20

1.1K 33 0
                                    

Wait-- tama ba 'ko ng pagkakarinig?

Ako? Ako daw?

"Woah!! Si Blair at yuna!"

"Sige sir! For sure panalo na talaga ang section natin!"

"Go yuna at blair!!"

Tama nga ako ng pagkakarinig.

"Omg! Kayo ni blair ang representative!!" Bulong sakin ni Paisley.

Nandito kami ngayon sa cafeteria hindi parin nagsi-sink in sa utak ko na ako ang representativeng section namin huhu.

"Hoy! Hahahahahaha! Ano? Hindi ka parin makapaniwala?" Natatawang tanong sakin ni Paisley habang kumakain.

Inirapan ko sya. " paano kapag nalaman ni naomi? Baka magselos sya sakin tapos mag friendship over kami!" Sabi ko at napayuko sa table.

"Bakit naman ako magseselos?" Bigla akong napa-angat ng ulo . Si naomi nasa harap nanamin sya ni Paisley. Omg.

"Uh.. eh.. kase.. ako yung.."

"Hahaha! Ano kaba yuna, hindi 'no. Duh. Actually, kagabi ko pa nalaman kay blair e. Okay lang no. Gusto mo ako ang mag make up sayo?" Hindi ko ineexpect na sasabihin nya yan, ang bait-bait nya talaga.

"Really? Salamat talaga!" Sabi ko at napayakap pa sa kanya.












Paris's Point of View.

"Bye honeybunch. Mamimiss kita huhuhu video call tayo agad ha." Si rea habang nakayakap kay nygel.

Babalik na kase sya sa ibang bansa. Alam nyo bang buong araw silang magkayakap ni nygel. Hindi ko sila masisisi kase halatang namiss talaga nila ang isa't-isa.

"Opo babypie. I love you." Si nygel at hinalikan pa si rea. Halos sabay-sabay naman kaming nagkatinginan nila nicholas at luhan.

"Tsk! Tama na nga yan. Buong araw na kayo ganyan. Nakakasuka na para saming mga single dito." Nanggagalaiting sabi ni ni nicholas. Pfft.

Pero hindi sya pinansin nung dalawa at nagkayakapan pa uli.

After ng mahaba nilang paglalandian, sa wakas ay dumating na ang sundo ni rea.

"Kita nalang tayo mamaya sa hideout." Saad ni nygel. At sabay na silang umalis ni rea.

Aalis din kase si nygel. Pupuntahan nya si boss. Secretary rin kase yan ni boss e.

"Tara na." Aya ni nicholas. Aalis rin kami. Babalik kami sa hideout namin.

Aakma ko nang kukunin ang baril ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Bungad ko nang sagutin ko ito.

"Sir, si sir Phoenix po...."











Nicholas's Point of View.

"Hello?" Bungad ni Paris nang sagutin nya ang cellphone nya.

Wala pang ilang segundo ay agad nya din itong ibinaba at tinignan kami ni luhan.

"Si phoenix." Tangi nyang saad at nagmadaling kunin ang baril nya at halos patakbong lumabas. Agad din naming syang sinundan ni luhan.

May problema sa mga mata nya.

Nakasakay ako ngayon sa motor habang sila luhan at Paris ay naka kotse. Nauuna ang kotse ni Paris, napakabilis ng takbo ng kotse nya. Kinakabahan nako.

Wag naman sana.. hula ko ay ang doctor ni phoenix ang tumawag.. Sana naman ayos lang si phoenix.

Sa loob ng limang minuto ay nakarating agad kami sa private hospital kung nasaan naka confine si phoenix. Mamaya ko na iku-kwento kung sino sya.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now