38

923 32 0
                                    

Yuna's Point of View.

"1 day left."

Saad ko sa kawalan habang nakahiga dito sa kama ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil hindi ako pinapasok ni Austin pupunta raw kasi siyang kompanya kaya wala rin naman raw mag uutos sakin don sa mansion, at kung tatanungin niyo naman ang tungkol sa pasok ko sa school. May semi break kasi kami kaya 3 weeks walang pasok.

Last day ko na bukas bilang slave ni Austin. Pero bakit ganon? Gusto kong maging saya dahil sa wakas ay tapos na ang pag sisilbi ko sa Austingot na yon, tuluyan na akong makakalayo sakanya, tuluyan na kaming hindi mag kikita. Pero bakit parang hindi ganon ang gusto ko maramdaman?

Ano bang nangyayari sakin?

Napatingin naman ako sa drawer na na sa gilid ko. Tumayo ako at nag tungo dito.

Tinitigan ko ito ng ilang minuto bago napag pasyahang buksan at tumambad sakin ang mga sobre.

Sobre na may lamang 25k, bawat sobre ay 25k ang laman. At galing ito lahat kay Austin, sweldo ko raw. Oo tama kayo ng na basa, siniswelduhan niya ako kahit hindi naman dapat dahil naging slave niya nga ako bilang kapalit don sa pag halik ko sakanya.

Araw araw ang sweldo ko, pag uuwi na ako tsaka niya inaabot ang sobre. Nung unang araw ko at unang bigay niya sakin ng sobre na sweldo ko raw ay hindi ko ito tinanggap pero ang sabi niya isa raw sa utos na tanggapin ko ang sahod na binibigay niya, psh.

Pag uwi ko dito sa bahay tsaka ko tinignan ang laman ng sobre dito sa loob ng kwarto ko at ganon na lang ang gulat ko ng libo libo ito, well. Halata naman sa sobre na maraming laman yon dahil kumapal. Pero hindi ko lang talaga inaasahan, lalo na nung binilang ko lahat na 25k ang laman.

At dahil first time kung makahawak ng ganon ka laking pera na kinita lang bilang slave ni Austin na hindi pa mahihirap ang inuutos ay hindi ko ito ginastos, tinatago ko lang lahat dito sa drawer. Wala pa akong na gastos ni isa dito.

"Ate!"

"Anak ng---!" Napaigtad ako ng sara sa drawer ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Yessie.

Ang babaeng to talaga.

"Anak ka ng tokwa Yessie! Hindi ka ba marunong kumatok?" Singhal ko dito.

"OMG ate?! Nag ka amnesia ka ba?! Hindi ako anak ng tokwa? Anak ako nila mama at papa kapatid mo ako? Tsaka hindi nag kaka anak ang tokwa ate" Saad niya.

Napa sampal na lang ako sa noo ko.

"Ano ba kasi yon?" Iritang tanong ko dito.

"Nandito na si kuya at kasama niya si kuya Autumn!" Masayang saad niya jaya napangiti naman ako at walang ano anong lumabas ng kwarto, ramdam ko namang naka sunod sakin si Yessie.

Nakita ko naman si kuya at Autumn sa sala naka upo habang nag uusap kaya dali dali akong bumaba ng hagdan at pumunta sa gawi nila, naka sunod sakin si Yessie.

"Kuya Autumn?!" Masayang tawag ko dito kaya napatingin naman sila samin ni kuya.

"Yuna!" Nakangiting saad nito kaya dali dali akong pumunta sa gawi niya at niyakap siya, niyakap niya naman ako pa balik.

"Yuna, na miss kita. How are you?" Kumalas na kami sa yakapan.

"Na miss rin kita kuya Autumn, ok naman ako. Ikaw?" Saad ko.

"Ok lang rin ako" Saad niya at pinat pa ang ulo ko.

"Buti naman at napadalaw ka kuya Autumn, sakto na wala rin akong pasok" Saad ko.

"Ah oo, nag kita kasi kami ng kuya Yohan niyo at naisipan kong sumama sakanya pauwi para dalawin kayo" Saad niya.

Siya si kuya Autumn Lay, mag kaibigan sila ni kuya at kuya narin ang turing namin sakanya. Sobrang bait niya, hindi namin alam kung paano sila nag ka kilala ni kuya. Pero 3 years na ang nag daan simula nung pinakilala samin ni kuya yan si kuya Autumn kaya 3 years na namin siyang kilala kaya parang kuya na talaga ang turing namin sakanya at ganon din siya samin, tinuturing niya kaming parang little sister niya.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now