35

919 29 0
                                    

Nandito na kami sa labas ng hospital.

"Ako na lang ang mag dadala sakanya sa loob hintayin niyo na lang kami dito" Saad ko kila Nygel at Luhan.

"Sigurado ka?" Si Nygel kaya tumango ako.

"Samahan ko na kayo" Si Luhan.

"Hindi na" Ako at inakay na si Yessie at pumasok na kami ng hospital.

Ano bang nangyari sa babaeng to. Akala ko pet lover sa aso lang rin pala.

"WAHHH OMG" Natigilan ako ng biglang tumili ang babaeng to.

"Yessie! Nag salita ka na! Ok ka na ba? Pinag alala mo ako!" Garalgal kong tanong dito.

"Sorry kung ikaw pa inutusan ko, akala ko kasi hindi ka takot sa leon eh" Hinging paumanhin ko dito.

"WAHHH! ANO BANG PINAGSASABI MO DIYAN ATE! THANK YOU AH KASI INUTUSAN MO KO AHHH!" Parang kinikilig na saad niya kaya napakunot ang noo ko.

"Thank you? Eh na takot ka nga sa leom dahilan para matulala ka kanina" Kunot noong saad ko.

"Natakot ako sa leon pero hindi dahil sakanya ako natulala, sa yakap ni Luhan! Sa yakap niya ako natulala! Ackkk!" Kinikilig na saad niya. Napahampas na lang ako sa noo ko. Ang babaeng to talaga.

Bumalik na kami ni Yessie sa labas at nandito parin sila Luhat at Nygel nag hihintay.

"Yessie kamusta? Ayos ka na?" Si Luhan.

"Ayos na ayos" Kinikilig parin na saad ni Yessie. Psh.

"Ah guys, pwedeng ihatid niyo si Yessie sa bahay?" Ako.

"Sure NYAHAHAHAHAHA" Si Luhan.

"Sure, eh ikaw?" Si Nygel.

"Mag cocommute na lang ako pa balik ng mansion" Ako.

"Ah sige ingat" Si Nygel.

"Kayo rin" Ako.

"Bye ate" Si Yessie at humalik sa pisngi ko.

Pumasok na sila ng sasakyan at umalis na.

Akmang lalakad na ako ng biglang mahagip ng mata ko ang isang familiar na lalaki kaya napahinto ako.

"Paris?" Saad ko sa kawalan.

Si Paris nga! Nakasandal siya sa kotse at may kasamang lalaki.

Lumakad naman ako palapit sa gawi nila.

Akmang tatawagin ko na siya ngunit natigilan ako sa hindi inaasahang makikita.

Parang napako ang paa ko sa lupa habang nakatingin sa kanilang dalawa ng lalaking kasama niya.

Nag hahalikan sila! Wahhh! My virgin eyes!

Tumigil sila sa pag hahalikan at napatingin sakin ang lalaking ka halikan niya kaya na baling rin ang tingin niya sakin na gulat na gulat na nakita ko.

"Y-yuna...?" Gulat niyang saad.

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang makita ang pag aano niyo..." Nahihiyang saad ko. Aish, nakakahiya.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit sakin si Paris at lumuhod sa harap ko.

"Hey babe, what are you doing?" Tanong sakanya ng lalaking kahalikan niya kanina.

"Yuna...please...I'm­­­ begging you...wag mong sasabihin ang tungkol dito kila Nygel, Luhan at Nicholas lalong lalo na kay boss Austin please...yuna...plea­­­se..." Nag mamakaawang saad ni Paris habang nakaluhod sa harap ko.

"Paris! Tumayo ka nga diyan ano bang ginagawa mo hindi mo kailangan gawin yan" Ako at inakay siyang tumayo.

"Hindi ko naman talaga sasabihin sakanila kahit hindi mo sabihin yan" Saad ko.

"Pero dahil sinabi mong wag ko sabihin sakanila mukhang ayaw mong ipaalam ang tungkol dito sakanila. Wag kang mag alala, hindi ko sasabihin" Nakangiting saad ko.

"Thank you so much Yuna" Siya at napayakap pa sakin.

Nanonood kaya ako ng BL series kaya alam ko ang feeling nila at support ko sila.

"Ano pa lang ginagawa mo dito?" Siya ng mag kalas kami sa yakap.

"Medyo long story eh hehe" Ako.

"Ah ganon ba, anyway. Si Jeff nga pala boyfriend ko. Jeff si Yuna nag tatrabaho siya kay boss Austin" Pakilala ni Paris.

"Hi" Baling ko don sa Jeff.

"Hello" Tugon niya.

"Sige na babalik na ako sa mansion, wag kang mag alala. Wala akong pag sasabihan na kahit na sino" Saad ko.

"Thank you Yuna" Si Paris kaya tumango ako at umalis na.





Nandito na uli ako sa mansion, hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko kanina. Sayang, crush ko pa naman si Paris HAHAHA. But I'm so happy for them.

Pag pasok ko sa mismong mansion ay na gulat ako ng nakatayo pala si Austin dito sa pinto.

"How's your sister?" Bakas ang alala sa tono ng pananalita niya.

"Ok na siya" Sagot ko ng hindi tumitingin sakanya at nag lakad na ngunit hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay natigilan ako ng hawakan niya ako sa braso at pinaharap sakanya pero hindi pa rin ako tumitingin sakanya.

"I'm asking you" Seryosong saad niya.

"S-sir Austin? Sinagot ko na ang tanong mo" Sagot ko na hindi pa rin tumitingin sakanya.

"Ulitin mo, sabihin mo ng nakatingin sakin" Seryosong saad niya.

Psh. Ang lapit namin sa isa't isa.

"B-bitawa mo muna ako" Ako.

"No" Siya.

Wala naman akong na gawa kundi tumitingin sakanya at ulitin ang sinabi ko sakanya.

"Ok na siya" Saad ko habang mag ka titigan kami.

"I warned you Yuna" Seryosong saad niya habang mag ka titigan kami.

"But why are you still avoiding me?" Siya.

"A-ano bang sinasabi mo sir Austin? Hindi kita iniiwasan bakit ko naman gagawin yon" Maaang maangan ko at ng mapag tantong di niya na pala ako hawak hawak ay nag tungo akong couch at umupo.

Pero sumunod siya at umupo sa tabi ko at pumwesto tulad ng pwesto niya kanina.

"You can't fool me Yuna" Saad niya. Lumayo ako sakanya at tumayo. Akmang lalakad na ako pero bigla niya akong hinila kaya napaupo uli ako sa couch.

"I warned you Yuna, but you didn't listen" Saad niya at hinawakan ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sakanya sabay hinalikan ako. Yung smack kiss.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now