25

1K 29 0
                                    

"Na-cancel na nga e, bakit-"

"Hindi ako masaya kase na-cancel, masaya ako kase nandito yung DEAN! Oh my god! Alam nyo bang once in a blue moon lang yun kung pumunta dito!" Si Paisley na halatang kinikilig pa. Ano bang meron sa dean na yun. Tsk! Napaka epal. Hindi nya ba inisip na maraming nag effort.

"Okay gets! Kase diba sabi ng iba dito na gwapo daw yun?" Si naomi.

"Hindi lang gwapo girl, SOBRANG gwapo daw!!" Tili ni Paisley.

Tss! Naglakad na ako pabalik sa practice room dahil mabibwiset lang ako sa pinag-uusapan nila.

Pagkatapos kong magpalit ay bumalik na ako sa room at walang ganang umupo sa upuan katabi si paisley.

"Hoy! Bigla kang nawala--"

"Wala na akong gana." Sabi ko at napayuko sa desk.

Nakakawalang gana talaga. Imagine ang aga ko pang pumasok tas minake up an pa ko ni naomi tas ica-cancel nalang ng ganon ganon? Tss!

Kasalanan 'to ni austin e sa kanya nagsimula yung kamalasan siguro may balat yun sa pwet.

Dumating na ang teacher namin at nagturo, pero kahit isa ay walang akong nagets. Wala talaga akong gana.

Natapos ang klase na wala akong natutunan.

Niligpit ko na ang gamit ko at tinignan ang phone ko kung anong oras na-- nakaramdam ako ng kaba nang may maalala ako..

Potek..

"I'll give you 15 minutes to follow me, I'll wait you in the parking lot."

Waaah! Patay! Nakalimutan ko na puntahan sya dun. Mahigit dalawang oras na. Patay kana yuna.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng room narinig ko pang tinawag ako ni Paisley pero hindi ko na sya nilingon. Kinakabahan ako.

Inhale ..

Exhale ..

Relax lang yuna, okay? Sabihin mo sa kanya na nakalimutan mo lang. Maintindihan naman nya siguro yun diba?

Pero mahirap syang makaintindii e! Huhu

E pano kung maggalit-galitan nalang ako? Kunware sinadya ko yun kase galit parin ako sa inasal nya kanina. Oo! Tama. Tama.

Huminga muna ako nang malalim, naaaninag ko na ngayon ang sasakyan nya. 6pm na kase e kaya medyo madilim na.

Habang papalapit ako sa kotse nya ay mas lalo akong kinakabahan..

Galit ka yuna. Galit ka, okay?

Ito na.. ito na---

Nagulat nalang ako nang biglang may humila sakin sa madilim na parte. Mabilis nya akong isinandal sa pader. Kahit hindi ko maaninag ang mukha nya ay amoy na amoy ko ang pabango nya..

Austin.

Mas lalo akong kinabahan nang ilapit nya sakin ang mukha nya. Hindi ako makagalaw sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Ang dalawang kamay nya ay nasa magkabilaan ko.

Yung kabang nararamdaman ko kanina mas nadagdagan pa. Parang sasabog na yung dibdib ko sa kaba.

Napapikit nalang ako nang bigla nya akong halikan..

And this is different kumpara sa mga halik nya noon. His lips are gently moving.

Ilang segundo pa ang itinagal non. Hanggang sa unti-unti nyang ilayo ang labi nya..

"Kapag inulit mo pang suwayin ako, Sa kama na ang bagsak mo!" Malamig nyang sabi sa tenga ko.

Naramdaman ko nalang na tuluyan na pala kaming magkalayo. Tumalikod sya sakin at nagumpisang maglakad pero napahinto sya at tumingin uli sakin.

"I will wait for you at my house until 7pm. Remember my punishment, if you make me wait again." Sabi nya at sumakay na sa kotse nya at umalis.

Samantalang ako ay.. nakatulala parin dito. Pilit na sini-sink in ang mga ginawa at sinabi nya.

Bakit mo 'to ginagawa austin.. hindi ko na maintindihan yung sarili ko tuwing nakikita kita, tuwing lumalapit ka, tuwing hinahalikan mo 'ko..

Hindi ko maipaliwanag.















Yessie's Point of View.

"That's all for today. See you tomorrow class!" Paalam ni ma'am. Thanks God aalis na rin sya. Kanina pa ko inaantok sa subject nya e hehe.

"Goodbye ma'am!" Paalam rin namin.

Akala ko ay lalabas na sya pero bigla syang tumingin sakin. "Ms. Finlay follow me to English Department now." Utos nya sakin at lumabas na ng room.

Nagkatinginan kami ni kloe. "Sumunod daw ako sa kanya prenny? Bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"I don't know either. Hala prenny, baka tungkol 'to dun sa matandang luhan madrigal baka sinumbong nya tayo huhu!" Lalo naman akong kinabahan, omygosh!

"Omg?! Hindi kaya... asawa yun ni ma'am? Tapos papagalitan nya ako kase nag imagine ako na aasawahin ko yung luhan madrigal na 'yon? Hala prenny ayoko--"

"Ms.FINLAY!" Ah! Anak ka ni luhan madrigal! Bumalik si ma'am.

"O-Opo ma'am ito na po hehe." Kinakabahan akong sumunod kay ma'am.

"Goodluck prenny!" Rinig kong Pahabol na sabi ni kloe.

Nandito na ako ngayon sa English Department. Si ma'am ay inaayos yung mga test papers namin sa table nya habang ako ay nakaupo naman sa harapan nya. Ano kayang sasabihin ni ma'am? Papaalisin nya na ba 'ko sa school dahil ninasaan ko yung asawa nya?huhu! Hindi pwede paano na ang pangarap sakin nila papa at mama kapag pinaalis ako sa school na 'to?

"Ma'am! Pasensya na po talaga hindi ko po sinasadyang pagnasaan yung asawa nyong si Mr. Luhan Madrigal, akala ko po kase gwapo-- I mean akala ko po single po sya, sorry po talaga ma'am please po huwag nyo po akong paalisin sa school na 'to!" Paliwanag ko kay ma'am na ikinatigil nya.

"Ms. Finlay? What are you talking about?"

"Uh.. eh.. Diba po asawa nyo po si Mr. Luhan Madrigal?"

"Ha? He's not my husband. At paano mo nasabi ang pangalan nya?"

Napayuko naman ako, so hindi sya ang asawa ni luhan Madrigal? Sabagay.. kulubot na kase talaga yung itsura nun e. Tas si ma'am medyo maganda kaya malabong magkagusto si ma'am sa luhan Madrigal na 'yon.

Humarap uli ako kay ma'am at ngumiti hehe.

"Sorry po ma'am nagugutom lang po ata ako hehe, bakit nyo po pala ako nandito?"

Huminga muna si ma'am ng malalim at iniharap sa akin ng test paper ko.

"Ms. Finlay, bakit lahat ng sagot mo sa test ay puro letter A?" Seryosong tanong ni ma'am.

"Uh.. eh.. kase po ma'am sabi ni kloe kung ano daw pong pinakamalapit na sagot dun sa question yun daw po ang isagot ko hehe" Confident kong sagot kay ma'am, napansin ko namang napahawak sya sa noo nya.

"Ms. Finlay, ulitin mo ang pagsagot sa test."

"Po? Bakit po ma'am? Mali po ba?"

"Ms. Finlay, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ninyo ni Ms. Min pero I want you to re-answer this."

Parang galit na sabi ni ma'am.

Hala mali ba 'ko? Sinunod ko lang naman yung sinabi ni kloe e.

Kunware ganto yung question guys hehe,

1. Sino ang pinaka cute sa Finlay Siblings?

A. Yessie
B. Yuna
C. Yohan
D. Ysmael

Syempre letter A ang sagot dyan hehe. katulad ng sinabi ni kloe kung ano daw yung pinaka malapit na sagot dun sa question yun daw isagot ko kaya letter A lahat ng sinagot ko. Tama naman diba? Halos magkadikit nga yung question at letter A e. Parang sira 'to si ma'am.












---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now