12

1.3K 39 0
                                    


Yuna's Point Of View.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakauwi na ako sa bahay namin, nandito na ako sa labas ng gate.

Pumasok na ako sa loob at naabutan ko silang nag aagahan.

"Good morning!" Masayang bati ko sakanila kaya na baling naman ang atensyon nila sakin.

"Yuna anak, nandiyan ka na pala halika sumabay ka na samin mag agahan." Si Mama.

"Good morning ate" Si Yesi kaya nginitian ko naman siya.

"Diba sabi ko wag ka ng bumalik" Pangaasar ni kuya.

Tsk, aga aga lakas mang asar.

Inirapan ko lang siya at umupo na.

"Kamusta naman ang overnight mo sa dorm ni Paisley" Tanong ni Papa kaya natigilan naman ako saglit.

Hindi ko ugaling mag sinungaling sakanila noe, kaya na gui-guilty rin ako.

"Okay naman po, ang saya nga po namin eh" Pag sisinungaling ko.

Alangan naman sabihin ko ang totoo na don ako natulog sa mansion ni Austingot at limang lalaki pa sila na kasama ako ni ako lang ang nag iisang babae.

"Sana all, sa susunod sama ako ate a." Si Yessi kaya ngumiti naman ako at tinanguan siya.

"Oo naman."

Nga pala, may ipapaalam nga pala ulit ako kila Mama at Papa. Naisip ko to ka gabi dahil hindi nga ako nakatulog kakaisip don sa pag halik sakin ng bwisit na Austingot na yon.

Another kasinungalingan na naman ito, pero no choice naman ako.

"Nga pala, Ma, Pa" Saad ko kaya napatingin naman sila sakin ng 'Ano yon' look.

"Aalis nga pala ako uli mamaya, kasama si Paisley. Naisip ko lang kasi na maganda siguro kung mag part time job ako, kaya mag hahanap ako ng mapapasukan" Saad ko, nagulat naman sila sa sinabi ko. Tamad kasi ako haha.

Pero palusot ko lang yon noe, para hindi ko na kailangan problemahin ang ipapalusot ko tuwing nandon ako sa mansion ni Austingot as slave.

Ang sama ko na bang anak huhu? No choice eh.

"Ate may sakit ka ba?" Pang aasar ni Yessi at dinikit pa ang kamay niya sa noo ko.

"Huh? Wala no." Ako kaya napatawa naman siya.

"Na untog ata ulo habang natutulog don sa dorm ni Paisley" Pangaasar ni kuya. Tsk, bwisit talaga to.

"Epal." Saad ko at inirapan siya.

"Sure ka ba anak? Ayos lang naman sakin basta hindi ka namin pinipilit mag trabaho a." Si Mama.

"Opo naman Ma." Saad ko.

"Basta pag hindi mo kaya nak, wag mong pilitin." Si Papa.

"Opo, Pa." Nakangiting saad ko.

Ackkk, na gui-guilty tuloy ako ang care nila sakin hindi naman talaga ako mag pa-part time job huhu.

Pag ka tapos naming mag agahan ay naligo na ako.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko.

Na text ko na si Paisley about don sa kunyare aalis kami para mag hanap ako ng part time job pero ang mangyayari ay gagala lang naman talaga kami sa mall.

Sabi ko kay Paisley ay puntahan niya na lang ako dito sa bahay pag aalis na kami. Kaya humiga muna ako sa kama ko habang wala pa siya.

Napahikab naman ako pag higa ko. Wala pa pala akong tulog noh?

"Idlip muna kaya ako." Saad ko sa kawalan at tuluyan ng nilamon ng antok dahil wala pa talaga akong tulog.

20 MINUTES LATER..

"Aray! Anak ng---" Napabalikwas ako ng bangon ng biglang mag ring ang phone ko at hindi ko namalayan na na sa gilid na pala ako ng kama gawa siguro ng kalikutan ko matulog kaya nahulog ako sa kama.

"Footecc, sino ba to?! Sarap sarap ng tulog ko eh!" Reklamo ko sa kawalan at kinuha ang cellphone ko.

Unknown number pero sinagot ko na.

[Didn't I tell you to call me when you get home?] Seryoso at malamig na saad mula sa kabilang linya pag ka sagot na pag ka sagot ko ng tawag.

Nung una naguluhan ako pero agad ko ring napag tantong si Austingot pala to.

"Ay oo nga pala, sorry sir. Nakalimutan ko." Nag kakamot batok na saad ko.

[Tsk, you making me worried.] Saad niya.

"Sorry po talaga sir." Saad ko. Tsk, bakit ba kailangan niya pang malaman kung nakauwi na ako o hindi? Diba dapat wala naman siyang pake don.

[Sorry isn't enough. You should be punish Yuna, get ready.] Seryosong saad niya at pinatay na ang tawag, bigla naman akong kinabahan.

Punish? Wahhh. Baka ipakain niya ako don sa mga alaga niyang ahas at leon.

Natigilan naman ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Yuna?" Si Paisley, nandito na siya.

Agad naman akong nag tungo ng pintuan at pinagbuksan siya.







Paisley's Point of View.

Nandito ako ngayon sa labas ng gate ng bahay nila Yuna, aalis kasi kami. Nag text kasi siya sakin about don sa alam niyo na, na explain niya naman na siguro yon sainyo hshs.

Mag dodoorbell na sana ako ng biglang bumukas ang gate at niluwa non si Yesi.

"Oh ate Paisley, kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya.

"Ah hindi kararating ko lang." Sagot ko.

"Ah, si ate Yuna ba hanap mo? Pasok ka lang nandon si kuya sa sala sila Mama at papa pumasok na eh. Pasok ka na lang ate Paisley ah aalis na ako eh" Lintaya niya.

"Sige, salamat. Ingat ka" Nakangiting saad ko kaya ngumiti naman siya at tumango tsaka umalis kaya pumasok na ako.

Sinara ko muna ang gate bago tuluyang pumasok.











---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now