04

1.9K 47 0
                                    

Yuna's Point of View.

"Class dismissed."

Saad ng Prof. at lumabas na ng classroom namin kaya kaniya-kaniyang ayos na rin kami para umuwi.

Lumabas na kami ni Paisley ng classroom.

"Ate! Hi, Ate Paisley!" Si Yessie. Yes, grade 9 na siya pero baby ko pa rin 'yan, 'no.

Nagbeso naman sila ni Paisley.

Dumating na rin si kuya.

"Hi, Yohan" Si Paisley kay kuya.

"Tsk" Si kuya. Haha, ganiyan talaga sila.

"Sungit talaga" Si Paisley.

"Anyway, hindi nga pala ako makakasabay ngayon sa inyong tatlo. May dadaanan pa kasi ako" Si Paisley.

"Buti naman" Bulong ni kuya sa kawalan pero narinig naman namin, haha.

"Kuya?!" Si Yessie.

"Joke" Saad niya pero seryoso, haha.

"Ayos lang yess, sanay naman ako riyan sa kuya mong ubod ng sungit." Si Paisley at pinagdiinan pa ang salitang 'ubod ng sungit'

"Tsk" Si kuya, haha.

"Sige na, una na ako, bye" Si Paisley at naglakad na.

"Ikaw talaga kuya, may gusto ka naman kay Ate Paisley." Panunukso ni Yessie.

"What?! Yuck, wala akong gusto sa babae na 'yon, 'no!" Tanggi niya, haha.

"Sus!" Gatong ko, haha.

"Tsk, tara na, umuwi na tayo" Siya at nag-umpisa ng maglakad kaya sumunod naman kami ni Yessie.

Natigilan naman ako nang makita 'yong lalaking hinalikan ko na prenteng nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa'kin.

"Bakit ate?" Si Yessie.

"May naiwan pala ako sa room, una na kayo. Susunod ako, kunin ko lang saglit" Palusot ko.

"Samahan na kita" Siya.

"Hindi na" Ako.

"Okay ate" Siya.

"Tsk, bilisan mo" Si kuya at nag lakad na sila ni Yesi.

Agad naman akong lumapit sa lalaking to.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong sakanya.

"Ngayon ka na pala mag umpisa" Seryosong saad niya.

"Huh?! Pero sabi mo bukas diba?" Kunot noong saad ko.

"I changed my mind" Seryosong sagot niya.

Tsk, kainis talaga.

"Pero gabi na---"

"So? Sa bahay ko nalang muna ikaw mag stay ng gabi" Saad niya na nag palaki ng mata ko.

"Ano?! Baliw ka ba?! Ayoko nga, mamaya kung ano pang gawin mo sakin!" Tanggi ko.

"Excuse me? Hindi kita type, baka nga ikaw pa ang may gawin sakin eh" Saad niya. Wow, ang kapal naman nito.

"Excuse me too? Hindi rin kita type!" Bawi ko.

"Tsk, just do as I say" Siya.

"Ayoko nga, tsaka kahit gusto ko hindi ako papayagan ng parents ko anong ipapaalam ko sakanila? 'May hinalikan po kasi akong lalaki dahil nanganganib ang buhay ko at bilang kapalit raw ginawa niya kong slave kaya ngayon na ang umpisa ko at doon na lang raw ako mag stay ng gabi sa bahay niya' tingin mo papayagan ako huh?" Lintaya ko.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now