30

953 24 0
                                    

THE NEXT DAY


Yuna's Point of View.

"Ate!!" Sigaw ni Yessie sa labas habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Pasok!" Sigaw ko, nag susuklay kasi ako sa harap ng salamin.

Agad naman siyang pumasok at nag mamadaling nilapitan ako.

"Pupunta ka ba don sa mansion ng boyfriend mo ate?!" Masaya niyang tanong. Napangiwi naman ako, ano raw? 'boyfriend' yuck.

"Oo bakit? Tsaka anong boyfriend? Tigil tigilan mo nga yan Yessie, hindi ko siya boyfriend" Suway ko sakanya.

Dapat ata sila ang mag kaibigan ni Paisley eh, same vibes haha.

"Eh don rin naman papunta yon ate for sure hshs. Nga pala, pwede ba akong sumama hshs please?" Siya. Tumingin naman ako sakanya.

"Hindi pwede" Seryosong saad ko. Napa pout naman siya.

"Sige na ate! Please..." Pag pupumilit niya at nag puppy eyes pa. Amp.

"May gusto ka talaga sa Luhan Madrigal na yon no?" Saad ko at ang gaga bigla namang napatingi at parang kinilig pa.

"Tsk" Asik ko. May gusto nga.

"Wag ka ng sumama okay? Wala naman ngayon don si Luhan eh" Pag papalusot ko na lang. Hindi ko naman talaga alam kong nandon ba siya ngayon o wala.

"Weh?" Siya. Aba't!

"Oo nga" Saad ko.

"Haynako ate, hindi mo ko napaniwala pero sige na nga. Basta bilhan mo ko ng ramyeon pag uwi mo ah" Nakangiting saad niya. Ang babaeng to talaga.

"Oo na, oo na" Saad ko.

...

Nandito na ako sa labas ng gate ng mansion ni Austin, hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Huminga muna ako ng malalim bago napag pasyahang mag doorbell.

Ilang minuto lang ay bumukas narin ito at iniluwa non si Luhan.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag ka dismaya na parang inaasahan kong si Austin ang mag bubukas ng gate.

Damn! Ano bang pinagsasabi mo Yuna.

"Oh Yuna good morning NYAHAHAHAHAHA" Masayang bati sakin ni Luhan.

"Good morning" Balik na bati ko hindi ko alam kung bakit pero napilitan lang akong ngumiti, pakiramdam ko talaga wala ako sa mood ngayon ang bigat ng pakiramdam ko.

Pumasok na ako at si Luhan na ang nag sara ng gate. Nag lakad na ako at nakita ko sila Paris, Nygel at Nicholas sa pool. Si Paris lang ang nakalublob sa pool nakaupo lang sila Nygel at Nicholas sa gather ng pool habang nakalublob ang mga paa sa tubig ng pool.

"Oh Yuna nandiyan ka na pala, na sa loob sila boss Austin. Pumasok ka na lang" Si Nygel. 'sila'?

Nakabalik na si Luhan mula sa pag sasara ng gate at lumublob narin sa pool. Nandito silang apat? Pero ang sabi ni Nygel 'sila'? May iba pang kasama si Austin sa loob? Sino naman?

Aish. Ano bang pakialam mo Yuna.

Nag lakad na ako papasok sa bahay ni Austin at habang palapit ako ng palapit ay siyang pag bigat ng pag bigat ng pakiramdam ko.

Nang tuluyan na akong makapasok ay nakita ko si Austin na nakaupo sa couch at may katabing magandang babae.

Hindi ko alam pero aaminin ko parang tinutusok ang puso ko ng makita sila o hindi lang ako sanay na may kasamang babae si boss Austin?

Bigla namang nabaling ang tingin sakin ni Austin at parang nagulat pa ng makita ako, hindi ko alam kung sino ang lumayo sa kanilang dalawa dahil halos pareho silang lumayo sa isa't isa ng makita ako.

"Yuna..." Parang nag susumamong saad ni Austin sa pangalan ko at napatayo pa. Napatayo rin yung babae.

"Sorry...nakaistorbo­­­ ata ako, lalabas na lang uli ako..." Saad ko at akmang lalabas na sana ng biglang mag salita si Austin.

"No, stay here" Seryosong saad ni Austin.

"Ikaw pala si Yuna" Saad nung babae at lumapit sakin. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Na kwento ka sakin ni Austin" Saad niya. Nandito na siya sa gilid ko.

Ah...siguro na sabi na ni Austin na may slave siya for 3 weeks dito haha.

"By the way, I'm Astrid. Austin's Wife, nice to meet you" Nakangiting saad niya.

Parang tumigil ang mundo ko at may kung anong kumirot sakin ng marinig ko ang sinabi niya.

'Austin's wife' parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko na which is hindi ko naman dapat maramdaman dahil wala naman kami ni Austin at wala naman akong gusto sakanya.

Ano bang nangyayari sayo Yuna. Hindi Yuna, hindi ka affected. Feeling mo lang yan.

"Nice to meet you too" Sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Sir Austin, ano po bang ipapagawa niyo? Nang magawa ko na at makaalis na ako" Baling ko kay Austin na nakatayo parin ngayon, nakatingin lang siya sakin na parang may gustong sabihin na hindi niya pa pwedeng masabi sa ngayon.












Astrid's Point of View.

"Samahan mo na lang ako sa mall!" Nakangiting saad ko kaya napatingin naman siya sakin.

"Austin?" Baling ko kay Austin.

"Go ahead, samahan mo siya Yuna" Sang ayon ni Austin.

Bumabiyahe na kami ni Yuna papuntang mall. Ako ang nag mamaneho ng kotse ko syempre. While Yuna was in the passenger seat, tahimik lang at walang imik.

"So paano ka natanggap? Maarte kasi yon si Austin eh" Basag ko sa katahimikang namamayani sa aming dalawa. Natigilan naman siya sa tanong ko haha. Para lang may pag usapan kami kahit alam ko naman na ang lahat.

"Ah...m-medyo nahirapan n-nga po a-akong mag apply, p-pero buti na tanggap parin" Palusot niya haha.

"Ah..." Ako.

"Anyways, wag mo na akong i-po" I said.

"Okay po---I mean okay" Siya kaya napatawa naman ako.

Ang ganda niya talaga, simple lang. Kung lalaki lang ako baka karibal ako ni Austin haha.














Yuna's Point of View.

Nandito ako ngayon sa mall and guess what kung sinong kasama ko? Hindi si Yessie hindi si Paisley, kundi si Astrid! Ang asawa ni Austin, tsk.

Nag pasama kasi siya sakin na sinang ayunan naman ni Austingot, of course. Anything for his wife, tsk.

Bakit hindi na lang siya sa asawa niya nag pasama, or sinadya niya to? Para pahirapan ako? Para pag bitbitin ng mga paper bags mamaya sa mga bibilhin niya. Tsk thank you girl ha.

Marami rami na siyang napamili at nakakapag taka lang na hindi niya pinapabuhat sakin ang mga paper bag kung saan nakalagay ang mga pinamili niya. Siya ang nag dadala nito, na sa pitong paper bags na ang hawak niya.

"Ako na mag dala ng mga paper bags ma'am Astrid" Prisinta ko.

"Kaya ko na to Yuna and Astrid lang wag ka ng mag ma'am" Siya.

Hindi ko alam pero hindi ko inaasahan na ganito ang ugali niya, akala ko maldita siya at masungit.













---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now