47

886 28 1
                                    


"Yuna, are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni austin nang mapatakip ako sa mukha ko. Naramdaman kong niyakap nya ko.

"S-Si kuya.. nandun ba sya kanina sa lugar na pinagdalhan sakin? Naglaban ba kayo? Buhay pa ba si kuya? P-pinatay mo na ba s-sya?" Naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.

Pinunasan nya muna ang mga luha ko sa pisngi bago nya ko sagutin. "Yeah. Nandun ang kuya mo, pero hindi kami nagkita, but you don't have to worry dahil hindi ko sya sasaktan dahil alam kong masasaktan ka naloko lang lan din sya ni trevor." Napayakap ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Thank you! Thank you austin.. hayaan mo kakausapin ko si kuya, sasabihin ko sa kanya na hindi ikaw ang pumatay kay kuya ysmael." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Bwiset na trevor na 'yan. Napakasama nya! Demonyo sya!

"Okay, but for now you need to rest first I know you are tired of what happened today." Pagkasabi nya nun ay binuhat nya ko na pang bride style at dahan-dahang nilapag sa kama.

"Ikaw? Hindi kaba magpapahinga?" Tanong ko sa kanya nakahiga na nga ako ngayon at sya naman ay nakaupo sa gilid ng kama at nakahawak parin sa mga kamay ko.

"Don't mind me. Matulog kana muna.. I love you." Sabi nya ay hinalikan ang noo ko. ".. Hindi ako aalis hanggat hindi ka pa natutulog" dagdag nya.

"Aalis ka?"

"Sa likod lang ng hotel, mamaya dadalhin kita dun. Sleep well." Nakangiti nyang sabi. Ngumiti rin ako at pinikit na ang mga mata ko, totoong pagod na pagod talaga ako ngayon pati utak ko pagod na pagod na dahil sa mga nangyari.















Yessie's Point of View.

"Aish! Out of coverage nanaman? Nasan na ba sila? Huhuhu" Inis kong nilapag akonb phone ko. Kanina ko pa tinatawagan sila kuya at ate pero laging busy hindi ko macontact huhu

Ako lang mag-isa dito sa bahay wala pa sila mama at papa, natatakot ako huhu sabi ni kuya may nagmumulto raw dito sa bahay e kapag mag-isa lang ang tao huhu.

Ay hindi kasama ko naman ang aso namin na si bogart kaya matatakot naman siguro ang mga multo sa kanya.

Kinuha ko uli ang phone ko at dinial ang number ni prenny.

[Oh?] Bungad nya.

"Prenny! Samahan mo ko dito sa bahay ako lang mag-isa huhu"

[Ay sorry prenny tinatapos ko pa yung assignments natin diba? Mamaya kana uli tumawag nadi-distract ako e hahaha]

"Ano ba yan bilisan mo nang tapusin yang assignments natin! Ayokong pinaghihintay"

[Wow ha?!]

"Joke lang prenny hehe! Sige byebye na! Love youuuu!"

[Ewan ko sayo! Love you too!] Sagot nya at nawala na ang linya.

Hmp! Nasan na ba kase sila kuya at ate?

Ahh! Alam ko na. Ang talino ko talaga.

Nagdial uli ako ng number at ilang segundo lang ay..

[Hello? Sino to?] Bungad nya.

"HI MY FUTURE! HEHEHE!" Masaya kong sagot. Oh my gosh! Buti nalang talaga hiningi ko yung number nya kay ate.

[Huh?] Potek? Nakalimutan nya na ba ko?huhu

"Nakalimutan mo na ba ko? Ako yung magandang kapatid ni ate yuna! Ako yung future girlfriend mo!" Napahawak ako sa labi ko, masyado ba akong bulgar? Hindi naman halatang crush ko sya diba?

[Ahh! NYAHAHAHHAHAHAHAHAHA­HA ayos ha future!] Rinig ko pa ang malakas nyang tawa, o-m-g happy pill na ba nya ko?

"Hehe nahulaan ko na yun 'no tayo daw ang magkakatuluyan in the future tanong mo pa sa mga authors e! Hehe"

[NYAHAHAHAHHAHAHHAHA­HAHA anong kailangan mo FUTURE?] Oh my god! Diniinan nya pa yung word na 'future waaahhh! Siguro kailangan ko nang magpaorder ng wedding gown sa shoppee!

"Hehe ano kase e.. si ate hindi nya sinasagot yung mga tawag ko, kasama mo ba sya future?" Ako.

[Uhm.. o-oo huwag kang mag-aalala ayos lang sya Siguro na lowbat lang hayaan mo sasabihin ko sa kanya na tumawag ka.]

"Yieeee talaga future? Sige thank you! Hehe"

[Uh sige NYAHAHHAHAHAHAHAHA yun lang ba future?] Oh my god? Hinihintay nya ba na sagutin ko na sya? Pero hindi pa sya nanliligaw e.

"Uhm wala na future hehe good night!" Paalam ko baka kase yayain nya na akong magpakasal, e hindi ko pa sya napapakilala kala mama at papa.

[Uh sige bye FUTURE NYAHAHHAHAHAHA] Waahhh! Pagkasabi nya nun ay nawala na ang linya.

KYAAAAAAHHHH!

Kinikilig ako!!

Paano kung pag-nagkita kami yayain nya na 'kong magpakasal? Tapos pag hindi ako pumayag pilitin nya 'kong magtanan? Oh my gosh! Paano naman ang kinabukasan ng mga magiging anak namin nun pag nagkataon.

Hays! Ang hirap maging cute.

Napatingin ako sa aso naming si bogart na masayang ningangatngat ang sapatos ni kuya. Buti pa si bogart aso lang walang pinoproblemang lovelife.

Tumayo ako at nilapitan sya.

"Hi bogart! Sa tingin mo papayag sila mama at papa kapag niyaya akong magpakasal ni luhan?" Tanong ko kay bogart.















Bogart's Point of View.

Payapa 'kong ningangatngat ang sapatos ni yohan nang bigla akong lapitan ni yessie.

"Hi bogart! Sa tingin mo papayag sila mama at papa kapag niyaya akong magpakasal ni luhan?"

"Arf! Arf! Arf!"

[Trans: lumayo ka sakin]

"Talaga? Oh my god! Sabagay malapit narin naman kaming grumaduate ni ate e! Ska mababait sila mama at papa for sure matatanggap nila si luhan."

"Arf! Arf! Arf! Arf!"

[Trans: masyado kang feelingera!]

"Omg, bogart! Parehas ata tayo ng iniisip feel ko rin e! Na sinadya ni luhan na talsikan ako ng putik para alam mo na magkatagpo kami hehe"

"Arf! Arf! Arf! Arf!"

[Trans: lumayo ka nga sakin!]

Kung tao lang ako kanina ko pa 'to binatukan.












---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now