22

1K 26 2
                                    

"Papunta na kami ni boss" Sabi ko at ibinaba na agad ang linya.

Pagkababa ko ng sasakyan ko ay nakababa na rin si boss sa sasakyan nya.

Nandito kami ngayon sa laguna kung saan ang main hideout namin. Hindi lang 'to basta-basta hideout na napapanood nyo sa tv na nasa basement or lumang gusali lang. Isa itong sikat na hotel dito sa laguna na pagmamay-ari ni luhan. Pero sa likod ito ng hotel syempre.

Pagkapasok palang namin ni boss ay sumalubong agad samin ang halos isang daan naming mga tauhan. Wala pa yan sa 1/4 ng mga tauhan namin, ang iba ay nagkalat pa sa ibat-ibang panig ng mundo. Lahat sila ay yumuko nang makita nila si boss. Kahit ang mga nasa malayo samin ay napayuko rin bilang paggalang kay boss austin.

Seryoso lang si boss habang patungo kami sa pinaka-loob.

"Good afternoon po boss austin, nasa loob na po sila sir luhan, Paris at nicholas." Nakayukong Sabi ni Kevin kay boss, pero hindi ito pinansin ni boss at diretsong pumasok sa loob ganon din ang ginawa ko. Gusto ko nang makilala kung sino ang anay.

Pagkapasok namin ni boss sa malaking pasilyo ay sabay-sabay na nagsitayo sila luhan,paris at nicholas.

"Si Mike ang anay?" Gulat kong tanong nang makita ang isa sa mga tauhan namin na si mike, nakaupo sya ngayon sa upuan habang nakagapos at dumudugo ang magkabilang tuhod.

Tumango lang sila nicholas sa akin. Unbelievable. Napangisi nalang ako.

"KAHIT ANO PANG GAWIN NYO SAKIN WALA AKONG SASABIHIN!" Sigaw ni mike. Tsk. Ang lakas ng loob na sumigaw nakita na nga nyang nandito si boss. Goodluck nalang sa kanya, ang isa sa pinaka ayaw ni boss ay ang sinisigawan sya.

Umupo si boss sa couch nya at inilabas ang baril nya, relax nya 'itong pinunasan ng isang panyo.

"I'll give you 3 seconds to tell me where trevor is." Kalmadong sabi ni boss kay mike habang sa baril nya parin ang atensyon.

"KAHIT PATAYIN NYO PA 'KO AY HINDING-HINDI--"

Isang malakas na putok ng baril mula kay boss ang Umalingawngaw sa buong pasilyo.

Nakita ko nalang si mike na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at wala ng buhay.

Ganyan kadali kausap si boss austin.

Tumayo na si boss at naglakad palabas na parang walang nangyari.

"Boss" habol ko sa kanya. Huminto naman sya.

"Ipapadala ba namin ang bangkay ni mike sa kampo ni Trevor?" Tanong ko.

"Ofcourse. Burn it, wrap it up and send it to their hideout." Sagot ni boss at aakma sanang tatalikod na ng magtanong uli ako.

"Boss sasama pa rin ba 'ko sa inyo?" Tanong ko, minsan kase hindi nya na ko sinasama sa mga iba nyang business.

"You don't need to." Sagot uli ni boss.

"Ok boss. Pupuntahan nyo ba si yuna?" Ewan ko ba kung bakit bigla kong naitanong yan. Ang mo gag* nygel.

Dahan-dahang humarap sakin si boss at ...

Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang tignan nya 'ko nang nakamamatay na tingin. Siguro kung nakakamatay lang talaga ang pag-tingin kanina pa ko pinaglalamayan dito.

"U-Uh s-sige b-boss i-ingat k-ka h-ha." Tangina ko. Tinalikuran na ko ni boss at tuluyan nang umalis sa harapan ko.

Pagkalabas ni boss ay napakalakas na tawanan ang narinig ko.











Luhan's Point of View.

"HAHHAHAHAHAHHAHAHHA­"

"hahahahahhaha!"

"NYAHAHAHAH­AHAHA"

Tawanan namin nila nicholas at Paris nang makalabas na si boss austin NYAHAHAHAHAHA halatang takot na takot si nygel kanina e NYAHAHAHAHAHA tanong ba naman ng tanong kay boss.

"Anong nakakatawa?" Naka poker face na tanong samin ni nygel.

"NYAHAHAHHAHAHAHAHHA­HAHA takot dre?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Tanong pa." Si nicholas.

"Kawawang nygel." Si Paris naman.

Kumuha naman bigla ng baril si nygel NYAHAHAHAHAH--- at itinutok ito sakin.

"Sinong takot?" Tanong nya sakin NYAHAHAHAHAHA

"Ano to sahig? Pader pala 'to" Sabi ko habang palinga-linga. Ayoko pang mamatay 'no maraming magluluksang babae NYAHAHAHAHAHA

"Tch. Kayo! Gawin nyo na ang nararapat gawin sa anay na yan! Bilis!" Utos ni nygel sa mga tauhan namin NYAHAHAHAHAHA hindi na sakin nakatutok yung baril pero ang sama ng tingin nya saming tatlo nila Paris at nicholas NYAHAHAHAHAHA

"Copy boss!" Sagot nila Kevin.

"Gandahan nyo pagsunog ha." Paalala ni Paris NYAHAHAHAHAHA

Yung tinutukoy nila ay si mike. Ganyan ang tradition namin kapag may mga anay at traydor ay sinusunog.

Aasarin ko pa sana si nygel nang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko naman ito agad..

Oh? Sa wakas napatawag!

"Hi, Astrid!" Masaya kong bati NYAHAHAHAHAHA

Napabaling naman ang atensyon nila nygel, nicholas at Paris sa akin.












---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now