60

907 26 0
                                    

"FVCK!" Mura ni boss.

"Yuna! Tangina ka trevor!" Nanggigil sa galit na sigaw ni yohan.

At mas lalo pa akong kinabahan nang may magsend ng voice message..

De Villa, bibigyan ko kayo ng isang oras para mailigtas ang pinakamamahal mong babae hahahaha!

Rinig naming lahat mula sa sinend na voice message.








Nygel's Point of View.

"Luhan, wala na bang ibibilis yan?" Inis kong tanong sa kanya.

Kinakabahan na 'ko ngayon. Baka pagdating namin sa mansion ay salubingin agad kami ni boss ng bala.

"Ito na! Malapit na nga tayo e!" Sya habang nad-drive.

Nang mahinto nya ang sasakyan ay mabilis na kaming bumaba at pumasok sa mansion ni boss.

Pagkapasok namin ay nakita namin agad sila boss austin,nicholas, paris, yohan at si Autumn--Aaron pala, na nasa sala at animo'y nagm-meeting.

Nasabi na samin lahat nila nicholas at paris na si autumn ang totoong kapatid ni boss austin at ngayon nakikipagkampihan na sila samin laban kay trevor. Tsk! Buhay nga naman.

Nagkatinginan pa kami ni luhan at ska naglakad na palapit sa kanila.

"Tagal nyo" mahinang sabi samin ni nicholas.

Sasagutin ko pa sana sya nang magsalita si boss.

"COLLYMORE!"

"B-Boss" Taranta kong sagot.

Katapusan ko na ata..

"Ikaw ang bahala sa entrance at exit"

Hays salamat akala ko papatayin na ko ni boss e.

"Copy boss!" Sagot ko.

"MADRIGAL!"

"Boss"

"Ikaw mauuna sa paglusob kay trevor, magtanim ka ng bomba palibot sa kuta nila"

"Copy boss!"

"LOPEZ!"

"Boss"

"Ikaw ang maghacked sa lahat ng connection nila thru earpiece pati ang mga cctv ng mga madadaanan natin"

"Copy boss."













Paris's Point of View.

"Copy boss" sagot ni nicholas. Inaasahan kong ako na ang susunod pero..

"Kuya Aaron" Tawag ni boss kay autumn--Aaron!

Bahagya namanng lumapit si Aaron kay boss.

Ang sarap nilang tignan, parang kahapon lang ay halos magpatayan sila tapos ngayon ay nagtutulungan na.

"Ililigaw mo si trevor papunta sa lugar na 'to" Sabi ni boss austin na nakatuon ang tingin sa laptop nya na may blueprint ng buong hideout nila trevor.

"Noted" sagot ni Aaron.

"Yohan!" Tawag ni boss, bakit parang wala akong gagawin?

Lumapit din si yohan kay boss.

"Ikaw ang kasunod ni luhan, ikaw ang maglalagay ng bomba sa gun room, ang pagsabog ng bomba ang magiging hudyat ng pagsisimula ng paglusob" paliwanag ni boss.

"Got it!" Sagot ni yohan.

Yes! Ako na.

"MENDOZA!"

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now