08

1.4K 42 0
                                    

San nanggaling 'yun? Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala namang tao. Omg! Don't tell me.. May multo dito sa bahay ni austin..

"Lord, please! Iligtas nyo po ako." Nakapikit na ako ngayon. Lord please ayoko na po. Kunin nyo na po ako ngayon na. As in now na!

"Sino ka. Sino ka."

Yan nanaman yung boses. Pero dumilat ako wala namang tao--AAAAAHHHHHHH!

"Please, huwag nyo po akong kukunin. Mahal ko pa po yung buhay ko. Gusto ko pang magkaroon ng boyfriend. Kailangan maging kami muna ng crush ko bago nyo 'ko kunin huhuhu!" Nanginginig na ako ngayon sa takot, parang mas gusto ko pa dun sa Leon at ahad kesa dito sa multo.

Ano bang klaseng tao ka austin?!

Bakit may mga ganito kang alaga dito huhuhu!

"Sinong kukunin. Sino kaba. Sino kaba. Nasan si boss Austin. Boss Austin."

Dahan-dahan konh iminulat ang mga mata ko at may isang parrot na, na sa harapan ko.

Sya ba 'yung nagsasalita?

"Ikaw ba si volteir? "

"Ako nga."

Sagot nya. Gosh! Parrot pala 'yun? Akala ko multo na. Thank you lord.

"Uh hehe hello? Grabe mga alaga ni austin kakaiba."

"Sino ka. Sino ka."

First time kong makita in person ng parrot na literal na nagsasalita akala ko sa tv lang. Totoo pala talaga.

"I'm yuna. Slave ni austin for three weeks." Sagot ko sa parrot, Ewan ko kung maintindihan nya 'yung slave. Kinuha ko na ang pagkain nya at nilagay yun sa pagkainan nya. Pati lalagyan ng pagkain pang sosyal din. Hindi katulad ng pagkainan ng aso namin 3 years na ata yung hindi napapalitan. Kawawang bogart.

"Salamat. Salamat." Sabi ng parrot. Napangiti naman ako.

Gusto ko pa syang kausapin pero kumakain na sya ngayon at kailangan ko nang puntahan si austin sa sala.

Nang makababa ako ay nanonood sya sa napaka laki nyang tv. Presentableng naka upo habang naka sandal sa coach, wait-- nakasando lang sya?

O..m..g.. Yung muscles!

Ang lulusog ng mga muscles nya. Sarap titigan. Nakatalikod sya sakin ngayon. Kaya malaya ko syang natitigan. Napaka perpekto naman ng taong 'to. Sobrang swerte ng mapapangasawa nya.

"Maupo ka dito sa tabi ko para hindi ka mahirapan titigan ako."

Potek! Ngayon ko lang narealized na nakikita nya pala ako mula sa reflection ng tv.

Ang tanga mo yuna. Lumapit ako sa kanya.

"Hindi kita tinititigan 'no! Asa ka." Umupo ako pero malayo sa kanya. Siguro mga sampung dangkal. Ayoko sya makatabi 'no. Baka may lahi 'tong kahayupan,baka mga kapatid nya pala yung ahas at leon dun.

Magsasalita pa sana sya nang biglang may magdoor bell.

Nagkatinginan pa kaming dalawa kung sino ang magbubukas. Pero alam ko namang ako 'no. Tatayo na sana ako nang bigla nya akong pigilan at kumuha ng baril mula sa ilalim ng coach.

Omg?! Totoo ba yang baril na 'yan?

"You stay here." Sabi nya sakin at lumabas na.




Austin Point of View.

"You'll stay here." I said to her.

Hindi nanaman sya nagsalita pa kaya lumabas na 'ko para alamin kung sino ang bisita ko.

It's already 8pm. Sino ang pupunta sa bahay ko ng ganitong oras. Alam kong isa ito sa mga mga tauhan ko dahil sila lang naman ang nakakaalam ng bahay ko.

Pero pwede ring isa sa mga kaaway ko. Kinasa ko ang hawak kong baril at itinutok ito sa gate ko. Dahan-dahan ko itong binuksan.

"HI BOSS-- OWWHHH!"

Bungad nila sakin, tsk. Sabi na nga ba. Anong ginagawa nila dito. Ibinaba ko na ang baril ko.

"NYAHAHAHAHA boss naman nakakagulat ka! Kami lang 'to!" Masayang sabi sakin ni luhan. Abnormal kahit wala namang nakakatuwa tumatawa.

"Anong gingawa nyo dito? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanila.

"Wala naman boss. Gusto ka lang naming dalawin." Si nygel at hindi ko pa man sila pinapapasok ay pumasok na sila.

Tinignan ko muna ang paligid bago 'ko isinara ang gate.

Hindi pa sila nakakapasok sa mismong bahay ko ay naghubad na ng damit si Paris. Tanging brief nya nalang ang natira.

Alam ko na ang punta nito sa swimming pool 'ko.

Hindi nanamin sya pinansin at pumasok na sa bahay ko. Dumiretso agad si luhan sa kusina, kukuha yan ng pagkain. Mukha yang pagkain eh. Si Nicholas naman ay dumiretso ng gym ko.

Ang gagaling nila diba. Feel at home na feel at home. Ganyan sila kapag wala kaming transaksyon ay dito sa bahay ko ang tambayan nila.

Dumiretso naman kami ni nygel sa sala. At wala na dito si yuna. Nasaan na ang babaeng 'yun? Sinabi ko sa kanyang dito lang sya ha?! Humanda talaga sakin 'yang brat na 'yan.

"May nalaman ako tungkol sa mga sumugod satin nung nakaraan." Seryosong panimula ni nygel.

"What?"

"Autumn Lay. Yan ang pangalan ng nakabangga mo boss."

Autumn lay? Ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yan. Marami na akong kilalang mga mafia na katulad kahit saang panig ng mundo. Kilala ko rin ang mga kanang kamay nila. Pero ang pangalan na 'yan ay bago sa pandinig ko.

"Hindi pa ako sigurado kung sya ang kanang kamay ni Trevor. Pero nakita ko ang kotseng sinakyan nya. Isa 'yon sa pagmamay-ari ni Trevor. Sigurado na tayo na aso nga sya ng kaaway natin."

Paliwanag nya.

"Goodjob, nygel. Sige lang ipagpatuloy mo lang ang pagmaman-man."

Trevor .. Trevor ..

Napaghahalataang takot kang magkaharap tayo.

"AAAAAAHHHHHHHHH!"

What the fuck?!

Bigla kaming nakarinig ng sigaw mula sa kusina.

Sigaw ni yuna.







Yuna's Point Of View.

Nandito ako ngayon sa kusina. Naghahanap ng makakain. Sino kaya yung bisita ni austin?

Binuksan ko ang ref. Puro pagkaing mamahalin yung nandito. Puro salad na gulay. Tsh. Hindi naman ako mahilig sa mga ganito eh. Magluto nalang kaya ako? Bakit kase hindi pa 'ko sumabay kay austin kaninang kumain.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya pumunta muna ako ng cr.

After chuchu minutes ay tapos na rin ako, lalo ata akong nagutom. Hays.

Hahawakan ko na sana ang door knob nang bigla itong bumukas at iluwa ang isang lalaki na walang damit

"AAAAHHHHHHHHHHHHHH!­" Sigaw ko. Mahabagin!

"OH MY GOD?! SINO KA?! HUWAG MO 'KONG LALAPITAN! MANYAK! BASTOS!" Sigaw ko sa kanya.

Buong lakas ko syang pinaghahampas sa dibdib pero ako ata ang nasaktan kase ang tigas ng mga muscles nya.










---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now