63

871 26 1
                                    

Yessie's Point of View.

*Gunshots

"WAAAAHHHHHH! OH MY GOD FUTURE!!" Sigaw ko kay luhan.

Actually kanina pa ko sumisigaw, paano ba naman kase guys ang daming nagbabarilan, bawat madaanan namin ni luhan binabaril nya ang galing-galing nga nya e!

"Pwede ba manahimik ka muna dyan!" Sya habang hila-hila ako.

Napatingin ako sa kamay na namin na magkahawak. Alam nyo ba guys kanina pa ko kinikilig, simula kase nung maglagay sya ng shabu dun sa mga pinuntahan namin kanina lagi nya nang hawak yung kamay ko tapos lagi nya nang sinasabi na huwag daw akong lalayo sa kanya like duh hindi ko naman sya lalayuan e. Siguro iniisip nya na may iba pa kong crush bukod sa kanya tapos iniiisip nya na ipagpapalit ko sya dun.

*Gunshots

"WAAAHHHHHH! ANO BANG NAGYAYARE FUTURE!? MAY WORLD WAR III NA BA? SINASAKOP NA BA TAYO NG CHINA DAHIL HINDI NATIN BINIBIGAY SA KANILA ANG WEST PHILIPPINES SEA?!" Taranta kong tanong kay luhan.

Kanina pa kase may mga sumasabog huhu kinakabahan ako.

"Oo!" Sagot nya. waahhhhh!!

"OH MY GOD! KAILANGAN NATING TUMAWAG NG PULIS O SUNDALO!--Uhm wait sabibin mo nga sakin future sundalo kaba?"

*Gunshots

Sunod-sunod na paputok nya ng baril, hmp!

"Hoy! Nakakahalata na ko ha!" Kunwareng naiinis na sabi ko sa kanya napatingin naman sya sakin.

"Please? Huwag ka munang madaldal dyan--"

"Bakit may baril ka? Tapos ako wala! Ang unfair!" Nakakainis sya nakikipagbarilan tapos ako taga sigaw lang huhu.

"Pwede ba manahimik ka muna kahit 2 minutes lang!?" Sabi nya at nakipagbarilan uli.

"1,2,3,4,5,6,7,8--"

"Anong ginagawa mo?" Baling nya uli sakin.

"Nagbibilang hanngang sa 2 minutes hehe"












Nicholas's Point of View.

Nang iwan ako ni nygel ay nakita ko si clyde na nagtatago sa di kalayuan sakin.

Patay ka sakin kupal ka.

Kinasa ko ang baril ko at naglakad patungo sa kanya.

Pumwesto ako sa hindi nya nakikita. Ito pala ang trap maker huh.

Ipinunto ko na ang baril ko sa kanya nang biglang--

Bumitin ang kaliwa kong paa pataas. Shet!

"Ha ha ha nice to meet you." Nakangising sabi nito sakin na nasa harapan ko na ngayon.

Nakapatiwarik tuloy ako.

"Nice to meet you too dre hahahaha! Ang gwapo ko 'no?" Pagkasabi ko nun ay agad ko syang binaril at ang taling pumulupot sa paa ko.

Bumagsak ako sa lupa.

Papatamaan nya pa sana ko nang maunahan ko sya.









Luhan's Point of View.

Nakikipagbarilan parin ako ngayon, hindi basta-basta ang mga nakakaharap kong SK. Sila ata ang mga tauhan ni trevor na nanggaling pa sa ibang bansa.

"Yessie, humawak ka sakin!" Utos ko sa kanya nang maramdaman kong hindi sya nakahawak sakin.

Pero wala akong narinig na sagot agad ko syang nilingon at ganon nalang ang kabang naramdaman ko nang makita ko syang hawak ni Holland at nakatutok kay yessie ang baril nito.

"FUTURE!! OH MY GOD! HUWAG KANG MAGSESELOS SA KANYA BIGLA NYA LANG AKONG HINILA!" Sigaw ni yessie.

"Bitawan mo sya!" Seryosong utos ko kay holland pero ngumisi lang ito.

"Ito ang kapatid ni yuna hindi ba? Hahaha dapat na rin 'tong mamamatay--"

Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya nang patamaan ko sya sa braso at mabilis na hinila papunta sakin si yessie.

"Waahh! Ang galing mo talaga future!"

"Utang na loob huwag kang hihiwalay sakin!" Utos ko sa kanya.

"Copy hehehe"

"Tch!" Aakma pa sanang tatayo si holland nang barilin ko sya ulo..

For the first time..

Nakapatay ako.











Yuna's Point of View.

"Yuna? Are you alright?"

Tila nakakita ako ng multo nang lumapit sa akin si ..

"A-Astrid?" Gulat na gulat na tawag ko sa kanya.

Buhay sya?

Ang mga lalaking nagdala sakin dito ay halos patay na lahat.

Ngumiti sya sakin at niyakap ako. "Buti naka-abot kami" Sabi nya nang magkalas kami.

"Buhay ka?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Yup." Nakangiti nyang sagot.

"Paris! 1 minute nalang!" Rinig kong sigaw nung lalaking kasama ni astrid. Sino yun?

Lumapit naman agad sakin si paris at Seryosong tinignan ang bombang nakakabit sa akin.

At tama nga yung sinabi nung lalaki 56 seconds nalang sasabog na yung bomba huhu!

"Relax, yuna." Sabi ni paris nang mapansin nyang kinakabahan ako.

Nagsimula na syang magkalalikot dun sa bomba kung ano anong kulay ng wire ang tinanggal nya.

40 seconds

Waahhh! Totoo ba 'tong mga nangyayari sakin? Paano kung sumabog tong bomba!!

20 seconds

10 seconds.

"Gotcha!" Pagkasabi nya nun ay umistop ang timer ng bomba.

Kinalagan naman ako nung lalaking kasama nila at biglang niyakap.

"Sinaktan kaba nila? May masakit ba sayo?" Tanong nya sakin nang magkalas kami, napatingin ako kala astrid at Paris nang nagtatanong.

"He's your brother ysmael." Diretsong sabi ni astrid na literal na nagpatigil sa akin.

Dahan-dahan akong bumaling sa lalaking kasama nila na sinasabi ni astrid na ysmael daw?

Nang magtama ang mata namin ay tila may lukso ng dugo akong naramdaman.. pero hindi e. Matagal nang patay si kuya ysmael. Tumingin uli ako kay astrid.

"Matagal nang patay ang kuya ysmael ko, ano bang sinasabi mo?"














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now