03

1.9K 54 1
                                    

Austin's Point of View.

Matapos kong makipag-usap sa babae na 'yon ay pumunta na ako rito sa hideout namin, pero 'di pa man din ako nakakababa ng sasakyan ay rinig na rinig ko na ang mga putukan.

"Tsk" Asik ko sa kawalan at kumuha ng isang baril.

Lumabas na ako ng sasakyan at nakipagbarilan sa mga taong sumugod sa hideout namin.

Habang nakikipaglaban ako ay may nakita akong lalaki na nakatayo sa gitna at mukhang 'yon ang boss nila.

"How pitiful. I really enjoy this" Saad niya sa kawalan. Tsk, really, huh.

"Now, I've gotta more try to enjoy this" Dugtong pa niya.

Enjoy your ass.

Naglakad siya papunta sa pinto ng hideout namin at sinipa ito nang malakas dahilan para masira ito, pumasok na siya sa loob kaya binilisan ko ng patumbahin ang mga walang kwenta niyang tauhan.

Nang mapatay ko na ang mga tauhan niya ay agad akong pumasok ng hideout.

Pagpasok ko ay naabutan ko siyang itinututok ang baril niya sa sintido ni Nygel na nasa sahig at walang malay.

Wala ng bala ang baril ko, naubos sa pakikipagbarilan sa mga tauhan niya kanina kaya kinuha ko na lang ang kutsilyo na nakita ko sa mesa.

"Don't you dare." Saad ko habang nakatalikod siya at kinutsilyo ang braso niya.

"Ackkk" Daing niya.

Akmang haharap na siya sa'kin para barilin ako pero agad ko siyang sinipa nang malakas dahilan para masubsob siya at mabitawan niya ang baril.

Kwinelyuhan ko siya at pinaharap sa'kin Pabalibag ko siyang sinandal sa pader.

"You were sure enjoying yourself back there?" Seryosong saad ko sa kaniya.

"Let me help you have some more fun" Dugtong ko.

"Arghhh" Usal niya nang ipasok ko ang paa ko sa loob ng bibig niya.

"Subukan mong gumalaw at ididiin ko pa 'to sa ngala-ngala mo" Seryoso kong saad.

I can't kill this guy yet. May itatanong muna ako sa kaniya.

"Magkakampi ba kayo ni Trevor? Saan siya naglulungga?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

"Boss Austin..." Rinig kong tawag sa'kin ni Luhan na nagkamalay na, pero hindi ko muna siya pinansin.

"Answer me." Saad ko sa lalaki at tinanggal ang paa ko sa bibig niya at kwinelyuhan siya.

"Pakawalan mo si boss kung ayaw mong patayin ko ang lalaki na 'to!" Napalingon naman ako nang may magsalita sa likuran at hawak niya si Luhan habang nakatutok ang baril niya sa gilid ng ulo ni Luhan.

Damn it!

Nang bumaling uli ako sa lalaki kanina ay nakita ko siyang akmang kukunin ang baril niya pero agad ko siyang hinila at hinawakan ang dalawang kamay niya gamit ang isang kamay ko at ang isang kamay ko naman ay hawak ang kutsilyo na nakatutok sa leeg niya.

"Sige subukan mo, at gigilitan ko naman ng leeg tong boss mo" Saad ko sa lalaking may hawak kay Luhan.

"Pakawalan mo si boss at pakakawalan ko rin 'tong lalaki na 'to!" Saad niya.

"Unahan mo." Saad ko.

Dahan-dahan naman niyang pinakawalan si Luhan. Nang makawala na si Luhan ay bahagya ko ring pinakawalan ang lalaki na 'to.

Kinuha ni Luhan ang baril na nasa sahig at akmang babarilin sila pero pinigilan ko siya.

"Don't do it." Ako.

"Bibigyan ko kayo ng pagkakataong mabuhay pero sa oras na kalabanin niyo ulit kami, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo" Saad ko.

Ngumisi lang ang boss nila at umalis na silang dalawa.

"Boss, ayos ka lang ba?" Si Luhan at lumapit sa'kin.

"Don't mind me, gisingin mo na 'yong tatlo" Utos ko sa kaniya na agad niya namang ginawa.

"Nygel! Paris! Nicholas!" Gising niya sa tatlo.

Yuna's Point of View.

Nandito kami ngayon ni Paisley sa room, wala pa ang teacher namin kaya nagdadaldalan lang kami.

"Nga pala sis, bakit ka pinapunta sa dean's office kanina?" Tanong niya sa'kin.

"Mahabang kwento, eh" Sagot ko.

"Edi ikuwento mo, makikinig ako dali" Siya.

"Pero 'pag discussion ng teacher 'di ka nakikinig?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Gano'n talaga, haha, dali na kuwento mo na" Siya.

"Omg! For real?! Wahhh!" Siya matapos kong ikuwento ang lahat-lahat  sa kaniya.

"Oo, 'wag ka maingay, ah! 'Wag mong ikuwento kahit kanino, kahit kanila kuya at Yessie. Chismosa ka pa naman!" Ako.

"Wah, sana all! Pogi ba 'yong lalaki?" Siya.

"Gaga 'to, muntik na 'kong ma-rape tas sana all ka pa riyan." Ako.

"Yung kiss kasi hindi 'yong muntik ka na ma-rape" Siya.

"Ewan ko sa'yo." Ako at napailing na lang.

"Pero pogi nga ba 'yong lalaki?" Siya.

Potek.

"Oo, hindi ko i-de-deny na pogi siya pero 'yong ugali ang pangit" Ako.

"Wah! Sana all talaga! Isipin mo girl, pinahanap ka pa talaga!" Siya.

"Oo, para gawing slave. Tsk." Ako.

"Duh, dahilan niya lang 'yon!" Siya.

"Ewan ko sa'yo, 'wag na nga natin pag-usapan 'yan." Ako.


───✧༺───

A B B I A N N A

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now