17

1.3K 36 0
                                    

Magkaibigan kami. Kilala rin sya nila yuna at yessie. Nagpunta kase sya ng Europe para mag-aral humawak ng baril at makipaglaban. Kaya habang wala sya ay ako ang nagpapatakbo sa organization namin.

"Kinausap kana ba ni boss Trevor?" Ibinuga ko muna ang usok ng sigarilyo ko bago ako sumagot.

"Tungkol sa pagpatay kay austin de villa?" Ako.

"He changed tha plan." Napabaling ako sa kanya.

Kung hindi nyo magets, ipapaliwanag ko ha.

Si trevor-- boss Trevor ang pinaka mataas sa amin sya ang pinuno. Wala sya dito sa pilipinas dahil nagtatago sya kay Austin De Villa.

Si Austin De Villa ang mortal naming kaaway. Matagal na syang gusto naming pabagsakin pero napakalakas nyang tao. Napakayaman at maimpluwensya. Aaminin ko na hindi namin sya kayang talunin.

"Ano ng plano?" Tanong ko.

"Hindi natin sya mapapatay ng ganon kadali. Iisa-isahin natin ang kahinaan nya. May babae syang kasama ngayon bukod kay astrid." Sya.

"Babae? Ano namang gagawin natin sa babaeng yun?" Tumingin sya sakin ng diretso.

"Sabi ni Holland ay madalas magpunta ang babae na 'yon sa bahay ni austin... mukhang .. tumitibok ang puso ni austin sa babaeng 'yon.." Nakangisi nyang kwento.

Huh, gets.

"Kailan natin papatayin ang babae?" Tanong ko at inilagay na sa ash tray ang sigarilyo.

"Hinay-hinay lang muna yohan haha. minamanmanan pa ng mga tauhan natin. Baka nagkakamali tayo at sa huli ay tayo pa ang maagrabyado. Kung sakali mang mahal na ni austin ang babaeng 'yon.. tumpak! Mahahawakan na natin sa leeg si austin gamit ang babaeng 'yon." Si autumn at sabay kaming napangisi.

Kung magkataon..

Malapit ka ng mamatay si austin.











Yessie's Point of View.

Goodmorning everybody!!

Maaga akong bumangon para gawin ang morning rituals ko hihi. 1 hour shower. 30 min. Make up.

Sinuot ko ang maganda kong uniform. Pinlantsa ko pa to ng bonggang-bongga dahil special ang araw na 'to. Ngayon kase pupunta yung right hand nung owner ng school namin. First time ko syang makikilala ngayon. Omg! Balita ko gwapo daw yun. Once a month lang yun pumunta sa school namin. Pero lagi kong hindi naabutan.

Luhan.

Yan ang name nya, Luhan Madrigal.

Odiba, kilalang- kilala ko hihihi ofcurse. Sinearch ko 'yun sa google eh. Hindi ko nga lang alam ng itsura nya pano ba naman kase wala syang picture sa google. Sikat sya bilang mataas na tao pero wala syang picture. Duh. Paano kaya sya naging sikat noh? Ah basta ang mahalaga magkikita na kami ngayon.

Bumaba na ako ng sala. Nakita ko agad si kuya, wala sila mama at papa nasa business trip. Nakakainis nga e. Kase si kuya nanaman ang magf-feeling parents samin ni ate napaka strict kaya nyan ni kuya daig pa nila mama at papa.

"Ano yan?" Nakasimangot na bungad sakin ni kuya yohan sa kusina habang nagkakape. Ang sama ng tingin nya sakin.

"Ang ganda ko ba kuya?" Nakangiti kong sabi sa kanya at umikot pa para makita nya ang kagandahan at kasexy-han ko, omygas.

"Mukha kang payaso, tanga!" Sabi nya sakin, ang sama.

Well, ganyan naman talaga 'yan e. Ang sama ng ugali. Pero kapag nalaman nya na nadisgrasya kami ni ate or may nangyaring masama samin daig nya pa sila mama at papa kung mag-alala ayaw nga nya na inaaway kami ni ate e or may mangbully samin or mangbastos. Pero pagdating dito sa bahay sya naman nangbubully samin ni ate, mapang-asar yan e.

"Naiinggit kaba sa make up ko kuya? Yieeeeeee, gusto mo make up-an din kita?" Ibinaba ko ang bag ko at kinuha ang make up kit ko.

"Hoy! Tigilan mo ko yessie ha, burahin mo yang make up na yan sa mukha mo kung ayaw mong ako magbura nyan." Banta ni kuya. Luh? Siguro naiinggit talaga sya sa make up ko. Hindi kaya... bakla si kuya?

"Hoy! Anong iniisip mo dyan? Na bakla ako? Na naiinggit ako sa make up mo?" Omg! Paano nya nalaman? Binabasa nya ba ang isip ko? Manghuhula na ba si kuya ngayon?

"Kuya ... anak ka ba sa labas? Ampon ka lang ba nila mama at papa? Galing kaba sa isang gubat tas nakita ka nila mama tas kinuha ka nila at dinala dito sa bahay, pero hindi nila alam na anak ka pala ng isang mangkukulam tapos--ARAY!! KUYA?!" Ang sakit bigla nya 'kong binatukan huhu. Hobby nila yan ni ate yuna.

"Tanggalin mo yang make up mo! Bago kita gilitan ng leeg dyan." Sabi ni kuya sakin habang hawak ang tinidor. Pero diba mas madali nya akong magigilitan ng leeg kapag kutsilyo ang gamit nya? Mahihirapan sya kapag tinidor. Mabilis akong kumuha ng kutsilyo at ibinigay ito kay kuya. Napakunot noo naman sya.

"Oh ayan kuya, para mas madali mo 'kong magilitan ng leeg kase kung tinidor ang gagamitin-- ARAY!! HUHU NAKAKASAKIT KANA!" Grabe ang lakas ng batok nya sakin.

"Sira! Kung saan-saan nanaman nakakarating yang imagination mo. Tanggalin mo na yang make up mo." Galit na talaga si kuya. Tsk, epal. Padabog akong bumalik sa kwarto ko at tinanggal ng kunti yung make up ko. Slight nalang tuloy yung lipstick ko huhu.

Pagkalabas ko ng kwarto ay lumabas narin si ate yuna.

"Good morning!!" Bati nya sakin, binati ko rin si ate at niyakap sya.

Sabay na kaming bumaba at pumunta sa kusina. Nandun parin si kuya, hmp.

"Ate, una na 'ko ha. May project pa kase kaming tatapusin ni kloe e." Nakangiti kong paalam kay ate. Hindi ako tumitingin kay kuya.

"Project, project. Tsk. Pag nalaman kong nagditch ka nanamang ng class, humanda ka talaga sakin." Rinig kong sabi ni kuya, nyenyenye. Nagkiss na ko kay ate sa pisngi at lumabas na ng bahay.






Milestone University.

"PRENYYYYYYYY!!" Tawag namin sa isa't-isa ng bestfriend kong si kloe. Nagyakapan kami.

"Oh my gosh! I'm so excited na talaga! Ano kayang itsura nya no?" Abot tengang ngiti ni kloe at ipinulupot pa ang braso namin sa isa't-isa.

She's my korean friend, Kloe Min.

Sobrang ganda nya, matalino, mabait, katulad ko maingay din, at sobrang friendly.

Sya lang ang nag-iisang kaibigan ko dito sa University. Uso na kase ngayon ang mga fake friend, yung tipong gagamitin ka lang ganon, back stabber.

"Hindi ko pa sya nakikita pero kinikilig na ko!! Paano nalang kung nakita natin sya no?" Ako. Papunta kami ngayon sa tambayan namin, sa corridor. Maaga pa e.

Ang pinag-uusapan namin guys, ay yung right hand nga ng owner ng school. Diba nga kinwento ko na kanina, Si Luhan Madrigal.

Nandito na kami ngayon sa corridor. Mataas ito at kita ang gate kung saan dumadaan ang mga sasakyan.

Nagkwentuhan pa kami ni kloe ng kung ano-ano habang hinihintay yung kotse ni luhan na pumasok sa main gate.

1 hour na kami dito hihihi.

Yes, tama kayo guys. Nag-ditch kami ng class. Actually araw-araw kaming nagc-cut ng class ni kloe hobby nanamin yun. Pero wag nyong sasabihin kala kuya at ate ha. Hindi na tayo bati kapag sinumbong nyo 'ko.

"Girl, ininvite ka rin ba ni Sabrina sa birthday party nya?" Si kloe habang nagaapply ng lip tint.

"Oo, pupunta ka?" Sagot ko na nakatuon ng atensyon sa gate. Ang tagal naman ni luhan.

"I don't know. Syempre kung pupunta ka pupunta rin ako!!" Si kloe.

"Ayoko e. Gala nalang tayo, wala naman kase tayong close dun kapag nagpunta tayo." Sagot ko.

"Sige-sige!! Gala nalang tayo!!" Si kloe.

"Alam mo yung-OH MOY GOD KLOE!!" Hindi ko maiwasan mapatili nang makitang may kakaibang sasakyan ang pumasok sa gate. Agad kaming napatayo ni kloe at patakbong bumaba ng corridor.











---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon