" Suhestyon ko at tumawa ng nakakaloko at humithit sa sigarilyo ko.

"Tama" Seryosong sabi niya na hindi nakatingin sakin.

"Hindi na dapat pang madamay si Yuna dito, wala siyang dapat gawin. Sorry Yuna pero wag kang mag alala hindi ka namin bibiguin, papatayin namin yang Austin De Villa na yan" Seryosong saad niya.

"Kamusta nga pala si Yuna? Gago yang Austin De Villa na yan, walang sinasanto. Pati babae pinapatulan" Inis na sabi ko at tinapon ang sigarilyo ko at tinapakan.

"Wag kang mag alala, ayos lang siya. Nandon sila ni Yessie sa bahay" Saad niya.

"Nga pala, nung nag laban kami ni Austin bigla niyang tinanong kong sino nag bigay sakin nitong kwintas na suot ko" Kwento ko kay Yohan kaya napatingin naman siya sakin.

"Oh? Sino ba nag bigay niyan?" Tanong niya.

"Boss Trevor" Sagot ko, napangisi naman siya.

"Baka nakaw yan ni boss kay De Villa" Saad niya kaya napangisi rin ako.













Yuna's Point of View.

Alas onse na ng gabi pero nandito parin ako sala nakaupo sa couch habang hinihintay si kuya.

Napatingin naman ako sa pintuan ng biglang bumukas ang ilaw at nandito na nga si kuya.

"Yuna? Bakit gising ka pa? Anong oras na ah?" Kunot noong tanong ni kuya ng makita ako.

Sinara niya muna ang pinto at umupo sa kaharap kong couch.

"Gusto kasi kitang makausap kuya" Saad ko.

"Tungkol ba kay De Villa? Masamang damo ang De Villa na yon kaya asahan na nating makaka ligtas yon, pero wag kang mag alala Yuna. Hindi mo na kailangan madamay pa, wala ka ng gagawin.

Wag kang mag alala, hindi ka namin bibiguin. Sisiguraduhin naming mamamatay ang De Villa na yan, maipag hihiganti natin si Ysmael" Seryosong lintaya ni kuya kaya napalunok naman ako. Akala niya talaga hate na hate ko na si Austin eh mahal na mahal ko yon, napaniwala talaga namin sila sa acting namin.

"Hindi to tungkol kay Austin kuya pero sige... Kayo na ang bahala sa lalaking yon, patayin niyo siya. Hindi na dapat pa mabuhay sa mundong ito ang isang katulad niya" Seryosong saad ko pero sa loob loob ko gustong gusto ko isuka ang mga pinagsasabi ko.

"Ano ba yang gusto mong pag usapan natin?" Tanong niya.

"About kay Yessie" Saad ko kaya natigilan naman si kuya at napahawak sa ulo niya.

"Tsk, about sa pag sigaw ko sakanya kanina right? Damn it Yohan" Siya.

"Naabutan---I mean narinig ko kasi siyang umiiyak sa kwarto niya kaya kinausap ko siya at yon nga, nasaktan siya sa ginawa mong pag sigaw sakanya. But don't worry kuya, okay na siya. Kinausap ko na siya pero sana next time kuya pigilan mo na ang sarili mo, ok lang naman na pag sabihan mo kami syempre pero sana yung kalmado ka kuya" Lintaya ko.

"Yeah, sorry about that Yuna. Promise hindi na yon mauulit at wag kang mag alala, mag sosorry ako kay Yessie bukas" Si kuya kaya napangiti naman ako.

Kahit mafia si kuya ay mabait siya, galit na galit lang talaga siya kay Austin dahil akala niya si Austin ang pumatay kay kuya Ysmael.

"Thank you rin kuya, at nga pala kuya. Mas mabuti rin siguro kung wag muna natin sabihin kay Yessie ang about sa mga nangyayari dahil kilala mo naman ang babaeng yon, wala naman yung maiintindihan sa mga ganong bagay" Saad ko.

"Yan din naman talaga ang gusto kong mangyari" Saad niya kaya tumango na lang ako.

"Sige na, matulog ka na. Anong oras na oh" Saad niya kaya tumayo na ako.

"Goodnight." Si Kuya.

"Goodnight rin kuya." Saad ko at umakyat na ng hagdan.












---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now