52

824 25 0
                                    

Paris's Point of View.

"Sige balitaan mo nalang ako ha"

[Sige sige] sagot ni luhan at nawala na ang linya.

Sila kase ni nygel ang magaasikaso kay astrid at kami naman ni nicholas ang naiwan dito sa hideout, may kailangan pa kase kaming tapusin dito.

Pumasok na ko sa loob at nakita kong nakatutok ang baril ni nicholas kay Kevin na ngayon ay halos hindi na makilala dahil sa tama ng pangbubugbog ni nicholas.

Nadiskubre kong isa rin pala syang anay sa amin. Tch. At sya ang bumaril kay astrid.

"Any last wish?" Tanong ni nicholas kay Kevin pero hindi na ito makasagot dahil nanghihina narin.

*Gunshots

Sunod-sunod na putok ng baril mula kay nicholas.

Patay na si Kevin.










Yohan's Point of View.

"ANO?!" Sigaw ko kay yessie nang malaman kong umalis sila yuna at paisley.

"Nakakagulat ka naman kuya e! Ano bingi? Sabi ko umalis sila ate--"

"DARN IT!" Mura ko at mabilis na lumabas ng bahay at sumakay sa motor at ipinaharurot ito. Alam kong sa bahay ni de villa pumunta si yuna.

Nang makapasok ako sa subdivision ni de villa ay pinark ko sa sa isang madilim na parte ang motor ko, medyo malayo ito sa mismong mansion ni austin.

Kailangan kong makuha ang kapatid ko.

Kinuha ko ang maliit na telescope sa bulsa ko at iniharap ito sa mansion ni austin para mas malapitan kong makita ito pero isang malaking gate lang ang nakikita ko. Napaka sagrado ng bahay nya

Bullshit!

Natigilan ako sa pagtingin sa telescope nang makita kong may lumabas na kotse.

Ang kotse ni austin.

Agad kong inistart ang motor ko at palihim na sinundan 'yon. Malakas ang kutob ko na kasama nya si yuna.

Mabilis ang takbo ng kotse nya kaya mas binilisan ko pa.

Shit! San sila papunta?

Ilang subdivision na ang nadaanan namin pero hindi parin ito tumitigil hanggang sa..

Huminto ito sa madilim na parte ng abandonadong gusali.

Hininto ko na rin ang motor ko sa parteng hindi nila nakikita at tama nga ako. Unang lumabas ng kotse si austin at sumunod si yuna.

Anong gagawin nila dito?

Kinuha ko ang baril ko at bumaba sa motor at naglakad ng unti palapit sa kanila. Pero hindi nila ako napapansin.

"Anong ginagawa natin dito austin?" Tanong ni yuna kay austin pero seryoso lang syang tinignan ni de villa.

"Sabi mo pupunta tayo sa malayo? Sa lugar kung saan hindi tayo makikita nila kuya? Anong ginagawa natin dito?" Tanong uli ng kapatid ko.

DAMN YOU AUSTIN! BALAK MO PA TALAGANG ILAYO SA AKIN ANG KAPATID KO?!

"You don't really have an idea? Magkapatid nga kayo ni yohan.. parehas kayong tanga-tanga." Parang dumaloy ang napakainit na dugo mula sa ulo ko nang marinig ko yun mula kay austin de villa.

"A-Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ng kapatid ko.

"GINAMIT LANG KITA YUNA. Hahaha ginamit lang kita para sa mga plano ko at ikaw naman naniwala sa lahat ng mga sinabi ko sayo, wala kayong pinagkaiba ng kapatid mo, wala kayong utak--"

Malakas na sinampal ng kapatid ko si austin dahilan para mapatigil sya.

Nanginginig ako ngayon sa galit, gustong-gusto ko ng patayin si austin. Awang-awa ako sa kapatid ko. Hindi nga ako nagkamali ginamit lang ng hayop na de villa na yan ang kapatid ko laban sa akin.

"Sabihin mo nagbibiro ka lang naman diba? Hindi mo 'ko ginamit! Hindi totoo yan! Nagsisinungaling ka lang!" Kitang-kita kong bumagsak ang mga luha ng kapatid ko, para akong dinudurog.

"I'm done with you! Now.. you already know everything.. kailangan mo nang mamatay!" Pagkasabi nun ni austin ay nakita kong ikinasa nya ang baril at itinutok sa kapatid ko.

Mabilis ko na ring kinasa ang baril ko at pinaputukan si de villa pero mabilis nya itong naiwasan. FVCK?!

"KUYA!" Sigaw sakin ni yuna at mabilis akong nilapitan.

"HAYOP KA! PAPATAYIN KITA--" Tutukan ko pa sana si austin pero hinawakan ni yuna ang kamay ko para pigilan.

"Kuya! Umalis na tayo! Please!" Pakiusap nya sakin.

"HINDI, PAPATAYIN KO MUNA ANG DEMONYONG YAN!" Nanggigil kong sabi sa kanya pero piniglan nya uli ako.

"Kuya please umalis na tayo--"

*Gunshots

Hinila ko si yuna payuko nang biglang may magpaputok. Napabaling ako kay austin, hindi sya ang nagpaputok pero matalim syang nakatitig sa akin. Hayop ka!

"I'll give you 3 seconds to run as fast as you can" Malademonyo nyang sabi at ikinasa ang baril nya.

"MAGKAKAMATAYAN--"

"KUYA PLEASE! UMALIS TAYO! PLEASE!" Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay umiiyak na. Shit.

"3"

"Please Kuya, nagmamakaawa ako! Please!" Si yuna.

"2"

Hinawakan ko na si Yuna at sabay kaming sumakay ng motor. Tinignan ko pa ng masama si de villa at pinaharurot na ang motor.

~

"Yan na ang sinasabi ko sayo! Niloloko ka lang ng lalaking yun, pero hindi mo 'ko pinakinggan!" Sermon ko sa kapatid ko nang makapasok kami sa bahay.

"Kuya? Ate?" Si yessie.

"Pumasok ka sa kwarto mo!" Utos ko sa kanya.

"Ha? E, kakapasok ko lang dun--"

"SABI KO PUMASOK KA SA KWARTO MO!" Sigaw ko kaya mabilis sya tumalikod samin at pumasok na sa kwarto nya.

Bumaling naman ako kay yuna na ngayon ay nakaupo na sa sala at tila nakatulala.

"Ano? Narerealized mo na ba lahat?! Pinaikot ka lang ng lalaking 'yon. Ginamit ka lang nya yuna--"

"Oo na kuya. Tama na! Wala na akong pakialam sa kanya ngayon, ang gusto ko nalang ay makaganti! Gusto kong ipaghiganti si kuya ysmael! Kahit para lang sa kanya.. gusto kong paghigantihan si austin! Gusto kong maramdaman nya din kung anong nararamdam ko ngayon! Gusto ko syang PATAYIN Kuya." Bahagya akong natigilan sa mga sinabi ng kapatid ko.

"Ako na ang bahala sa kanya--"

"Gusto kong ako mismo ang pumatay sa kanya Kuya! Isama nyo 'ko sa grupo nyo, gusto ko ring mging mafia." Seryoso nyang sabi.

"Hindi! Mapanganib ang sinasabi mo, hindi ako papayag--"

"Wala na akong pakialam kung mapanganib o hindi Kuya!" Tumayo sya at lumapit sa akin. " Ang gusto ko ngayon ay makaganti kay austin. Isali mo 'ko sa Satan's Killers dalhin mo 'ko sa hideout nyo."















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now