40

914 24 0
                                    


"Nathalia!" Tawag ko sa pinsan ko nang akma sana nyang bubuhusan si yuna. Damn it!

Gulat syang napatingin sa akin ganon din si yuna.

"Get out!" Utos ko sa apat na lalaking nandito.

Agad naman silang lumabas. Kami nalang tatlo ang nandito.

"A-Astrid.." Yung tawag sa akin ni yuna ay parang nagagalit at naguguluhan.

"What the hell are you doing here dear cous?" Nakangisi tanong ni nathalia sakin.

"Ako na ang bahala sa babae ng asawa ko, lumabas kana rin!" Utos ko sa kanya pero parang wala syang narinig.

"Huwag kang selfish cous--"

"Labas!" Seryoso kong ulit sa kanya.

"No! Paano kung--" Hindi na ko nakapag-pigil sa kakulitan nya kaya kagaya ng ginawa ko kay yuna sa mall ay mabilis ko syang hinampas sa batok.

Nang mapalampak na sya sa sahig ay agad kong tinanggal ang tali na nakagapos kay yuna.

"Let's go!" Hila ko sa kanya sa kabilang pinto kung saan may lihim na labasan.








Nicholas's Point of View.

"Nakalabas na sila boss!" Sabi ko kasabay nun ang Sunod-sunod na pagputok ng baril.

Nakita ko rin nagsilabasan na sila boss pati sila Nygel, Luhan at Paris sa mga sasakyan nila.

Tsk!

Napaka duya! Sila nakikipaglaban tapos ako nandito lang sa kotse. Ang gagawin ko lang kase ay ang maging mata nila ako ang magsasabi kung may kalaban ba na aataki sa kanila, sa pamamagitan ng earpiece na nakakabit sa amin ay maririnig nila ang sasabihin ko.










Luhan's Point of View.

Nang malaman naming nakalabas na si astrid at yuna ay Sunod-sunod na kaming nagsilabasan ng sasakyan. Halos 10 minutes din akong naboring kakahintay dito. Nakasunod kase kami kay astrid at ang plano, kapag nakalabas na sila astrid at yuna ay ska kami aatake.

Gamit ang favorite kong baril ay Sunod-sunod kong pinaputukan ang bawat makakasalubong naming kalaban, syempre sa mga balikat at paa lang ko lang sila pinapatamaan. Sapat para macommatose sila haha.

Hindi nga kase ako pumapatay, dahan-dahang pagpatay lang. Gwapo kase ako!

Si boss ang nangunguna sumunod si nygel at Paris. Si nicholas ayun nandun sa sasakyan. Kawawang nicholas hahaha!

"Bawal yan kapatid!" Sabi ko sa isang SK na tinutok ang baril sa direksyon ni Paris pero bago pa sya makalingon sa akin ay..

Bulagta.

Ang gwapo ko talaga.

Tumakbo ako papunta sa isang malaking pinto ito ata ang main door..










Paris's Point of View.

"Shit!" Mura ko nang biglang magpaputok si boss malapit sa akin.

Grabe talaga 'tong si boss austin walang pasintabi bawat makita nyang SK ay sinasalubong nya agad ng bala. Tsk tsk!

*Gunshots

Tsk, ang ingay hindi ako makapag-concentrate!

Red..

Green..

Blue..

Gotcha! Kinuha ko na ang baril ko matapos kong madefused ang bomba.

Pangatlong bomba na 'to.

"Hoy tubol! Saan pa may bomba?" Hinawakan ko ang earpiece na nakakabit sa tenga ko para marinig ko ang isasagot ni nicholas.

"Sa paa mo!" Rinig kong sagot ni nicho. Gagong 'to!

"Saan nga gago!"

"Sa ... kay luhan! Gago kay luhan! Dun sa malaking pintuan sa kanan! 3 minutes nalang yun sasabog na!"

Pagkarinig ko nun ay agad akong pumunta sa kinaroroonan ni luhan.

"Hoy tanga! May bomba dyan!" Sigaw ko pero hindi nya ko narinig dahil sa ingay ng putok ng baril at sa mga bombang sumasabog. Shet!

"LUHAN! LUHAN!" Rinig kong sigaw ni nicholas mula sa earpiece pero hindi talaga naririnig ni luhan.

Hindi ako agad makalapit sa kanya dahil ang daming sumusugod sa akin. Tsk!










Nygel's Point of View.

Sumisigaw sila Paris at nicholas mula sa earpiece pero hindi ko naman maintindihan dahil busy rin ako.

Tangina.

Ako lang ata ang nasa side na 'to. Nandito ako ngayon sa bandang likod, kanina pako nakikipagbarilan pero parang hindi sila nauubos.

*Gunshots

"BULLSHIT!" Sigaw ko nang madaplisan ng bala ang kaliwa kong tuhod.

"Tsk! Dapat pala sa kaliwang braso rin!" Rinig kong sabi ni...

Napangisi ako.

Sya ang nabaril ni nicholas sa kaliwang braso nang sumugod sila sa hideout namin sa bulacan.

Yohan Eulo Finlay ...

Ang kapatid ni yuna. Tsk! I wonder kong alam ni yuna 'to.

"Yun lang ba ang kaya mo?" Nakangisi kong tanong sa kanya.

"Tsk!" Sya at agad akong pinatamaan ng baril pero dahil gwapo ako ay agad ko yung naiwasan.







Nicholas's Point of View.

"Tsk! Ako dapat tatapos dyan sa yohan na yan e!" Sigaw ko dito sa loob ng kotse habang pinapanood sila nygel at yohan.

Napabaling naman ako sa camera na nakay luhan--GAGO!

20 seconds..

Nalang yung bomba dun! Bakit hindi parin umaalis yung gunggong na yun!

"HOY LUHAN GUSTO MO NA BANG MAMEET SI SATANAS?!" Halos pasigaw na ko pero parang..













---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now