41

877 23 0
                                    

Hindi nya suot ang earpiece! Kaya naman pala. Tanga!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha na ang baril ko at lumabas na ng kotse para puntahan si luhan..

Pero..

Bago pa ko makalapit sa kanya ay..

Isang napakalas na pagsabog ang narinig naming lahat.












Yuna's Point of View.

"WAAAH!" Sigaw ko nang makarinig ako ng Sunod-sunod na pagsabog mula sa gusaling pinaglabasan namin ni astrid.

"Make it fast, yuna!" Sigaw naman ni astrid habang hila-hila ako, kasabay ng pagtakbo namin ay ang palakas na palakas ng kaba ko. Bawat madaanan namin ay may mga nakakasalubong kaming mga lalaki.

"Yuna! Yuko!" Sigaw nya na agad ko namang sinunod.

*Bomb Exploded

*Gunshots

Dahan-dahan akong napaangat ng ulo at ganon nalang ang gulat ko nang makitang nakabulagta na ang halos sampung lalaki at wala ng buhay.

Pinatay yun lahat ni astrid?

Lumingon sya sakin at ibang-iba sa awra nya kanina.. sobrang sama ng tingin nya sa direksyon ko.

Bahagya akong napa-atras nang unti-unti syang lumapit at itutok ang baril nya sa akin..

Anong gagawin nya? Papatayin nya na ba 'ko? Matagal nya bang plano 'to? Sya ba ang nagpakidnap sakin dahil akala nya kabit ako ni austin?

Hindi ako makagalaw .. nanginginig ako..

Ang tatalim ng tingin nya sa akin ngayon..

Austin.. mahal kita. Mahal na mahal kita.

"Dapat ka nang mamatay!" Bakas sa boses nya ang galit. Ito ba ang totoong ugali ni astrid.

Dahan-dahan akong pumikit at hinihintay ang susunod na mangyayari hanggang sa..







Astrid's Point of View.

Nang maubos ko lahat ng lalaking humarang samin ni yuna ay agad ko syang nilingon at ganon nalang ang kabang naramdaman ko nang makita ko si nathalia habang nakatutok ang baril sa ulo ni yuna..

Nasa likod sya ni yuna kaya walang ka-alam alam si yuna na may nakatutok nang baril sa kanya ngayon.

Tinignan ko ng matatalim si yuna at unti-unting lumapit sa kanya habang nakatutok rin sa kanya ang baril ko.. Para maisip ni nathalia na gusto ko ring patayin si yuna.

"Dapat ka nang mamatay!" Madiin kong sabi habang nakatingin kay yuna nakita kong napapikit sya.. I'm sorry yuna kung iniisip mong ikaw ang babarilin ko. I will never do that to you.

Nang makita kong ibinaba ni nathalia ang baril nya agad ko syang binaril.

*Gunshots

"Shit! ASTRID?!" Gulat nyang sigaw sa akin. Nakasalampak na sya ngayon sa lupa.

"I'm sorry cous pero masyado ka nang nawiwili, kailangan mo nang mamatay!" Nakangi kong sabi sa kanya at itinutok ang baril sa mismong sintido nya, Akma sana syang gagalaw..

But before that..

*Gunshot

I shot her to death.

You may now rest in peace in hell, stupid.

Bumaling na 'ko agad kay yuna nang masigurado kong patay na si nathalia.

"Let's go!" Hinawakan ko sya sa braso at akma na sanang tatakbo nang tanggalin nya ang pagkakahawak ko sa kanya. Tinignan ko sya ng nagtatanong.

"Hindi ako sasama sayo! Nasaan si austin?!" Parang natatakot at naguguluhan nyang tanong sa akin.

'Nandun inuubos ang mga kumidnap sayo'
Yan sana ang gusto kong isagot sa kanya, pero huwag nalang muna dahil hindi rin naman nya maiintindihan sa ngayon.

"He's fine. Let's go!" Hila ko uli sa kanya pero bahagya nya akong tinulak. Aish yuna!

"Hindi nga ako sasama sayo! Gusto kong makita si austin!" Pagmamatigas nya.

Seryoso ko syang tinignan at labag sa loob kong itinutok ang baril sa kanya. Hindi ko gustong gawin 'to ang gusto ko lang ay matakot sya at sundin ako dahil kapag nagtagal pa kami dito ay lalo lang syang mapapahamak.

"Susunod ka sakin o susunod ka" Sabi ko sa kanya na may tonong pananakot. Hindi na sya nakapagsalita at pumiglas pa nang hilain ko uli sya.

Nang makarating na kami sa sasakyan ay agad ko syang pinasakay ako naman ay mabilis na sumakay sa driver seat at sinimulan nang magmaneho. Nasa likod ng ko naman si yuna na halatang gulong-gulo parin sa mga nangyayari.

Nilagay ko agad ang airpod sa tenga ko nang makita kong tumatawag si austin.

[Astrid! Tell me yuna is fine, right?] Bungad agad ni austin.

"Yes, she's with me na" sagot ko na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

[How is she?] Si austin. halatang alalang-alala kay yuna.

"She's fine. Papunta na kami ngayon sa hotel ni luhan" Sabi ko.

[Okay! Susunod agad ako. Thank you ast.]

"As always, austin." Pagkasabi ko nun ay nawala na ang linya.














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now