26

1K 29 0
                                    

"Uulitin ko po lahat ng sagot ko ma'am?"

"Ms. Finlay! Basahin mo ang mga tanong at piliin mo ang pinaka tamang sagot, hindi yung letter A lahat ang isasagot mo!" Napabuntong hininga si maam. " You may now leave." Para na talagang naiinis si ma'am kaya lumabas na 'ko.

Pagkabalik ko sa room ay masama kong tinignan si kloe.

"Oh? Anong sinabi sayo ni ma'am?" Tanong nya sakin nang makaupo ako.

"Pinagalitan ako ni ma'am. Tas pinapasagot nya uli yung test. Mali daw ako, hmp. Sabi mo kung anong malapit na sagot dun sa tanong yun ang isagot ko."

"Oo nga? Bakit ano bang ginawa mo?"

"Sinagot ko lahat letter A." Sagot ko bigla naman syang tumawa.

"Anong nakakatawa? Natatawa kapa kase napagalitan ako?"

"Prenny, that's not exactly what i mean hahahaha!" Tawa parin sya ng tawa

"Hmmp *cross arm* ayoko na. Bahala dyan si ma'am."

"Hahaha! Don't worry papakopyahin nalang kita." Sabi ni kloe na ikinangiti ko

"Weh? Totoo prenny? Yieeeee!"

"Ofcourse! Hahaha! Natatawa parin ako!"

"Hoy ate! Okay ka lang?" Baling ko kay ate, simula kase ng makalabas kami ng University tahimik sya. Si kuya nauna na syang umuwi hindi kami hinintay atat na atat umuwi siguro namimiss nya na si bogart. Yung aso namin hehe magkamukha sila nun e.

"Ha?" Parang wala sa sariling tanong ni ate. Naglalakad kami ngayon pauwi.

"Tinatanong kita kung okay ka lang?!" Ulit ko.

"Uh.. o-oo" tipid nyang sagot at napahawak sa labi nya.

Hala baka may sakit si ate kaya sya tahimik?

"Ate? Okay ka lang ba talaga? May masakit ba sayo? Nasugatan ba yung labi mo?" Sunod-sunod na tanong ko kay ate kinakabahan ako baka... may HIV or COVID na si ate. Oh my god!

"Wala nga, ayos lang ako." Sabi nya at umiwas ng tingin.

Hindi kaya..

"Oh my god ate?! May humalik ba sayo? Sino ate? May boyfriend kana ba? Sino ate? Kilala ko ba? Anong--"

"Wala akong boyfriend! Ska walang humalik sakin 'no! Virgin lips pa kayo 'to!" Sagot ni ate yuna na hindi tumitingin sa akin.

Sabagay, siguro lutang lang talaga si ate.

Ay guys, may ichichika ako sainyo hehe. Alam nyo ba na may motto kami ni ate wag nyong sasabihin na sinabi ko ha?

So ito nga, kung sino yung first kiss namin sya na rin yung papakasalan namin ni ate. gets nyo ba? Hehe.

"Nandito na kami." Sabi ni ate nang makapasok na kami sa bahay.

Nakita ko naman si kuya na nakaupo sa sala at biglang ibinaba ang phone nya.

Sino kaya yung kausap nya sa phone?

Dumiretso na si ate sa kwarto nya ako naman ay lumapit kay kuya.

"Hi YOHAN!!" Bati ko kay kuya, bigla namang kumunot ang noo nya.

"Yohan?" Galit na sabi ni kuya.

"Joke lang KUYA YOHAN hehe!" Sabi ko at umupo sa tabi nya.

"Magbihis kana nga dun!" Utos nya.

Hindi ko sya pinansin at tumingin sa cellphone nya.

"Sino yung kausap mo kanina kuya?" Tanong ko, umiwas naman sya ng tingin. Bakit ba sila umiiwas ng tingin ni ate ganon na ba ako ka-cute omg!

"Wala 'yon." Sagot ni kuya. Ows. Hindi ako naniniwala parang may tinatago si kuya.. hindi kaya...

"Kuya? May girlfriend kana? Oh my god?! Girlfriend mo ba yung kausap mo? Yieeeeee si  ate paisley ba yun? Kayo na ba? Kailan pa?--ARAY! KUYA?!" Yan nanaman sya nangbabatok nanaman.

"Hindi yun si paisley!"

"So, ibang babae yun? Omg kuya?! Nagtataksil kaba kay ate paisley ha? Paano na sya? Kuya, hindi tayo pinalaki nila mama at papa ng ganyan ha! Paano kana pagkakatiwalaan ni ate paisley kung ngayon nagagawa mo na syang pagtaksilan--MASAKIT NA HA!" Napahawak ako sa noo ko na pinitik naman ni kuya.

"Magbihis kana dun! Kung ano-ano nanamang yang pumapasok sa utak mo!" Galit na sabi ni kuya.

Tss! Panget mo!

Pagkatayo ko ay ska namang paglabas ni ate sa kwarto nya, nakabihis na sya ngayon ng pang-alis.

"Papasok na ko." Sabi ni ate nang makalapit sya samin.

Taka naman namin syang tinignan ni kuya.

"Papasok ka ate? Diba kakauwi lang natin? May midnight school na ba? Omg, gusto ko rin pumasok ng gabi ate tapos mag-g-ghost hunting tayo sa school! Hihihi exciting!" Naiisip ko palang ay naeexcite nako gusto kong makakita ng momo sa school sabi nila dati raw sementeryo yun e.

"Gaga! Hindi ako papasok sa school, diba nga may part time job ako." Sabi ni ate.

"Pang-gabi?" Si kuya.

"Oo." Tipid na sagot ni ate.

"Kumain ka muna dyan bago ka umalis." Si kuya ulit, nakatitig lang ako ngayon kay ate para kaseng may iba sa kanya, umiiwas sya ng tingin e. Kilala ko si ate kapag nagsisinungaling sya.. hindi kaya..

Hindi talaga sya papasok sa part time job nya?

Tapos ..

Pupunta sya sa boyfriend...

nyang ARABO?!

Oh my god! Siguro tama talaga ako ng hinala. Tapos ayaw nya lang sabihin kase nahihiya sakin? Tapos ayaw nyang magalit sa kanya sila mama, papa at kuya?

"Hindi na kuya, busog pa 'ko dun nalang siguro." Sagot ni ate.

"Ihahatid kita, saan ba yang part time job mo?" Si kuya at aakmang tatayo pero pinigilan sya ni ate.

"Uh hindi na kuya, malapit lang naman e. Ska magkikita din muna kami ni paisley, sige bye na!" Sabi ni ate at nagkiss pa sa pisngi ko bago lumabas ng bahay.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Ayaw ni ate magpahatid kay kuya kase ayaw nyang mahuli sya na makikipag-kita sa boyfriend nyang arabo.

Hindi pwede 'to. Kailangan kong pag-ingatan si ate laban sa masasamang arabo baka buntisin lang sya non at iwanan.

Kailangan ko syang sundan. Oo! Tama!

"Hoy! San ka naman pupunta ha?"Biglang Sabi ni kuya nang humakbang ako papunta ng pintuan.

Patay! Hindi pwedeng malaman ni kuya na susundan ko si ate baka sumama sya at malaman nyang may arabong boyfriend si ate! Huhu ayokong mapagalitan si ate yuna.

"Uh.. hahanap lang ako ng daga sa labas kuya tas lulutin ko pang-ulam natin mamaya." Sabi ko kay kuya, sana maniwala sya.

Biglang kumunot ang noo ni kuya. Sabi na nga ba e hindi sya maniniwala dapat pala uod nalang sinabi ko tas gagawin kong spaghetti tas papakain ko kay kuya.










---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant