27

1K 27 0
                                    

"Tinakasan ka nanaman ba ng bait ha?!" Galit na sabi ni kuya.

Halaaa!? Nakakatakas ba yung bait? San yun dumadaan? Sa ilong? Sa bibig? Sa mata? Pero bakit hindi ko naramdaman? Pero mabait pa naman ako ngayon ha hindi pa naman ako masama. Parang sira 'to si kuya parehas sila ni ma'am.

"Hehe joke lang kuya para kang sira. Bibili lang ako sa labas." Yan nalang ang idinahilan ko baka mag-usisa pa si kuya e baka nakakalayo na si ate.

"Tsk! Bilisan mo" pagkasabi nya nun ay mabilis na akong lumabas ng bahay at patakbong hinabol si ate buti nalang may isang kanto pang lalakarin bago makasakay ng sasakyan.

Yes! Nakita ko si ate na nag-aabang na ng sasakyan nya. Ako naman ay nagtatago dito sa mga tao na naglalakad para tuloy akong spy.

Nang may humintong taxi ay agad na sumakay dun si ate, sakto namang may kasunod yun na taxi kaya sumakay rin ako.

"Manong, follow that car!" Utos ko sa driver at itinuro ang taxi na sinakyan ni ate. Tumango naman yung driver na pinaandar na ang taxi. "Manong, follow that car!" Ulit ko, but this time feel na feel ko na yung pagkakasabi nun hihihi feeling ko nasa action movie ako.

"Opo ma'am, hindi po ako bingi"

Sabi ni manong, luh? May sinabi ba akong bingi sya?

















Yohan's Point of View.

Pagkalabas ni yessie ay agad akong pumasok sa kwarto ko.

Shit!

Nabangga ng door knob ang kaliwang braso ko kung saan nadaplisan ng bala.

Kagagawan 'to ng isa sa mga tauhan ni De Villa. Magbabayad ka sakin nicholas.

Dinial ko na ang number ni autumn, magka-usap kami kanina nang biglang dumating ang mga kapatid ko.

"Ano nga uli yung sinasabi mo kanina? Dumating sila yess at yuna e." Bungad ko agad nang sagutin nya.

[Si astrid, nakita sya ng mga tauhan natin sa airport ng Italy kanina]

"Uuwi na sya ng pilipinas?"

[Oo]

"Itutuloy pa ba yung plano sa kanya?"

[Hindi na muna sabi ni boss, mag-focus muna daw tayo sa bagong babae ni austin]

"Tsk! Bakit ba kase hindi na natin kunin yung babae 'yon at bigyan ng leksyon! Nang makabawi naman ako kay austin sa ginawa ng tauhan nya sakin?!" Inip na inip na 'ko tang*na.

[Hahaha! Yan ang gusto ko sayo yohan e. Matapang ka, pero hindi mo nga lang ginagamit sa ayos. Katulad ng ginawa kumilos ka ng walang utos ni boss kaya ayan ikaw ang naagrabyado]

Ang tinutukoy nya ang ginawa kong pag-lusob sa hideout ng TDA sa bulacan, tsk. Pakialam ko e gusto kong pumatay nang araw na 'yon.

"Tsk! Sige na. Baka bumalik na si yess tatawag nalang uli ako" Sabi ko at ibinaba na.















Yessie's Point of View.

After ng blah blah blah minutes ay huminto ang taxi na sinasakyan ni ate sa isang malaking bahay. Tama nga ako. Mayaman yung boyfriend na arabo ni ate, pumasok kami sa isang subdivision at bawat bahay--ay hindi mansion na madaan namin ay halatang mayayaman ang nakatira.

Bumaba na si ate, kaya kumuha na ako pangbayad sa taxi. "Keep the change" Sabi ko matapos ibigay sa manong ang 10 pesos, lalabas na sana ako nang magsalita si manong.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now