39

853 26 0
                                    

"Nicholas! "

"Boss."

"Ikaw ang magsisilbing mata namin"

Tsk! Ano ba yan bakit ayun? Dun lang ako sa sasakyan habang nanonood sa computer?! Tsk! Tsk! Gusto ko ring makipaglaban.

"NICHOLAS?!"

"C-Copy boss!" Nakita ko pang palihim akong tinawanan nila luhan. Mga gagong 'to.

"What happened?" Biglang sulpot ni astrid.

"Yuna was kidnapped by SK" Sagot ni boss habang nagsusuot ng gloves.

"What?!" Gulat na tanong ni astrid.

"Oo, kaya susugod na kami dun" si nygel.

"Susugod?! No! Wag na. Ako na!" Seryosong sabi ni astrid kaya napabaling kaming lahat sa kanya.

"And why? Dito ka lang--" Pinutol agad ni astrid ang sasabihin ni boss.

"Hindi nyo na kailangang sumugod kahit ako lang kaya kong kunin si yuna. Let me handle--" Pinutol rin ni boss ang sasabihin ni astrid, kung putulin ko kaya silang dalawa? Joke.

"No! You stay here!" Seryosong utos ni boss kay astrid hahaha! Sino kaya ang mananalo sa dalawang 'to.

"Austin?!"

"ASTRID!"

"Kung susugod kayo dun mas malaking gulo lang, pwedeng malagay sa peligro ang buhay ni yuna! Pero kapag ako hindi sila gagawa ng gulo!" Pagmamatigas ni astrid.

"And how can you be so sure?" Si boss. Hinihintay nalang namin sila matapos dahil nakahanda na kami dito. Para kaming nanonood ng telebabad.

"Austin! Please magtiwala kana lang sakin! Hindi mapapahamak si yuna, I'll promise!" Parang nagmamakaawang sabi ni astrid kay boss.

"Fine. Pero susunod kami." Si boss.

"Hindi na nga--"

"Sino ang masusunod sa atin? Ako o ikaw?" Tanong ni boss, natatawa tuloy ako sa kanila hahahaha! Parang mga bata.

"Tss! Fine!" Inis na sabi ni astrid at lumapit sa lamesa kung saan nakalatag ang mga baril.

"May bala na ba 'to?" Tanong ni astrid nang kunin nya ang pistol.

"Oo naman!" Sagot ni nygel.

Ngumiti lang samin si astrid at naglakad na palabas.

"Astrid, be careful." Sabi ni boss, nginitian lang din sya ni astrid at tuluyan nang umalis.










Autumn's Point of View.

"Ipasok nyo na yan dun at gisingin nyo narin ha dapat pagpunta ko dun gising na 'yan." Utos ni nathalia sa mga tauhan namin nang dumating sila.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga tauhan namin na may dalang tao? Na nakatakip ng sako mula ulo hanggang beywang.

"Ang babae ni austin" nakangiti nyang sagot kaya seryoso akong napatingin sa kanya.

"Sigurado ka?" Nakuha nya ng ganon-ganon ang babae ni austin? Haha ibang klase nathalia.

"Oo naman, kailan ba 'ko hindi naging sugurado hahaha hindi ko akalain na ganon ko lang sya kadali makukuha hahaha!" Si nathalia.

"Sakto papunta na rin si yohan, gustong-gusto nya nang makilala yang babae ni austin e!" Nakangisi kong sabi.

"Sabihin mo bilisan nya dahil for sure ilang minuto lang ay susugod na sa atin si austin de villa excited na 'kong magkita-kita ang totoong asawa at kabit hahaha!" Si nathalia at binugahan pa ko ng usok ng vape nya ska pumasok sa kwarto kung saan dinala ang babae ni austin.














I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now