64

1K 22 0
                                    

Astrid's Point of View.

"Matagal nang patay ang kuya ysmael ko, ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong sakin ni yuna.

Lumapit ako sa kanya.

Flashback..

(A/N: kinukwento po ito ni astrid/simula ito dun sa part na binaril si astrid)

Nygel's Point of View.

Nang umalis sila boss at yuna ay halos walang tigil wa pag-iyak si nicholas habang nakayakap kay astrid.

Lumapit ako sa katawan nya at hinawakan ang pulsuhan nya..

At napatingin ako kay luhan nang mapagtanto kong gumagalaw pa ng pulsuhan ni astrid.

"Marunong kaba talagang tumingin ng pulso?" Tanong ko sa kanya napatingin naman silang tatlo sakin.

"Ha?bakit?"

"Tanga! Buhay pa sya!" Pagkasabi ko nun ay binuhat ko na agad si astrid pasakay sa kotse. Sumakay narin si luhan.

"Kayo na ang bahala kay astrid may tatapusin lang kami ni paris" Sabi ni nicholas. Tumango lang ako at pinaandar na ang kotse papunta sa hospital.




Luhan's Point of View.

Napatayo kami ni nygel nang lumabas ang doctor mula sa kwarto ni astrid.

"Doc, kamusta na ho sya?"

"Okay na po ba sya?"

Tanong namin ni nygel.

"Natanggal na namin ang bala sa katawan ng pasyente mabuti at nadala nyo agad sya bago pa naubos ang dugo nya, she's stable now. Excuse me" Sagot ng doctor at umalis na.

Salamat naman sa diyos. Akala ko talaga patay na sya.

"Sasabibin na ba natin kay boss na buhay si astrid?"

"Oo naman!"





Astrid's Point of View.

"Astrid, hindi ka pa nga pwedeng tumayo!" Saway sakin ni nygel nang aakma akong tatayo sa kama ko dito sa hospital.

Kagabi pa 'ko nagising at okay na okay naman na ang pakiramdam ko.

"Ayokong magtagal dito sa hospital." Irita kong sabi.

"Alam na ni boss na buhay ka at nagising kana, may plano sila ngayon ni yuna kaya magpagaling ka muna hanggat ginagawa nila yun." Paliwanag ni luhan.

"Anong plano nila?" Tanong ko.

"Ang sabi nila nicholas magkukunware daw sila boss at yuna na magkaaway" sagot ni nygel.

Aish! Kailangan ko na talagang makalabas dito, hindi pwedeng wala ako sa mga plano nila.

Napabaling ako sa phone ko nang mag-vibrate.

99+ missed calls?

Sinagot ko naman agad ito.

[Ms. Astrid si sir Aaron po gusto nya po kayong makita, naalala nya na daw po ang lahat] bungad sakin.

"Okay. I'll be there in a minute" Sagot ko at ibinaba na ang linya. "I need to go." Pagkasabi ko nun ay bumaba na ako sa kama ko. Sabay naman sila nygel at luhan na tumayo rin at lumapit sakin.

"Astrid naman, hindi ka pa nga--"

Kinuha ko ang baril ko sa bag at itinutok sa kanilang dalawa.

"Alis!"

"Argh! Ang tigas talaga ng ulo mo!" Inis na sabi ni nygel.

"San kaba pupunta, sasamahan kana lang namin!" Si luhan.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now