05

1.6K 48 0
                                    

Kinuha ko ang phone ko at dinial si Paisley.

[Sis! Napatawag ka? Nakauwi na kayo?" Sagot niya mula sa kabilang linya.

"Oo sis, ikaw ba?" Ako.

[Oo rin, napatawag ka?] Siya.

"Sis, I need your help! Huhu, yung bwisit na lalaki ngayon na raw ako mag uumpisa tapos don raw ako mag stay ng gabi sa bahay niya. Like what the hell? Huhu" Ako.

[WAHHH! O TO THE M TO THE G! Go sis! Blessings yan! HAHA] Siya. Gaga amp.

"Baliw ka talaga, problemado na nga ako dito dumadagdag ka pa huhu" Ako.

[Kung pinoproblema mo ang kung anong ipapalusot mo sa pamilya mo, pwede mo namang sabihing mag oovernight ka dito sa dorm ko. Hayaan mo, pag tumawag sila sakin at tinanong kung mag oovernight ka nga ba talaga dito sasabihin ko oo] Siya kaya nabuhayan naman ako.

"Wahhh! Talaga? Thank you so much sis!" Ako.

[Welcome, ikaw pa! Basta pag may nangyari balitaan mo ko ah! Hshs" Siya. Gaga talaga to.

"Gaga!" Ako.

"Sige na bye na, basta ah. Salamat talaga" Ako.

[Welcome, basta knows ko na yan pag tumawag sila sakin. Bye! Goodluck haha] Siya kaya pinatay ko na ang tawag.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto para pumuntang kainan.

Hinintay ko munang matapos kami sa pagkain bago ako mag paalam.

"Ma, Pa" Tawag ko sakanila. Kakatapos lang namin kumain, nandito pa kaming lahat sa lamesa.

"Bakit anak?" Si papa.

"Wag ma, pa. Wag niyong payagan" Singit ni kuya. Tsk, epal.

Inirapan ko naman siya.

"Haha, advance ka kuya wala pa ngang sinasabi si ate Yuna eh" Natatawang saad ni Yesi.

"Hindi mo pa ba kilala yang ate mo Yessie? Mga ganyang style niya may ipapaalam lang yan" Si kuya.

One dot bibigwasan ko na tong kuya ko.

"Ano ba yang ipapaalam mo, nak?" Si mama.

"Ma, Pa. Pwede po ba akong mag overnight ngayon sa dorm ni Paisley, please? Weekend naman bukas eh" Paalam ko kila mama at papa with paawa face pa syempre para payagan noe.

"Hindi pwede" Sabat na naman ni kuya.

"Ikaw ba sila mama at papa?" Saad ko sakanya at inirapan siya.

"Wala namang problema sakin, diyan ka sa mama mo mag paalam" Si papa. Bumaling naman ako kay mama.

"Ma, please?" Paawa ko, hshs.

"Ayos lang naman sakin, nak. Diyan ka sa papa mo mag paalam" Saad niya. Footecc yan haha.

"Ano raw? Haha, basta payag na yan sila ate haha" Si Yesi.

"Sige anak, basta mag iingat kayo ni Paisley don ah" Si papa.

"Siguraduhin niyong wala na kayong ibang gagawin o pupuntahan" Si mama.

"Yes po ma, pa! Salamat po!" Ako.

"Wahhh sana all, sama ako sa susunod ate ah hshs" Si Yesi. Buti na lang sa susunod niya naisipan sumama dahil hindi naman talaga ako mag oovernight kay Paisley ngayon haha.

"Sige ba" Ako.

"Tsk" Si kuya at biglang kinuha ang phone niya at may tinawagan.

Tsk.

"Duh, kahit tawagan mo pa si Paisley" Saad ko.

[Yohan?! Napatawag ka?!] Rinig naming sagot ni Paisley sa kabilang linya.

"Mag oovernight ba diyan si Yuna sa dorm mo?" Tanong ni kuya.

[Ah oo! Niyaya ko kasi siya, pinayagan ba siya? ] Si Paisley.

"Tsk" Si kuya at pinatay na ang tawag. Tinignan ko naman siya ng 'kala mo ah' look. hshs.

"Ang bastos mo kuya, nag tatanong pa si ate Paisley eh" Si Yessi.

"Ganyan ba itrato ang future girlfriend mo anak?" Si mama haha. Well, kahit kasi sila mama at papa ship silang dalawa haha.

"Ma?! Wala nga--"

"Akong gusto sa babae na yon!" Putol naming lahat sa sasabihin niya. HAHAHAHAHA.

Nandito na uli ako sa kwarto ko nag hahanda ng mga dadalhin ko. Mag dala kaya ako ng samurai para kung sakaling may gawin sakin yung lalaki na yon may sandata ako haha, char.

Bigla namang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito, unknown number pero sinagot ko na.

[Richmond *******] Saad mula sa kabilang linya. At alam kong boses ito nung hinalikan ko, bat kasi di ko parin alam name niya tsk. Mamaya ko na lang siguro itatanong.

"Saan mo nakuha ang number ko?" Tanong ko.

[It's none of your business. Yon ang address ko pumunta ka na lang dito] Siya at pinatay na ang tawag.

Tsk, attitude. San niya naman nakuha ang number ko.

Richmond *******? Malapit lang pala siya pero village yon ng mga mayayaman at malalaking bahay.

. . .

"Ma, pa alis na ako!" Paalam ko.

"Sige, ingat ka" Sila.

"Ingat ate" Si Yesi kaya tinanguan ko siya.

"Ingat, wag ka ng babalik ah" Si kuya kaya inirapan ko naman siya at lumabas na ng bahay.

Matapos kalahating oras na biyahe ay nandito na ako sa labas ng village ng Richmond *******. Magaganda at malalaki talaga ang mga bahay dito, halatang mayayaman ang mga nakatira dito.

Lumapit naman ako sa guard house.

"Ano po yon ma'am?" Tanong nung guard pag kalapit ko.

"May pupuntahan po kasi ako sa loob" Ako.

"Sino po ba ma'am? Para ma-confirm namin" Siya.

Shocks, hindi ko pa alam pangalan ng bwisit na lalaki na yon.

"Teka lang po ah" Ako at akmang kukunin ang cp ko ng biglang may tumawag sa guard kaya sinagot naman niya ito.

"Kayo po ba si Yuna Finlay ma'am?" Tanong niya sakin.

"Opo?" Ako.

"Ah sige po ma'am pumasok na po kayo" Siya kaya tumango naman ako.

"Ah sige po, salamat" Ako kaya tumango naman siya at pumasok na ako sa loob ng village.

Pag pasok ko ng village at nakakamangha talaga, sobrang laki at gaganda ng mga bahay. Sana balang araw makatira kami sa ganto kaganda at kalaking bahay.

Wait, saan naman pala dito ang bahay ng bwisit na lalaki na yon.

"Here brat" Napatingin naman ako sa nag salita at yung lalaking hinalikan ko na nakasandal sa gate at naka cross arm pa.

Pumasok na siya kaya susunod na lang ako. Nilibot ng mata ko ang kabuuan ng bahay---no hindi na bahay to eh, mansion na to.

Sobrang ganda at laki ng bahay niya, ang yaman niya. Well, obvious naman sakanya.

. . .

Nandito na ako sa loob ng bahay niya at hindi ko parin maiwasang mamangha sa sobrang laki at ganda nito, kahit sa labas pa lang kanina sobrang ganda na.

Halos babasagin ang mga gamit at halatang mamahalin, walang sinabi sa bahay namin.

Yung bahay namin parang swimming pool niya lang.










---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now