61

841 26 0
                                    

"Goodnight." nakangisi kong sabi sa kanya at pinatamaan na sya ng silencer.

Nang mapagtanto kong wala na syang buhay ay itinago ko muna sa madilim na parte ang katawan nya dahil hindi pwedeng may makakita sa kanya siguradong mabubulilyaso ang plano ni austin.

Marami pa ang sumalubong sa akin pero naligpit ko naman agad sila. Nang makapasok na 'ko sa gun room kung saan nakalagay ang mga baril at iba pang armas ay nilabas ko na ang bombang dala ko at sinet ito sa 3 minutes.

Tinakpan ko ito sapat para walang makapansin.

Hinawakan ko ang earpiece at nagsalita. "Austin, okay na. 3 minutes bago ang gyera" pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng SK.












Luhan's Point of View.

"Austin, okay na. 3 minutes bago ang gyera"

Nang marinig ko yun mula sa earpiece ay kinuha ko na ang baril ko at akma na sanang bababa ng kotse nang biglang may humawak sa braso ko.

Hindi ako nag-alinlangang itutok ang baril sa taong--

"WAAAAHHHH! OH MY GOD! TOTOO BA YAN?! OMG!"

"Yessie?!" Gulat kong tawag sa kanya at ibinaba ang baril.

Anong ginagawa nya sa kotse ko?

"Hi future hehe" Sya at nagpikit-pikit pa ng mata nya. Aish ang cute!

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang delikado ang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya, bakit hindi ko sya napansin.

"E, kase future sinundan ko si kuya yohan kanina e tapos hindi naman ako makapasok dun sa mansion ni future brother in law kase ang daming lalaking naka itim natatakot ako kaya nung lumabas ka at pumasok ng kotse, pumasok narin ako hehehe" Paliwanag nya.

Shet. Hindi ko talaga napansin. Paano na 'to. Anong gagawin ko sa kanya?

Tumingin ako sa relo ko.

2 minutes and 20 seconds..

Darn it! Wala pa 'kong nagagawa!

"Dito ka lang, huwag kang aalis dito ha!" Utos ko sa kanya at aakma na sanang lalabas nang pigilan nya uli ako.

"WAAAAHHHH! SAMA! AYOKO MAG-ISA DITO HUHUHU" Pagmamakaawa nya.

Aish!

"Tara na!" Sabi ko dahil baka magpumilit sya nang magpumilit sayang ang oras, lumabas na ko ng kotse, sumunod naman sya.

"Nasan ba tayo future? Nakakatakot naman dito ang dilim" Sya na nakahawak sa braso ko.

"Sshh.. huwag kang maingay basta huwag kang lalayo sakin ha kahit anong mangyari." Seryoso kong sabi sa kanya at kinuha na sa van ang mga bomba.

"Ano yan future?"

Tinignan ko ang paligid ng hideout ng SK bawat pasilyo ay may mga nakabantay.

"Future?"

Kailangan kong mailagay na ang bomba. Shet.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni yessie at naglakad sa lugar kung saan pwede kong ilagay ang mga bomba ko.

"Wait lang future! Bakit ba tayo tumatak--"

"Sshh.. huwag kang maingay." Mahinang bulong ko at humanap na ng paglalagyan ng bomba.

"Omg! Future oh may mga lalaking naka red hehehe" Pagkasabi nya nun ay hinila ko sya papunta sa madilim na parte para magtago.

Shet. Bakit hanggang dito may nagbabantay na SK.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now