58

805 23 0
                                    

Lumapit naman tong Paris kay Nicholas.

"Pero hindi ka / tayo pwedeng mag ka mali. Siya si Aaron Kirk De Villa, ang nawawalang kapatid ni Austin De Villa. Bakit hindi niya alam? 5 years old siya non? Malamang naaalala niya naman kung sino ang magulang at kapatid niya noon at ang pangalan niya" Rinig kong usap nitong Paris kay Nicholas.

"Hindi ko rin alam Paris kung bakit hindi niya alam pero sigurado tayo na siya si Aaron Kirk De Villa" Usap naman ni Nicholas kay Paris.

"Maniwala ka samin, nag sasabi kami ng totoo. Kung hindi edi sana pinatay ka na namin dito ngayon. Bakit hindi mo alamin? Alamin mo ang totoo Aaron Kirk De Villa" Baling sakin ni Nicholas.

Lumapit naman sakin si Paris at sinimulan na akong kalagan.



Bumabiyahe na uli ako papunta ng hideout, hindi ko alam. Naguguluhan parin ako sa pinag sasabi sakin kanina nung dalawang tauhan ni De Villa.

Malaki ang utang na loob ko kay Trevor dahil siya ang kumopkop sakin kaya hindi ko siya dapat pag hinalaan pero bakit parang may side sakin na gusto ko rin malaman ang totoo. Ako ba talaga ang Aaron Kirk De Villa na sinasabi nila? Kapatid ko ba talaga si Austin De Villa? Ang mortal kong kaaway.

Hininto ko na ang sasakyan at bumaba na.

Pumasok na ako sa hideout at nakakapagtaka na marami atang tauhan ang nandito ngayon, hindi ko na lang pinansin pa at tuluyan ng pumasok sa loob.

At ganon na lang ang gulat ko ng makita ang lalaking prenteng nakaupo.

Trevor?

Anong ginagawa niya dito? Nandito na siya?

"Boss Trevor?" Kunot noo kong saad.

"Hindi ka ata masayang makita ako Autumn?" Saad nito at humithit sa sigarilyo niya.

"Hindi sa ganon boss, nagulat lang ako na sa ibang bansa ka tas biglang nandito ka na sa pilipinas" Saad ko.

"Suprise?! Haha" Saad nito at parang baliw na na tawa.

Bakit ganon? Parang iba na ang pakiramdam ko kay Trevor simula nung marinig ko ang mga pinagsasabi ng tauhan ni De Villa kanina.

"Namatayan ako ng anak Autumn, namatay si Astrid. Anong ini-expect mo? Mag tatago parin ako sa ibang bansa? Tama na ang pag tatago, ako na ang tatapos ng larong ito" Seryosong saad ni Trevor.

Umupo naman ako sa kaharap niyang couch.

"Bakit tinanong sakin ni Austin kung sino ang nag bigay nitong kwintas na suot ko?" Hindi na ako nag paligoy ligoy pa, tinanong ko na agad siya.

Parang baliw naman siyang tumawa at nilagay ang upos ng sigarilyo niya sa ashtray bago nag salita.

"Mukhang oras na para malaman mo ang totoo Aaron Kirk De Villa" Nakangising saad niya na nag patigil sakin.

"Tutal tapos naman na kitang gamitin, hindi na kita kailangan" Dugtong pa nito. Hindi ko alam, galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Inutusan ko ang mga tauhan ko 23 years ago na kidnapped-in ka. 5 years old ka pa lang nung mga panahon na yon, hindi na malayan ng mga magulang mo na kinuha ka na pala ng mga tauhan ko. Akala lang nila nawawala ka lang, kaya sinimulan ka nilang hanapin. Ipina TV ka pa nila noon. Pero hindi mo lahat ito maalala hindi dahil 5 years old ka pa lang noon, dahil nag ka amnesia ka. Balak ka na sana naming patayin noon kaya pinatayo ka namin sa gitna ng kalsada at sinagasaan pero hindi ka namatay nag ka amnesia ka lang, kaya na bago ang plano ko non. Balak kong gamitin ka na lang laban sa kapatid mong si Austin Luke De Villa, kaya pinalaki kita. Pinalitan ko ang pangalan mo bilang Autumn Lay pinalabas kong galing kang ampunan, na inampon lang kita. At kung tinatanong mo kung bakit tinanong ni Austin ang tungkol sa kwintas mo ay paniguradong dahil kayo lang ang may ganyang kwintas" Lintaya niya na isa isang nag paalala sakin ng totoong pag katao ko.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now