51

851 25 0
                                    

Autumn's Point of View.

"WHAT DID YOU JUST SAY?!"

Sigaw ni boss trevor mula sa laptop. Nasa ibang bansa sya nagtatago kaya sa pamamagitan ng video call lang namin sya nakakausap.

"Tama ka pagkakarinig boss, patay na si astrid.. pinatay sya ni Austin." Pagsisinungaling ko. Mas magandang si austin ang pagbalingan ni boss trevor para lalo silang mag-away.

"THAT DAMM BASTARD I WILL KILL HIM!" Galit na galit na sabi nya. "I will send many men there and attack Austin de Villa. Do everything you can to kill him." Ramdam sa mga tono ni boss ang galit.

"Makakaasa ka boss!" Pagkasabi ko nun ay nawala na ang linya ni boss.

Tumayo ako at nagtungo sa malaking veranda ng kwarto kung saan makikita ang kabuuan ng buong bagong hideout namin. Mas malaki 'to kumpara sa nilusob ni austin at sigurado akong hindi nya na 'to matutuntun. Tsk.

Nagsindi ako ng sigarilyo ko at napaisip kung nasaan na si nathalia.. nang makatakas ako sa dati naming hideout ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya pati si yohan ay hindi rin alam. Buhay pa kaya ang babaeng 'yon?

"Boss, nandyan na si yohan. Nagwawala!" Sabi ni Holland mula sa likuran ko.










Yohan's Point of View.

*Gunshots

"Boss yohan, nandyan na po si boss autumn!" Napatigil ako pagbabaril sa pader nang marinig ko 'yon.

"Anong problema mo?" Tanong nya sakin agad akong lumapit sa kanya at matalim syang tinitigan.

"YUNG BABAE NI AUSTIN! ALAM MO NA BA KUNG SINO SYA NOON PA?!" Nanggigil kong tanong sa kanya.

Tinapon nya muna ang sigarilyo nya bago ako sagutin. "Hindi ko alam, si nathalia ang humawak sa kanya diba?" Sagot nya.

"ARGH! P*TANGINA NAMAN AUTUMN, BAKIT HINDI MO INALAM?!" Sigaw ko sa kanya. Tangina, mapapatay pala namin si yuna nang hindi namin alam?

"Ano ba kase yun? Bakit ka ba sumisigaw? Ano naman kung malaman natin kung sino yung babae--"

"SI YUNA! SI YUNA ANG BABAE NI AUSTIN! YUNG KAPATID KO!" Sabi ko na ikinagulat nya.

"S-Si yuna? Paanong nangyari yun? Paano sila nagkakilala?" Gulat nyang tanong.

"Tsk! Hindi ko alam. Hayop na austin yan! Nilason nya pa isip ng kapatid ko" Sisiguraduhin kong hindi nya na makikita pa ang kapatid ko kahit na kailan.

"E pano yan, nasaan si yuna? Nasaktan ba sya sa nangyaring gulo?" Nag-aalala nyang tanong.

"Ayos naman sya. Humanda talaga sakin 'yang de villa na yan pati ang kapatid ko ay dinamay nya sa mga plano nya!" Nanggagalaiti kong saad.

"Ang alam ni boss ay si austin ang pumatay kay astrid kaya magpapadala sya ng mga tauhan galing sa ibang bansa. Pero wala pa syang sinabi kung kailan tayo aataki kay de villa" Napatingin naman ako sa kanya sa sinabi nya.

"Sige, ilalayo ko muna si yuna at yessie para hindi sila madamay." Sabi ko at tinalikuran na sya.













Paisley's Point of View.

Napabalikwas ako ng bangon nang hindi tumigil ang pagring ng phone ko.

Yessie Calling..

Sinagot ko naman agad ito. "Hello?" Nakapikit kong sagot.

[ATE PAISLEY!!!] Sigaw nya kaya bahagya kong nailayo ang phone sa tenga ko. Problema ng babaeng 'to?

"Bakit? Ano meron?" Tanong ko.

[HELP! ATE PAISLEY HELP!] Napatayo agad ako nang marinig ko yun.

"Bakit anong nangyari?!" Kinakabahan tuloy ako.

[SI ATE YUNA! HUHUHU!]

"Anong nangyare kay yuna? Nasaan kayo? May naaksidente ba? May sakit ba sya? Ano nangyari yess?" Sunod-sunod na tanong ko.

[Grabe ka naman sa na aksidente ate hahaha ang advance mo mag-isip ate pais hahaha kinulong lang ni kuya si ate sa kwarto hehe] Sagot nya. Tss. Akala ko kung ano na.

"Bakit kinulong?" Tanong ko.

[I don't nga ate e. Sabi ni ate yuna tawagan daw kita para humingi ng tulong hindi kase namin alam kung paano mabubuksan yung pintuan e] Si yess.

"Uh sige papunta na ko"

[Yieeee sige ate! Ingat!] Pagkarinig ko nun ay ibinaba ko na ang phone at nagpunta na ng cr. Ano kayang nangyari dun. Bakit nilock ni yohan si yuna?

"OMG ATE PAISLEY! HEHEHE!" Bungad sakin ni yessie nang papasukin nya ko sa bahay nila.

"Nasan si yuna?" Tanong ko.

"Nandun sya sa kwarto ni kuya, ate." Sagot nya.

"May martilyo ba kayo dyan?"

"Oo ate bakit anong gagawin mo dun?"

"Basta kunin mo tas bigay mo sakin agad!" Sabi ko at tumakbo papunta sa pintuan ng kwarto ni yohan si yessie naman ay Kinuha na yung martilyo.

"Sissy?" Tawag ko at nilapit pa ang tenga ko sa pintuan.

"SISSY? IKAW NA BA YAN? TULUNGAN MO KO MAKALABAS!" Sigaw nya.

"Uh oo sige sige sandali lang ha!" Ako.

"Ate pais ito na!" Abot sakin ni yessie ng martilyo, kinuha ko naman agad yun at inumpisahan nang sirain ang kandado.










Yuna's Point of View.

Ilang pukpok ng martilyo ang narinig ko hangang sa tuluyan nang bumukas ang pinto.

"Sissy!"

"Ate!"

Bungad nila sakin. "Bakit kaba kinulong dyan ni yohan?" Nagtatakang tanong ni Paisley. Napatingin ako kay yessie na nagtataka rin. Hindi pa alam ni yess na mafia si kuya.

"Ska ko na sasagutin yan, samahan mo muna ko!" Sabi ko kay paisley at hinila na sya.

"Ate aalis ka uli?" Si yess.

"Oo e. Pero dito ka lang ha wag kang aalis!" Sagot ko sa kanya.

"Pero ate sabi ni kuya--"

"Ska ko na eexplain sayo lahat ha hindi mo pa kase maiintindihan ngayon e." Putol ko sa sasabibin nya at hinalikan sya sa noo at hinila ko na si paisley palabas ng bahay.

"Ano? Legit?! Gosh!"Hindi makapaniwalang sabi ni Paisley nang ikwento ko sa kanya ang lahat, nakasakay na kami ngayon ng taxi. "Si bebe yohan.. Mafia? Wah! Never kong naisip yun sa kanya." Dagdag nya.

Kahit ako e, never ko yun naisip.

"Pwede bang mahiram yung phone mo? Tatawagan ko lang si austin." Sabi ko sa kanya, kailangan naming magkita ni austin ngayon. Inabot nya naman agad yung phone nya.

Dinial ko agad ang number ni austin.

[Who's this?] Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nya.

"Austin ako 'to si yuna, magkita tayo ngayon, nasaan ka?" Sagot ko.

[How are you? I'm here in my house. Where are you?]

"Okay lang ako, papunta na ko dyan!" Pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang linya at ibinalik na kay paisley ang phone nya.

"Yun ba yung boss austin mo?" Si Paisley.

"Oo, thank you paisley ha. Siguro hanggang dito nalang ako, baka madamay kapa kapag sumama kapa sakin sa mismong bahay ni austin e" Sabi ko sa kanya.

"Ah sige sige mag-iingat ka ha" sya.

Ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na ng taxi at ska sumakay uli ng ibang taxi papunta na sa bahay ni austin.















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now