31

893 28 0
                                    

Na sa doseng paper bags na ang hawak niya pero wala parin ata siyang balak na pag bitbitin man lang ako kahit isang paper bag.

"Tulungan na kita Astrid" Hindi ko na napigilan at ako na mismo ang kumuha sakanyang kamay ng limang paper bags.

"Haha sige na nga, thanks" Siya.

'thanks'? Hindi niya naman kailangan sabihin yon dahil slave ako ng asawa niya. Ang weird talaga o ako ang weird iniisip ko kasi na maldita at masungit siya kaya ito hindi ako makapaniwalang mabait pala siya.

"Yuna, ikaw naman ang mamili" Saad niya.

"Ay hindi ako bibili" Saad ko.

"Sige na, pumili ka lang ng gusto mo. Ako ang mag babayad" Saad niya na ikinagulat ko. Ililibre niya ako?

"Nako, haha. Nakakahiya, salamat nalang pero wag---" Hindi niya na ako pinatapos mag salita at hinila na sa mga bilihan ng mamahaling gamit like, damit, sunglasses at kung ano ano pa.

"Astrid okay lang talaga promise, wag na. Tsaka ang mamahal dito, pang divisoria lang naman ako, okay na" Saad ko kaya bahagya siyang natawa.

"Sige na, please. Wait pilian kita" Siya at namili ng mga dress.

"Ito! Ang ganda! Bagay na bagay sayo to! For sure" Masayang saad niya at nilahad ang dress na naka hanger.

Maganda nga ito, kulay puti at may design na mga pula. At may pa unting v-cut ito sa bandang leeg at tingin ko hanggang tuhod ang laylayan nito.

"Sukatin mo dali!" Siya at inabot sakin ang dress. Hindi na ako tumanggi at kinuha na ito at sinukat na sa fitting room.

Matapos ko itong isuot ay lumabas na ako ng fitting room at bumungad sakin si Astrid na nag aabang.

"OMG! You're so pretty! Wag ka ng mag palit, babayaran ko na yan" Saad niya.

Bigla niya naman akong hinila sa bilihan ng mga sunglasses.

"Try this one" Saad niya at inabot sakin ang color pink na sun glasses. Inabot ko naman ito at gaya ng sabi niya ay sinuot ko naman.

"Perfect!" Masayang saad niya.

Nagulat naman ako ng bigla niyang inayos ang pwesto ko na tila pipicture-an niya ako. At hindi nga ako nag kamali! Nilabas niya ang iPhone niyang phone.

"Hawakan mo nga yung sunglasses Yuna and i-kindat mo yung isa mong mata" Saad niya. Ginawa ko na lang ang sinabi niya at agad niya naman akong pinicture-an.

"What is your fb name?" Tanong niya habang sa phone niya ang tuon.

"Yuna Elite Finlay" Sagot ko.

"What a beautiful name" Sabi niya habanb sa phone parin ang tuon.

"Salamat" Nahihiyang saad ko.

"Na send ko na sa messenger, i-profile mo ah" Nakangiting saad niya kaya tumango naman ako.

Tapos na kaming mamili ni Astrid. Parang kinain ko tuloy yung mga sinabi ko sakanya kanina, napaka judge mental ko. Sobrang bait niya pala.

"Astrid---" Akmang haharap ako dahil na sa likuran ko siya ng biglang may kung anong humampas sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay....

















Astrid's Point of View.

"Astrid--" bago pa makaharap si yuna ay agad ko na syang hinampas sa batok sapat na para mawalan sya ng malay. Mabilis ko syang nasalo at dahan-dahang pinasok sa fitting room at nilock.

I'm sorry yuna but I need to do this.












Yuna's Point of View.

Nakabalik na kami ni Astrid dito sa mansion. Nagising na lang ako kanina sa loob ng kotse ni Astrid bumabiyahe na kami pauwi, sabi niya bigla raw akong nawalan ng malay kanina sa loob ng mall.

"Yuna!" Parang nag aalalang tawag sakin ni Austin ng makita ako pag kapasok na pag kapasok namin ni Astrid.

Napatayo pa siya mula sa pag kakaupo sa couch at agad na lumapit sakin.

Nag taka naman ako sa inasta niya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.

"I'm so glad you're okay" Saad niya habang nakayakap sakin.

Ano bang ginagawa niya? Na sa gilid namin si Astrid, ang asawa niya.

"S-sir Austin...?" Saad ko at pilit kinakalas ang pag kayakap niya pero sobrang higpit nito.

Napapikit na lang ako ng mariin. Damn! Siguro pinapatay na ako ni Astrid ng tingin sa likod.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng kumalas na siya sa yakap.

"Are you sure you're okay okay? May masakit ba sayo? Please, Yuna. Say it" Seryosong saad niya at hinawakan pa ang kamay ko.

"A-ayos lang talaga ako" Saad ko at kinuha ang kamay ko na hawak niya.

Bakit ba ganyan siya kung umasta.

"M-mag luluto na ako ng tanghalian, excuse me" Paalam ko at nag tungo na ng kusina hindi ko na nilingon pa si Astrid dahil paniguradong masama lang ang tingin nito sakin.

Tsk, panirang Austingot! Wala na baka mag katotoo na yung first expression ko kay Astrid. Baka mag maldita at mag sungit na talaga siya sakin.















Astrid's Point of View.

"M-mag luluto na ako ng tanghalian" Si Yuna at nag tungo na ng kusina.

Ni hindi man lang ako nilingon, iniisip niya sigurong nagagalit ako sakanya haha.

Umupo na sa couch si Austin kaya sumunod naman ako sakanya at umupo rin.

"Are you okay?" Tanong niya na hindi tumitingin sakin.

"Don't worry about me, I'm fine" Sagot ko.

"Thank you for taking care of her" Austin.

"Wala yon, ang gaan rin ng pakiramdam ko sakanya eh" Nakangiting saad ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko.














Yuna's Point of View.

Nandito parin ako sa kusina nag luluto ng tanghalian namin, patapos narin ito. Adobo ang niluto ko.

Naramdaman ko naman na may papunta dito sa kusina dahil tiles ang sahig kaya rinig na rinig ang suot niyang tsinelas habang nag lalakad.

Hindi ko ito binalingan ng tingin pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na si Astrid ito, kumukuha ng tubig sa ref.

Naramdaman kong umupo siya sa upuan sa dining area. Tapos ng maluto ang niluluto kong adobo.

Huminga muna ako ng malalim bago mapag pasyahang puntahan siya sa dining area.

Tumayo ako sa gilid niya.

"Astrid..." Kinakabahan kong tawag sakanya.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now