45

891 24 0
                                    

Hindi ko muna pwedeng sabihin kay Yuna ang totoong dahilan alam ko namang maguguluhan lang rin siya lalo na't mundo ng Mafia.

"Yuna!" Tawag ko kay Yuna ng makalapit ako kaya napatingin naman sila sakin.

"Astrid! Saan ka ba nang galing? Sabi sakin ni ateng sales lady nawalan raw ako ng malay kaya bumili ka raw ng gamot?" She asked.

"Yes" Ako at pinakita ang hawak kong gamot.

"May dumaan kasing staff na may buhat na mga kahon, nawalan siya ng balanse kaya tumama ito sa likod mo at nawalan ka ng malay" Palusot ko.

Sana maniwala siya haha.

Mukhang naniwala naman siya dahil napatango tango siya.

"Thanks" Baling ko sa sales lady kaya ngiti naman itong tumango.

"Tara na Yuna, uwi na tayo" Aya ko sakanya.

Habang bumibili kasi ako ng gamot ay tinawagan ko si Austin at sinabi ang tungkol kanina, ayon. Alalang alala kay Yuna, balak pa nga sanang sundan kami dito pero sabi ko wag na dahil pauwi na rin kami kaya mag hintay na lang siya.

End Of Flashback.









Still Astrid's Point of View.

"Bata palang kami noon ni austin nang magkaroon ng away sa pagitan ng pamilya namin at pamilya ni austin. Namatay si mommy sa car accident kasama si tita--ang mommy ni austin, hindi katulad kay mommy ay nabuhay si tita ariela. Nagalit si daddy kay tita ariela hanggang sa lumaki ang gulo, pinatay ni daddy trevor sila tita ariela at tito justin sa mismong harapan ni austin. Walang nagawa ang mga pulis kundi ibasura ang kaso kay daddy dahil walang ibang ebidensya, bata pa noon si austin nagkaroon sya ng trauma naging Tulalip at wala syang pakiramdam kaya pati sa korte ay wala syang nagawa para isumbong si daddy. Simula noon kinuha lahat ni daddy ang lahat ng properties nila austin, lahat ng mahahalagang bagay at tao sa kanya ay kinuha ni daddy--Pinatay nya. Hanggang sa lumaki si austin at nagsimulang maghinganti. Ibang-iba na sya matalino, matapang, wala nang inuurungan, mabilis nyang nabawi lahat kay daddy hanggang sa umabot sa patayan ang away nilang dalawa. Nabaril ni austin si daddy sa kaliwang mata nito. Hindi ko alam kung sino ang papanigan ko sa mga panahong 'yon, austin is my bestfriend at daddy ko ang kaaway nya.." pinunasan ko ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko. " .. Naging mas malakas si austin mas lalo syang yumaman, mas dumami ang koneksyon, dahil dun ay nawala ng parang bula si daddy hanggang sa malaman naming may nabuo na pala syang mafia organization na halos kasing lakas din ng organization ni austin. Ilang taon ding tumigil ang away sa pagitan nila, ilang beses akong pinagtabuyan noon ni austin dahil anak ako ni trevor pero hindi ko sya iniwan.. awang-awa ako sa kanya noon dahil mula nang mamamatay ang parents nya ay hindi ko na sya nakitang ngumiti.." Tinignan ko si Yuna na ngayon ay seryoso paring nakikinig sa akin.

".. Nangako ako noon kay austin na hinding-hindi ko sya iiwan.."

"Kaya sya nahulog sayo at pinakasalan ka niya?" I laughed awkwardly.

"Austin and i are not married, everything about us is just a show."












Yuna's Point of View.

"Austin and i are not married, everything about us is just a show."

Diretsong sagot ni astrid sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko parang gusto kong magtatatalon sa tuwa.

Simula nang magkwento si astrid ay unti-unting nasagot ang mga katanungan sa isip ko. Pero hindi parin ako makapaniwala may mag katanungan parin ako na hindi pa nasasagot.

"Palabas lang yun? Hindi ko naiintindihan astrid" nalilito kong tanong.

"Like what I've said, lahat ng mahahalagang bagay at tao sa buhay ni austin ay kinukuha ni daddy, 4 years ago nang sabihin ko kay austin na magpakasal kami--PEKENG KASAL, alam naming lahat na hindi ako kayang saktan ng daddy ko kaya habang iniisip nila na totoong nagmamahalan kami ni austin ay iisipin nilang ako ang kahinaan nya at sa point na yun malayang makapagmamahal si austin ng ibang babae... at ikaw 'yon Yuna.. ikaw ang tunay na kahinaan ni austin." Nakangiting nyang sabi sakin kasabay nun ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Pero bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to? Hindi ba dapat sa daddy mo ikaw kumampi bakit kay austin?"

"Simple lang, dahil mahal na mahal ko si austin.. Para nang kapatid ang turing ko sa kanya. Sya lang ang kaisa-isang taong nagparamdam sakin na mahalaga 'ko, sya lang ang taong minahal ko na tinuring akong pamilya na ni minsan hindi pinaramdam sakin ng ama ko.. gagawin ko ang lahat para lang kay austin--Para sa inyong dalawa." Bakas kay astrid ang sinsiridad sa bawat salitang minumutawi nya..

Hindi ako makapagsalita..

Sobrang saya ko sa mga oras na 'to hindi ko maipaliwanag..

Ang tangi ko lang nagawa ay mapayakap kay astrid..

"Thank youu.. thank youu astrid.." pagpapasalamat ko sa kanya habang magkayakap kaming dalawa.

"Hindi mo kailangang magpasalamat Yuna.. ako nga dapat ang magpasalamat sayo e. Kase binigyan mo uli ng kulay ang buhay si austin.. thank you so much yuna." Nakangiti nyang sagot nang magkalas kaming dalawa.

Naiinis ako sa sarili ko dahil pinag-isipan ko sya ng masama kanina habang sya ay pinoprotektahan ako. I'm so stupid.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito at pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay..

Austin.

"Yuna!" Tawag nya sakin at patakbong lumapit sa amin at bigla akong niyakap ng mahigpit.

Bigla kong naalala ang mga kinwento ni astrid..

He's a Mafia..

Mafia na pumapatay ng tao..

Mafia na kinamumuhian ko..

Mafia na pinaka-kinaiinisan ko..

Sinasabi ng isip ko na itulak ko sya pero sinasabi ng puso ko yakapin sya..

"Yuna? Are you okay? what did they do to you? did they hurt you?" Sunod-sunod na tanong nya..

"A..yos lang ako." sagot ko sa kanya.

Tinignan naman nya 'ko ng nagtataka.

"She already knows everything about us, about the mafias!" Sabi ni astrid na halatang ikinagulat ni austin dahan-dahang nya akong binitawan at parang pinagsakluban ng langit at lupa na umupo sa sofa.
















---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now