11

1.4K 47 2
                                    

'Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinusuway ako'

'Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinusuway ako'

'Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinusuway ako'

"Anak ng---!" Napabalikwas ako ng bangon ng sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay biglang tumunog ang alarm ko sa phone, footecc parang muntik na kong himatayin sa gulat.

Kinuha ko ang phone ko at pinatay ito.

"Anak ng tokwa?! Ala sais na ng umaga?!" Saad ko sa kawalan habang nakatingin sa phone ko.

"Kasalanan mo to Austingot! Huhu" Saad ko sa kawalan. Pano ba naman kasi! Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari ka gabi.

"Tulog pa kaya sila?" Saad ko sa kawalan. Nilapag ko muna ang phone ko sa kama at lumabas ng kwarto.

Marahan lang akong nag lalakad yung tipong ayaw ko makagawa ng ingay upang hindi sila magising, dahil ayoko muna makaharap yung Austingot na yon! Anyway, dito na tulog yung apat na lalaki.

Mag luluto muna ako ng agahan nila at uuwi na ako, mag iiwan na lang siguro ako ng note para don sabihin na umalis na ako.

Nandito na ako sa kusina, marahan kong kinukuha ang mga gamit na gagamitin ko sa pag luto upang hindi ito makagawa ng ingay.

Kinuha ko ang kutsilyo at sangkalan at sinimulan ng hiwain ang kamatis.

"You wake up early, huh"

"Anak ng---!" Napaigtad ako ng may biglang nag salita at si Austin pala na prenteng nakaupo sa dining area habang umiinom ng kape.

Anak ng? Kanina pa ba siya diyan? Todo ingat pa ako na hindi makagawa ng ingay para hindi sila magising lalo na siya tapos gising na pala siya.

"Kanina---aray" Akmang tatanungin ko siya ng biglang kumirot ang daliri ko at ngayon ko lang napagtanto na nahiwa pala ito ng kutsilyo dahil sa gulat ko kanina.

"Yuna?! What happened to you?!" Parang tarantang saad ni Austin at mabilis akong nilapitan.

"Nahiwa yung daliri ko huhu, ikaw kasi eh! Bigla bigla kang nag sasalita, na gulat tuloy ako!" Saad ko. Maliit lang yung hiwa pero medyo malalim.

"Tsk" Asik niya at biglang umalis sa harapan ko, ilang minuto lang ay bumalik siya at may dalang first aid kit.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan at dinala sa sala, umupo kami sa couch.

"Kamay." Seryoso niyang saad. Wow, makautos ah.

Napairap na lang ako sa kawalan at nilahad ang kamay ko na agad niya namang hinawakan.

"Don't roll your eyes at me. And I may not be able to control myself, patirikin ko yang mata mo." Seryosong saad niya habang na sa kamay ko ang tuon. Tsk, nakita niya yon?

Hindi ko na gets ang sinabi niya pero mukhang nakakatakot kaya nanahimik na lang ako.

"Tsk, fvck you Austin. Someone just hurts Yuna, kahit hawakan lang ang dulo ng buhok niya you will not hesitate to kill. Tapos ikaw tong gagawa ng ikasasakit niya, what an idiot." May sinasabi ang Austingot na to habang ginagamot ang sugat ko pero hindi ko naririnig dahil parang binubulong niya lang ito sa hangin.

Nakikita ko lang na gumagalaw ang bibig niya kaya alam kong nag sasalita siya, pero wala akong idea kung ano bang pinag sasabi ng Austingot na to.

"May sinasabi ka?" Tanong ko sakanya.

"Nothing. Next time, be careful." Saad niya at binalik na ang kamay ko sakin, tapos niya ng gamutin.

"Maingat naman talaga ako, kasalanan mo to! Nagulat lang ako sayo." Sisi ko sakanya.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now