14

1.3K 44 0
                                    

Matapos ang kalahating biyahe ulit ay nakarating na ako dito sa Richmond Village, kilala na ako ng guard kaya pinapapasok na ako.

Nang makarating na ako sa labas at tapat ng malaking mansion ni Austingot ay nag doorbell na ako.

Nag ding dong lang ako ng nag ding dong hanggat hindi pa to bumubukas 'di ko to titigilan haha.

"Sirain mo na lang yang doorbell nahiya ka pa" Seryosong saad ni Austin pag ka bukas na pag ka bukas niya ng gate kaya natigilan naman ako.

"Tsk, pumasok ka na." Bored na sabi niya kaya gaya ng sabi niya pumasok naman ako.

Sinara niya ang gate at nag umpisa ng mag lakad kaya sinundan ko naman siya.

"Nandito ba sila Luhan?" Tanong ko, bigla naman siyang huminto sa pag lalakad kaya napahinto rin ako.

"Wala." Seryoso nyang sagot at naglakad na uli.

"Sila nygel?" Tanong ko uli habang papasok na kami sa mansion.

"Wala din."

"Si--" napatigil ako nang tumigil uli si austin dahilan para mauntog ako sa likod nya. Ouch! Saket. Napahawak ako sa noo ko. Ang tigas ng likod nya. Parang kahit sa likod nya may abs e.

"Hindi kita pinapunta dito para itanong sakin ang mga taong wala." Hala galit ba sya? Yung mukha nya parang galit. Ano bang masama sa magtanong?

Tumango lang ako at nagpatuloy na uli kami sa pagpasok sa mansion. Tahimik, kami lang siguro talaga ang nandito.

Umupo sya sa couch nya at diretsong tumingin sakin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ewan ko ba, parang kapag nagkakasalubong ang mga mata namin nakakaramdam ako ng kakaibang kaba.

Lumunok muna ako bago nagsalita. "Ano yung punishment ko?" Labag sa loob kong tanong, grabe naman kase diba? Hindi lang ako nakatawag may punishment na agad? Ano to si prof?

Mga ilang seconds muna bago sya sumagot. Kinakabahan ako.

"Linisin mo yung pool." Sagot nya.

"Hmp! Basic!" Yun lang naman pala e! Napaka dali naman HAHAHA 'wala na bang mas hihirap dyan?' Gusto ko sana yang sabihin kaso wag nalang baka seryosohin nya.

"I'll give you 10 minutes." Binabawi ko na yung sinabi ko. 10 minutes? Seryoso ba 'to?

"10 minutes? Yung ganong kalaking pool ipapalinis mo sakin ng 10 minutes? Ano 'ko? Si the flash?!" Sya paglinisin ko dyan e.

Tinignan nya lang ako ng walang emosyon.

"Kahit 2 or 4 hrs naman, grabe naman yung 10 minutes--"

"9 minutes left." Sabi nya na nakatingin sa wrist watch nya--potek?! Seryoso nga talaga sya.

No choice guys. Patakbo na akong nagtungo sa pool area. Pumunta ako sa isang maliit na kwarto ito yung mga nilalagyan ng mga gamit panglinis sa pool. Kinuha ko na ang yun at bumalik na sa pool area.

Ngayon ko lang uli nasilayan ito. Sobrang ganda talaga ng bahay ni austin. Ang laki talaga ng pool nya. Nung nakaraang gabi kase diba gabi na 'yon kaya hindi ko masyadong nakita yung kagandahan.

So, mamaya na tayo magdaldalan guys. Uumpisahan ko na ang paglilinis. Nagumpisa ako sa may gilid. Promise guys hindi ko 'to matatapos ng 10 minutes huhu!

Itong pool na nililinis ko ngayon ay nakabukod dun sa malaking pool na pinagliguan ni Paris. Naalala nyo si bebe Paris? Yung poging boy dito, omygosh!

Ang pool na 'to ay pa square. Medyo malinis naman ang pool hindi sya masyadong madumi--

"Ano yun?" Napatigil ako dahil parang may nakapa yung panglinis ko sa ilalim ng pool. Kinapa kapa ko pa 'yon, matigas sya-- "AAAAAAAHHHHHHHHH!"

ANAK KA SAMPUNG SATANAS!

MAY--

MAY---

MAY BUWAYAAAAA!

Napaupo ako sa pagkabigla nang makitang may tumalon na isang buwaya at sumunod naman ang isa pa.

OH MY GOD! HINDI NAGBIBIRO SI LUHAN! MAY BUWAYA NGA!

Tatayo na sana ako para tumakbo--pero dahil malas akong tao ay nadulas pa 'ko dahilan para mahulog ako sa pool.

Omg! Hindi ako marunong lumangoy!! "TULONG!!!" Tangi kong sigaw. Malalim yung pool at hindi talaga ako marunong lumangoy--- wait yung mga buwaya...







Austin's Point of View.

"I'll give you 10 minutes." I said to her seriously.

"10 minutes? Yung ganong kalaking pool ipapalinis mo sakin ng 10 minutes? Ano 'ko? Si the flash?!" Gulat nyang sabi sakin.

Tinignan ko lang sya.

"Kahit 2 or 4 hrs naman, grabe naman yung 10 minutes--"

"9 minutes left." Sabi ko at tumingin pa sa wrist watch ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong mas lalo syang nagulat. Mabilis syang nawala sa paningin ko. Siguro ay nagmamadali na 'yon at nag-iisip kung paano lilinisin ang pool sa loob ng 10 minutes.

Wala pa 'yan sa kalahati ng punishment mo yuna.

Wala ka naman talagang punishment, gusto lang kitang makita. Pero hinanap mo pa sakin sila nygel kaya yan ang parusa mo.

Nilagyan ko ng wine ang basong nasa tabi ko at ininum 'yon.

"7 minutes left .." Saad ko sa kawalan. Ano naman kaya ang next na ipagagawa ko sayo. Napangiti ako ng palihim.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH"

Awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang sigaw na 'yon.

The hell?!

Mabilis akong nagtungo sa pool area at nakita ko agad si yuna na nalulunod sa pool nila jack n' Jill.

THE FVCK AUSTIN?!

Nakalimutan kong sabihin sa kanya na may mga buwaya talaga akong alaga.

Patakbo akong lumapit dun at tumalon sa pool para sagipin si yuna.

Nang makatalon ako ay agad kong hinawakan ang kamay ni yuna paahon dahil unti-unti na syang lumulubog.

"YUNA?! YUNA! YUNA, WAKE UP!" Gising ko sa kanya nang maiahon ko na sya sa pool.

Hinawakan ko ang pulsuhan nya--FVCK!

Nilapit ko ang mukha ko sa bibig at ilong nya.

THE FVCK! SHE'S NOT BREATHING!











---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now