21

1.1K 27 0
                                    

Tumango lang si Paris at isa-isang tumingin sa mga tauhan namin.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Paano nalaman ng mga bata ni Trevor ang hideout natin dito sa bulacan." Sabi nya na matalim na nakatingin sa mga tauhan namin.

"Kilala natin si trevor, marami rin syang koneksyon--" biglang pinutol ni Paris ang sinasabi ni luhan.

"Bago lang ang hideout natin nato. Tsk!" Ngumisi si Paris at naglakad palapit sa isa naming tauhan na si Mike.. nakasunod naman kami ni luhan.

"Sa tingin mo? Paano kaya agad nalaman ni Trevor ang hideout natin?" Nakangising tanong ni paris sa tauhan namin na si Mike.

Nakayuko lang ito at halatang takot na takot. Kakaiba ang asta nya ngayon.

"SAGOT!" Umalingawngaw sa buong gusali ang malakas na sigaw ni Paris. Gigil na gigil na sya ngayon.

"H-Hindi k-ko p-po a-alam--"

"PARIS!" Awat ni luhan kay Paris nang biglang itutok ni Paris ang baril sa ulo ni Mike.

Pero hindi nagpatinag si Paris. " ilang araw na kitang minamatyagan. Kakaiba ang mga kinikilos mo.. ngayon sabihin mo sakin .. BATA KABA NI TREVOR?!" Si Paris.

Takot na takot si Mike ngayon.. pawis na pawis at hindi alam ang gagawin..

"PARIS! ENOUGH! " awat uli ni luhan.

Agad na bumagsak si Mike sa sahig matapos syang barilin ni Paris sa tuhod.

"HINDI KA SASAGOT HUH?!" Sigaw ni paris.

"Oo! Hahaha! Bata nga ako ni trevor. At alam na nila ang iba nyong transakyon. Malapit na kayong bumagsak--"

"Shit!" Daing ni Mike nang sa kabilang tuhod naman sya barilin ni Paris. Wow! Totoo nga bata sya ni Trevor.

"Aamin karin pala gusto mo pang masaktan. Tsk!" Nakangisi kong sabi kay Mike.

"HUH, UNBELIEVABLE HINDI AKO MAKAPANIWALANG MAY NAKAPASOK NA ANAY HA HA HA HA!.. " Si Paris at itinutok ang baril sa ulo ni Mike.

But this time ako na ang umawat sa kanya.

"Wag muna ngayon Paris, kailangan pa natin sya. Hayaan mong si boss ang makaharap nyan." Sabi ko kay paris. Ngumisi naman sya at malakas na sinipa si Mike.

"Kayo! Dalhin nyo yan sa kotse ko ngayon na!" Utos ko kala Kevin na agad naman nilang sinunod, dadalhin namin ang anay na yan sa main hideout.










Yuna's Point of View.

"Bye yuna! See you later!" Paalam ni naomi at nag beso pa kami bago sya tuluyang umalis.

"Yieeee, ang bait talaga nya no? Kaya mahal na mahal sya ni blair e. Imagine, sya pa ang nagprisintang mag-make up sayo." Si Paisley. Palabas na kami ngayon ng cafeteria.

"Kaya nga e. Excited na ko sa first rehearsal!" Sabi ni prof. Lim ay next week na daw ang first rehearsal ng mga candidate. Hindi nako makapaghintay.

"Same. Wait-- si yohan yun diba?" Napatingin ako sa direksyon na tinitignan ni Paisley at nakita ko ngang si kuya yohan ang nagpark ng motor nya sa parking lot.

Bakit ngayon lang sya pumasok?

"Kuya!" Tawag ko sa kanya at patakbo kaming lumapit sa kanya ni Paisley. Pawis na Pawis si kuya ngayon. Anong nangyari sa kanya?

Gulat syang napatingin sa amin. Napabaling ako sa kaliwang braso nya na ngayon ay may bandage.

"Kuya anong nangyari dyan sa braso mo?" Hahawakan ko sana kaso mabilis nya itong iniwas.

"Wala 'to. Sige una nako." Sagot nya at mabilis na umalis sa harapan namin ni paisley.

Nagkatinginan lang kaming dalawa.

"Anong nangyare sa kuya mo?" Tanong ni Paisley sakin. Napailing lang ako dahil magkasama nga kami diba paano ko malalaman- _ -








Nygel's Point of View.

Pagkatapos kong ihatid si rea sa airport ay dumiretso na agad ako sa De Villa Wine Corporation. Ang kompanya ni boss austin.

Isa palang 'to sa kompanya ni boss. Marami pang branch ito na nagkalat sa buong mundo. Ganyan kayaman si boss. Hindi madali ang pagiging mafia lord dahil dapat ay multi-billioner ka. Dapat marami kang koneksyon at maimpluwensya kang tao.

Saktong pagbaba ko ng kotse ay pagpasok naman ni boss sa main entrance ng kompanya.

Inilapit ko ang relo ko malapit sa bibig ko "Boss nasa likod mo 'ko." Ang relong 'to ay konektado sa maliit na device na nakakabit sa tenga ni boss austin. Kaya kahit malayo kami sa isa't-isa ay naririnig nya ang sinasabi ko.

Lahat kami ay may ganito.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng kompanya. Dito sya madalas magpunta kapag wala kaming transaksyon.

''Good morning po boss''

''Good morning ho boss''

''Have a good day po boss''

Bati ng mga employees namin at yumuyuko pa habang dinadaanan namin sila.

Hanggang dito sa kompanya ay 'boss' ang tawag sa kanya. Hindi sila pinansin ni boss austin, ano pa nga ba? Sa 11 years na pagiging CEO dito ni boss ay never syang nakipag interact sa mga employees except sa board members.

Mabilis lang akong tinignan ni boss at pumasok na sa conference room. May meeting yan sa board members ngayon e. Ako naman ay dumiretso na sa office nya. Hindi naman nya 'ko kailangan dun Kaya dito nalang muna ako.

Hindi pa ako nakakaupo ay tumunog na ang cellphone ko.

"Oh?" Bungad ko.

[Wala na si phoenix] Rinig kong sagot ni luhan.

"Patay na sya? Anong nangyare?" Gulat kong tanong. Si phoenix ay kapatid ni Paris.

[Ska ko na ikukwento ang tungkol sa kanya. May mas mahalaga akong sasabihin .. nilusob ang hideout sa bulacan at nadiskubre na namin kung sino ang anay] Seryosong sabi ni luhan.

"Sige" sagot ko at ibinaba na. Tsk. Sana naman mabilis na matapos ang meeting ni boss.






Austin's Point Of View.

In just 5 minutes the board meeting is done.

when I came out of the conference room I took my phone on my pocket.

I started dialing yuna's number but I stopped ..

Shall I call her? What if she still mad at me after what happened last day?

I damn miss her.

I put my phone back in my pocket and walked to my office, as soon as I entered, nygel approached me immediately.

"Boss, si phoenix wala na."














Nygel's Point Of View.

Pagkapasok na pagkapasok palang ni boss ay sinalubong ko na agad sya.

"Boss, si phoenix wala na." Sabi ko kay boss.

"How's Paris?" Tanong ni boss.

"Hindi ko alam boss, pero bukod pa dun, nilusob ng SK ang hideout natin sa bulacan at nahuli narin nila luhan ang anay sa TDA." Paliwanag ko kay boss.

(A/N: SK means 'Satan's Killers', yan ang tawag sa mafia organization nila Trevor. TDA means 'The Deadly Assasins', yan naman ang tawag sa mafia organization nila austin.)

Tumango lang si boss at lumabas na ng office, nakasunod naman agad ako. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial si luhan.

"Papunta na kami ni boss." Sabi ko at ibinaba na agad ang linya.











---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now