57

836 21 0
                                    


THE NEXT DAY

Yessie's Point of View.

"Side step, right, left to my beat~"

"High like the moon, rock with me, baby~"

"Know that I got that heat~"

"Let me show you 'cause talk is cheap~"

"Side step, right, left to my beat~"

"Get it, let it roll~"

Kanta ko dito sa kusina habang nag luluto ng almusal, alas otso na ng umaga. Maaga kasi akong na gising, alas sais pa lang ng umaga na gising na ako.

Kaya ito naisipan kong ako na ang mag luto ng almusal namin nila ate at kuya tutal ako naman ang naunang na gising. Bait ko na ba? Hehe.

"Galing naman kumanta ng bunso namin"

"OMG? Sino yon? Ikaw ba yon Kawali? O baka ikaw yon plato? Ay hindi baka si sandok yon. Omegesh? Nag sasalita kayo?" Kausap ko sa kawali, plato at sandok kahit alam ko namang si kuya yon na malamang na sa likuran ko nakaupo sa dining table.

Hmp. Tampo ako sakanya. Nisisigawan niya ako, ala naman ako nigagawa.

"Yessie, sorry na bunso. Na bigla lang si kuya, wala kasi ako sa mood. Hindi na mauulit promise, sorry na. Pansinin mo na ako" Saad ni kuya sa likuran ko.

Parang gusto ko tuloy matawa, haha. Ganyan yan si kuya eh, seryoso at masungit makitungo samin pero pag nag tampo kami sakanya parang bata na hihingi ng tawad haha.

"Omegesh, ang galing! Nag sasalita nga kayo!" Kausap ko uli sa kawali, wala naman na sakin yon naiintindihan ko naman si kuya trip ko lang mag tampo hehe.

"Yessie naman eh, sorry na please. Pansinin mo na si kuya, hindi na mauulit yon, promise" Saad ni kuya.

Nilagay ko na sa plato ang niluto kong almusal at pumunta ng dining table.

"Hindi kita bati kuya, nisisigawan mo ko ala naman ako nigagawa" Naka pout na sabi ko at nag cross arm pa, haha.

Tumayo naman si kuya at lumapit sakin.

"Sorry na nga please, hindi na uulitin ni kuya yon" Saad niya at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya pa balik.

"HAHAHA it's a prank! Wala yon kuya, naiintindihan naman kita" Saad ko.

"Thank you bunso, sorry. Promise, hindi na uulitin ni kuya yon" Saad ni kuya.

"Almusal na tayo kuya" Aya ko sakanya kaya kumalas na kami sa yakapan.

"Wow, ang sarap naman nito" Si kuya habang nakatingin sa mga niluto ko.

"Syempre, ako pa ba" Saad ko.

"Tulog pa ba si ate?" Tanong ko.

"Tulog mantika yon eh" Saad ni kuya kaya pareho kaming na tawa.

Akala mo kami hindi tulog mantika eh no.











Autumn's Point of View.

Unti unti kong minulat ang dalawa kong mata ng magising na ako, nag linga linga ako sa paligid at sa tingin ko ay na sa isang abandonadong silid ako.

Napatingin ako sa sarili ko at ngayon ko lang napagtanto na nakaupo ako sa isang upuan at naka gapos ang paa at kamay.

Inisip kong muli ang dahilan kong paano ako na punta dito.



Flashback..

Hininto ko na ang sasakyan ko at bumaba ng makarating na ako dito sa hideout, ibang hideout to. Ito yung pinaka una naming hideout, tatlo kasi ang hideout namin. Yung pangatlo naming hideout yon yung hindi alam ng TDA.

Lalakad na sana ako ngunit natigilan ako ng may maramdaman akong humampas sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay and EVERYTHING WENT BLACK...

End Of Flashback.

"Damn it!" Mura ko sa kawalan, hindi na ka tape ang bibig ko.

Paniguradong TDA ang na sa likod nito, sino pa ba? *smirk.

Bigla namang bumukas ang kinakalawang ng pinto at iniluwa nito ang dalawang lalaki na tauhan ni Austin.

*Smirk. Hindi nga ako nag kamali, TDA ang may ka gagawan nito.

Nicholas...Paris

Huminto sila sa harap ko pero na sa 3 meters ang layo nila sakin, sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Tignan mo nga naman, kung tutuusin pwedeng pwede ka na naming patayin dito ng walang ka hirap hirap" Mayabang na saad nitong Nicholas.

Tinignan ko lang sila ng masama.

"Don't worry, hindi ka namin sasaktan. May gusto lang kaming sabihin sayo" Seryosong saad naman nitong Paris kaya na patawa ako.

"Sino bang nag sabi sayong natatakot ako?" Nakangising saad ko.

"Mag sabi ka ng totoo. Alam mo bang kapatid mo si Austin De Villa? Alam naming alam mo dahil imposibleng hindi, sa pangalan niyo pa lang mag hihinala ka na" Seryosong saad nitong Nicholas kaya natigilan naman ako pero kinalaunan ay natawa rin.

"Si Austin De Villa kapatid ko? HAHAHA. May sira pala utak ng mga tauhan ni De Villa" Natatawang saad ko.

"We're serious" Seryosong saad nitong Paris.

"Hindi ko alam ang pinag sasabi niyo, may sira na ata yang mga utak niyo. Hindi ko kapatid ang De Villa na yan. Patayin niyo na lang ako tutal yon naman ang gagawin niyo pag tapos nito, kaysa marinig ko pa ang ka gaguhan na pinag sasabi niyo" Saad ko.

"Ikaw na ata ang nababaliw Aaron Kirk De Villa" Seryosong saad nitong Nicholas kaya natigilan naman ako.

Aaron Kirk De Villa? Bakit niya ako tinatawag na ganyan?

"Anong klaseng brainwash ba ang ginawa sayo ng Trevor na yan at maging pati kapatid at magulang mo ay baliwala na lang sayo" Seryoso saad naman nitong Paris. Nag init naman ang ulo ko sa sinabi niya. Kung makapag salita sila parang alam nila ang lahat lahat sa akin, hindi nila alam. Wala silang alam tungkol kay Trevor at sa magulang ko.

"Wala kayong alam! Hindi ko alam kung bakit niyo dinadamay ang mga magulang ko dito pero wala akong pakialam sakanila, wala silang kwenta!" Inis na saad ko. Para naman silang na gulat sa sinabi ko.

"At hindi ko alam kung sino yang Aaron Kirk De Villa na yan kaya wag niyo kong matawag tawag sa pangalan na yan, Autumn Lay lang ang pangalan ko!" Dugtong ko pa.

Lumapit naman si Nicholas sakin at lumuhod para mag pantay kami.

"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo Aaron? Ano bang ginawa sayo ng Trevor na yan at mas kinakampihan mo pa yan kaysa sa mga magulang mo. Sila tita Ariela at tito Anthony na walang ibang ginawa kundi hanapin ka matapos kang mawala noong limang taong gulang ka pa lang. 7 years ka nilang hinanap pero na tigil yon matapos nilang mamatay, matapos silang patayin ni Trevor. Ang taong pinag sisilbihan mo at kinakampihan mo kaysa sa mga ka dugo mo. Pinag sisilbihan at kinakampihan mo ang taong siyang pumatay sa mga magulang mo. Si Austin De Villa, ang kapatid mo. 2 years old siya noong mawala ka. 9 years old siya nung masaksihan niya mismo ang pag patay ni Trevor sa mga magulang niyo kaya ngayon gusto niyang mag higanti, gusto niyang patayin si Trevor. Imbis na tulungan mo ang kapatid mo isa ka pa sa gustong pumatay sakanya, doon ka kumakampi sa taong pumatay sa mga magulang mo" Lintaya nitong Nicholas na nag patigil sakin.

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng lalaking to, wala akong maintindihan. Mukhang makatotohanan pero hindi ako dapat basta basta maniwala, kalaban sila kaya paniguradong nililinlang lang nila ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi Aaron Kirk ang pangalan ko, Autumn Lay. Yan ang pangalan ko. At hindi ako na wala, wala na akong mga magulang. 5 years old ako ng ampunin ako ni Trevor galing akong ampunan. Siya ang nag palaki sakin kaya malaki ang utang na loob ko sakanya kaya pinag sisilbihan ko siya kaya, kaya malabo yang mga sinasabi niyo." Lintaya ko.

Lumapit naman 'tong Paris kay Nicholas.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now